📌 Play the song para mas dama.
¤ ¤ ¤
Muli
Dane's POV
This is it.
The day for Quen and Liz.
Haaaay nakakahappy talaga.
I'm on my way to Mama's house para ihatid si Nate. Hindi ko na siya isasama kasi magiging busy ako dun tapos walang magbabantay sa kanya kaya napagkasunduan naming dun muna siya sa Lola Momsh niya. Tuwang tuwa naman si Papa nung nalaman niya na dun muna si Nate, namiss daw niya eh.
"We're here. Pakabait ka Nate ha, don't be hard headed kina Lola Momsh at Lolo Popsh." pagpapaalala ko sa kanya.
"Yes, Nanay. I won't." nakangiting sabi niya. Bitbit niya naman ang mga librong babasahin niya.
"Basta, don't forget your promise to me ha." dagdag niya.
"Yes, love. We'll go to the bookstore tomorrow and buy your desired books, okay?" sabi ko sa kanya bago kami bumaba mg sasakyan.
"Yeeeey, Nanay is the best. I love you, always." sabi niya at humalik sa pisngi ko. Ang tamis!
"I love you too, love. Always." sabi ko at inakay na siya pababa ng sasakyan.
Naghintay naman sina Mama sa pintuan. Hindi masyadong excited eh no. Napatawa nalang ako.
"Ang tagal niyo ah." sabi ni Papa. Oh see? Tamang tama ako.
"Asuuus si Papa, isasama ko nalang si Nate uy." pagbibiro ko
"Subukan mo Monique Dane at kakalbuhin kita." pagbabanta ni Mama.
Napatawa nalang kaming dalawa ni Nate. Ang sarap din asarin ng mga magulang ko eh.
"I'll be going, love. I need to prepare pa eh." sabi ko kay Nate at humalik sa pisngi niya.
"Okay, Nanay. Take care!" at niyakap niya ako ng napakahigpit. Clingy.
Agad naman akong nagpaalam kina Mama at Papa. Tinext ko muna si Don para sabihing maghanda na.
It's already 6:30AM at 8AM ang call time. So, dapat bilisan ko na. Tapos na rin naman akong naligo, bihis nalang at make up and off I go.
Pagdating ko sa bahay ay saktong nandun naman si Neil kasama si Kyarah, ang magandang anak niya. Siyempre kahit changed 'man' ma siya eh siya parin ang make up artist ko sa mga special events kagaya nito. He's still the same except limitado na ang girly actions niya kasi nga nagbabago na daw siya.
"Haynaku Dane, ang tagal mo ha! Nakulot ko na tong buhok ni Kyarah, di ka pa rin dumadating." sabi niya at tumawa lang si Kyarah sa sinabi ng tatay niya. Nahampas ko tuloy.
"Simulan mo na nga, daming satsat." sabi ko kaya sinabunutan ako ng bakla ay este lalaki. Parang ang awkward ata nun.
Nagsimula na niyang kulayan ang mukha ko. Sabi ko simple lang kumbaga 'no makeup' makeup look. Hindi kasi ako sanay sa mga heavy makeups, parang ang init sa mukha.
Makalipas ang 30 minutes eh nagmukhang tao narin ako. Sa wakas. Niyakap ko naman agad si Neil.
"Salamat Neil, the best ka talaga." sabi ko
"Tuition fee nalang ni Kyarah ang bayad 'dyan." pagbibiro niya kaya nagtawanan kami.
Tinulungan naman niya akong isuot ang gown ko. At inayos kaunti ang buhok ko at retouch ng makeup.
"Ang ganda mo, bakla. Thanks to me." pagbubuhat niya sa sariling bangko niya.
"Salamat Neil." sabi ko lang sa kanya dahil kahit ako eh nagulat sa look ko. Eto ang gusto ko, simple lang kasi ganito naman talaga ako.
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...