¤ 58 ¤

586 69 25
                                        

Malaya

Dane's POV

"Dane ..."

"Dane, iha ..."

Sabay na sambit nina Sir Kevin at Tita Cathy matapos nila akong makita. Wala sila Shar at Edrake, buti nalang para makapag-usap kami ng maayos at mapag-usapan ang dapat pag-usapan.

Nginitian ko muna sila bago magsalita kasi nagiging emosyonal na si Tita Cathy habang si Tito Kevin naman ay nag-aalala sa magiging reaksyion ko.

Handa naman na ako. Actually, hindi ako nagtanim ng galit sa kanya. Alam kong nakontrol lang siya ng kanyang sariling galit at poot na sa panahong iyon ay hindi siya nakapag-isip ng maayos. Walang dapat sisihin sa nangyari pitong taon ang nakalipas kasi walang may gusto dun.

"Hello po! It's to meet you again." nakangiting sabi ko sa kanila.

Masaya ako. Yun ang totoo, masaya ako kasi muli ko silang nakita at nabigyan ng pagkakataon ang mga tao para magbago.

Hindi pa naman huli ang lahat eh. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa amin noon pero sino ba naman ako para hindi magpatawad?

Nabigla ako ng biglang lumuhod si Sir Kevin at humagulgol sa pag-iyak. Agad ko naman siyang inakay patayo. Buti nalang at nasa eksklusibo kaming kwarto ng resto na ito.

"Dane, I'm sorry. I'm sorry for all the pain I've caused you. For all the things I've done to you. I'm sorry because I misjudged you. I know I am stupid for letting that things happen and everyday I've been eaten up by my conscience. I can't bear to see you when all I can remember is my monstrous behavior towards you ..." sabi niya at muling humikbi.

Unti unting tumutulo ang luha ko 'di dahil kay Sir Kevin pero dahil sa pagkakataon na ibinigay ng Panginoon sa amin ngayon.

"Dane, please forgive me for being selfish and greedy. That's the biggest mistake I've ever done in my life. Please forgive me, Dane." sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Inilagay ko naman ang isang kamay ko sa kanya at nginitian siya.

"It's alright, Sir Kevin. I don't know if you will believe me but I've never put a grudge in my heart. For whatever you've done in the past, it's not relevant anymore. We've been living our lives and all I can say is that I'm happy for what I've become and it's all because of the past I've encountered. I've forgiven you seven years ago, from the day I decided to leave Germany, all because I don't want to leave my heart there and be a total devastation if I go back here in the Philippines. I'm also sorry if you feel guilty but I assure you, everything is fine with me right now."

'Yun ang totoo at masaya akong naipahatid ko sa kanila 'yun. I don't want them to feel bad just because of that reason that eventually turned into that so called 'hate'. Hate is very rampant nowadays, I don't wanna add up onto that.

Niyakap ako ng mahigpit ni Sir Kevin and it gave relief to my heart, to my whole being. It's like napalaya ko ang isang bagay na gustong kumawala sa puso ko. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko at nagpapasalamat ako kasi dumating ang araw na ito para sa aming lahat.

"I'm thankful that you gave me another chance to be a good person to you. I promised to take care of you just like my own daughter." sabi niya na nagpagaan lalo sa pakiramdam ko.

"But Dane, your relationship with Edrake-" dagdag niya pero agad kong pinutol.

"It's okay po. I don't want to force things to happen. I'll just lift it up all to God, I know He has a better plan for this." diretsong sabi ko.

Muli niya akong niyakap ng mahigpit at sumalo na rin sila Lau at Tita Cathy.

"Don't worry Dane, everything's going to be fine soon. I will continue praying for that." sabi ni Tita Cathy at nginitian ko naman siya.

"I can't wait to see Nate. I'm sure they are also." bulalas ni Lau na nagpagulo ng isip ni Tita Cathy at Sir Kevin

"Who's Nate?" sabay na tanong nila.

"Uh oh." tanging nasabi ni Laurice at nag action na parang zinipper ang bibig. Buang talaga tong babaeng to.

"He's my son and Edrake's son." tanging nasabi ko na nagpaluha sa kanilang dalawa. Alam kong masaya sila na malaman na may apo na pala sila.

"Oh God iha, you don't know how happy I am right now. Thank you Dane, thank you for coming back to our lives." sabi ni tita at niyakap muli ako ng napakahigpit.

"Does Edrake know about this?" tanging tanong ni Sir Kevin, agad naman akong umiling.

"Not yet. I think it's not the right time for him to know all of these. I don't want him to come back to us just because he feels obliged to do it. I want him to come back to us because he chose to be with us. That's what I'm praying for." sabi ko at nginitian sila para maassure sila na okay lang lahat.

"Such a selfless woman, I'm proud of you iha." sabi ni Tita Cathy.

I guess this is a new start for everything. Everything is falling back to its perfect places, just one more thing. Just one.

-

Shar and Edrake arrived in La Union few hours after our talk with Tita Cathy and Sir Kevin. They seems so happy and enjoying the mini welcome party arranged by the hotel for the guests. Luckily, there are so many tourists right now that's why they held a party.

We are on one table. Me, Lau, Shar and Edrake, talking about life and stuff. Pero kinabahan ako ng makitang tumatawag si Mama. Agad akong nag-excuse sa kanila. Unti-unti akong pinagpapawisan ng malamig. Masama ang pakiramdam ko dito eh.

"Hello Ma."

"Hello, nak." naiiyak na sabi ni Mama

"Ma, anong nangyari? Sabihin niyo po agad."

"Nak, andito kami ngayon sa ospital nak."

"Ha? Ano pong nangyari Ma?"

"Si Nate, inaapoy ng lagnat at nagsuka kanina pagkaalis mo."

"Oh God! Sige ma, aalis na po ako dito at agad ko kayong pupuntahan."

Sabi ko at ibinaba agad ang tawag. Panginoon, tulungan Niyo po ako. Sana po walang mangyayaring masama sa anak ko.

Pagtalikod ko ay nandun si Edrake, nakaabang.

"What happen?" tanong niya

"Mr. Beckham, I'm in a hurry. Please." sabi ko

"Tell me what the fuck happen to my son!" sigaw niya na nagpalipad ng kaluluwa ko.

Paano? Panginoon, ano pong nangyayari?

¤

Oh dali na, comment na kayo ng bitin hahahahahahaha labyu labyu. Happy Reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon