¤ 26 ¤

625 62 7
                                    

📌 Listen to the song at intindihin niyo po ng maigi ang lyrics. Ang ganda po.

Vote, comment and smile 😊🙌

¤ ¤ ¤

Pag-ibig Lang

Dane's POV

Bumaba naman ako kaagad at humalik kay Mama. Isa siya sa mga rason ko kung bakit pa ba ako bumabangon wow lakas maka nescafé creamy white ah

"Inday Dane, pupunta muna ako sa supermarket. May bibilhin lang ako." sabi ni Mama.

"Ay ako na Ma, malapit lang naman 'yun. Lalakarin ko nalang, wait lang maliligo muna ako. Ihanda niyo na po ang listahan ng ipapabili niyo." sabi ko kay Mama bago pumunta sa kwarto.

Maaga pa naman, 10AM pa ang pasok ko eh kaya okay lang. Walking distance lang naman ang supermarket dito. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako kaagad at kinuha ang listahan kay Mama. Parang magbebake ata siya ah hmmm baka walang magawa si Mama kaya ito nalang ang pinagkakalibangan niya. Napangiti naman ako.

Naglakad na ako papunta sa Supermarket. Isinuot ko lang ang hoodie ko tsaka ang earphones sa tenga ko. Ang ganda ng music, togsh togsh togsh

Nang biglang

"Huy mga panget ka'yo! Anong gagawin niyo sakin? Ano ba ibaba niyo ko!" pagpupumiglas ko. Agad naman akong nawalan ng malay ng takpan nila ng panyo ang ilong ko.

Panginoon, tulunga Niyo po ako.

-
Masakit ang ulo kong bumangon mula sa malambot na higaan. Hala! Bakit 'di ako nakatali at nasa warehouse man lamang? Ay tanga mo talaga Dane, mas gugustuhin mo ba 'yun? Napasapo nalang ako sa'king noo. Lumabas ako sa kwarto at palubog na ang araw kaya't namangha ako lalo pa't nasa tabing dagat lang ako. Ang ganda talaga ng sunsets.

"Just like sunsets, endings can be beautiful too." sambit ng tao sa likuran ko. Paglingon ko ay halos lumuwa ang mata ko.

"Anong ginagawa mo dito? Teka, bakit ako nandito?" pagtatanong ko sa kanya.

"To answer your question, I own this exclusive island. And for the second one, I said I will do everything to win you back. Is it enough now, Miss Enriquez?" sagot niya. Agad naman nag-init ang dugo ko. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Ganyan ka na ba talaga ka desperado ha Edrake? Ano bang mahirap intindihin dun sa mga sinabi ko sayo, akala ko ba matalino ka?" malamig kong sambit sa kanya.

Ngumiti naman siya pero alam kong peke 'yun.

"I'll take that Miss Enriquez but seems like love taught me how to be stupid for someone." sabi niya ng direktang nakatitig sa mga mata ko.

Medyo natamaan ako dun ah, parang nagcartwheel ng very light ang puso ko. Pero di dapat ako papatinag.

"I guess that love you have in your heart is not enough to make you the most stupid person I've known." call me harsh or whatsoever I don't care. This should not be happening.

Agad kong iniwan siya. Hindi niya naman ako pinigilan kaya't napanatag naman ang loob ko. Hindi rin siya sumunod kaya dire-diretso lang akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Bago pa ako makapasok ay tinanaw ko muli siya, nakita kong nakaupo lang siya sa buhangin at nakatanaw sa malayo.

Hindi pa siguro sapat ang lahat lahat para patawarin ko 'tong taong to. Alam kong nahihirapan ka na pero mas nahihirapan naman ako. Basta, ayoko ng masaktan.

-
Sumapit ang gabi at may pumasok na babae sa kwarto ko.

"Hi ma'am! Ako nga po pala si Martha at eto naman po ang asawa ko si Joseph." bati nila.

"Ay magandang gabi po, ako po si Dane. Dane nalang po ang itawag niyo sa'kin." medyo may kaedaran na ang mag-asawa. Napangiti naman ako kasi nakakabilib silang dalawa dahil naging successful ang marriage nila.

"Halika na Ma'am, kain na ho tayo. Nag-ihaw po si Joseph para sa hapunan natin." masiglang alok niya. Gusto ko sanang tanggihan pero nakakahiya naman kasi baka maputol pa ang excitement na nararamdaman niya. Alam kong nandun si Edrake, pero kebs. Bahala siya sa buhay niya.

Agad naman kaming nagtungo ng sa isang veranda malapit sa dagat, nakaset up na rin doon ang hapunan namin at sariwang hangin ang nalalahanghap ko sa mga oras na 'yon. Umupo nako kaagad, agad namang nag-iba ang ihip ng hangin nung dumating si Edrake. Jusko kung inlove na inlove pa talaga ako baka naglaway na ako sa kanya ngayon. Paano pa naman naka sando lang siya at khaki shorts, anserep keye

Pero duh, init parin ang ulo ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Tiyak nag-aalala na si Mama ngayon tapos ang trabaho ko, patay na! Bushak talaga tong Edrake na'to mawawalan pa ako ng trabaho dahil sa mga kalokohan niya. Haynaku

Nagrepresenta naman si Aling Martha na siya na ang magdadasal para sa pagkain. Habang nasa kalagitnaan kami ng dasal ay nashookt naman ako sa mga sinabi ni Aling Martha

" ... sana ho Lord, bigyan Niyo po kami ng mapagpatawad na puso at hayaang buksan ang aming isipan sa mga sagot na bumabagabag sa aming mga tanong." sabi niya

Naks! Ang galing magpatama ah, idinaan pa sa pagdasal, kutusan ko kaya to sa eyeball mamaya si Aling Martha, qiqil acquoe

Nagsimula naman naming lantakan ang pagkain at kwentuhan here, kwentuhan there, kwentuhan everywhere.

"Ilan napo naging boypren mo, Ma'am Dane?" tanong ni Kuya Joseph

"Ah isa lang po." sagot ko agad bago isubo ang pagkain ko.

"Eh ikaw Sir Edrake, ilan na nagin gerlpren mo?" lihis naman kay Edrake

"None but I'm currently pursuing for someone." sabi niya sabay tapon ng tingin sakin.

So, kikiligin na ba ako?

Ediwow, bahala siya sa buhay niya. Kung anumang ilusyon ang iniisip niya, pwes ako ang magpuputok sa mga bula ng ilusyon na 'yun.

Ora mismo!

¤

Lakas maka TWBA hahahaha keep up the good work, Martha and Joseph. Mahal ang Talent Fee niyo mula sakin kaya galingan niyo pa ha hahahahahaha happy reading guys 🙌

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon