¤ 54 ¤

514 60 9
                                    

Maybe In Another Lifetime

Dane's POV

Oh shit.

Don't tell me.

"Good Morning Miss Enriquez, may I introduce to you Miss Shar De Guzman, my partner and of course, Mister Edrake John Beckham, our Chief Financial Officer." pagpapakilala ni Laurice.

Kukutusan ko to sa eyeball mamaya. Humanda siya sa akin. Though pinaalalahanan niya ako, 'di pwede 'yun kasi gulantang parin ako kasi wala akong clue.

Agad naman akong umupo at kinindatan lang ako ni Lau. Nang-aasar pa talaga haynaku

"So, let's start." seryosong sabi ni Edrake

Nagtuloy tuloy lang ang meeting. Unang nagpresent ng data si Edrake about the company and as I expected, ang galing niya. Very impressive because what would you expect?

Now, it is my turn to present my proposed audit strategy. I'm quite confident with this presentation kasi ilang araw ko rin itong pinaghandaan.

Bago ako pumunta sa harap ay hinawakan muna ni Don ang kamay ko. Of course, just for show. Nginitian ko muna siya at ganun din siya. Bago niya bitawan ay hinalikan muna niya ito. Ang daming paandar ng damuhong 'to. Natuwa naman ako ng makita ko ang ekspresyon sa mga mukha nila even Laurice. Priceless.

"So, this Audit Strategy, as I should say, is by far the best strategy I've ever formulated for the past years ....." panimula ko at tuloy tuloy na ako sa pagdiscuss ng details. What should we do and what should not be done. Natapos akong nakangiti at gayun din ang lahat ng nasa room na iyon.

Well, except for one person.

"Do you think that's the best for our company?" seryosong sabi ni Edrake.

Ang Edrake na una kong nakilala, is he finally back?

"So far, yes." diretsong tugon ko.

"Well, I guess we chose the wrong firm to handle our financial status." sagot niya na pumagting sa dalawang tenga ko.

"Edrak-" suway ni Lau pero agad ko naman siyang pinigilan.

"No Lau, it's alright. If you think so Mr. Beckham, then I guess I'll put more time to prove to you that your judgment is false." malamig kong sagot. Wag na wag niyang questionin ang pinaghirapan ko kasi I invested so much for this. Dugo, pawis at luha na kailanman hindi pwedeng insultuhin ng isang katulad niya.

"Are you sure about this Lau and Shar?" tanong niya sa dalawa.

"I don't see any problem with them, at all." naiiritang sagot ni Lau. I know she's upset sa inasal ng mokong na kapatid niya.

"Me, either. Actually, their Audit Strategy is very commendable and that is the first time I've encountered that." pagsang-ayon ni Shar.

Oh ha, ano ka ngayong mokong ka na parang lumpia na sinawsaw sa suka.

He sighed in disagreement.

Bahala siya buhay niya. Basta ako good vibes good vibes lang tayo dito uy.

"Well, there are no questions and disagreements here?" pinagdiinan ko ang mga salitang 'yun. Sabay tingin sa labanos pero inirapan ba naman ako, bushak ka Edrake.

Unti-unti ng lumabas sila Edrake sa room na 'yun at nagpaiwan muna si Lau.

"I love you, sister. That's my girl." sabi niya at tinap ang balikat ko.

Well, that's pure work. And I tend to set aside my personal issues for my profession because it's a matter of priority.

Agad akong pumunta sa elevator at sumakay. Pasarado na ang pintuan nito ng may mga kamay na humarang.

It's Edrake.

Spell awkward. Gosh.

Ilang minuto kaming walang imikan. Bakit ba 10th floor pa ang opisina ko?

Naramdaman kong patingin tingin siya sa akin kasi nakikita ko sa peripheral vision ko. Bahala ka 'dyan di kita kakausapin. Nahurt ang ego ko ng very light.

"Aheeem." pagpapansin niya pero di ko pa rin siya tinataponan ng tingin. Bahala siya sa buhay niya.

"Well, I should say that if you have any personal issues with me because of that scene awhile ago, please set that aside, Miss Enriquez." pagpapaalala niya.

Woah. Ang kapal ng mukha.

"To remind you Mr. Beckham, we were trained to be professional and practice Independence in all sort of our profession. If you think in that way, then think twice." naiinis ako. Hindi dahil sa ginawa niya kanina pero naiinis ako na sa first time naging ganito kahaba ang usapan namin eh nauwi pa sa maliit na bangayan.

Pagpasensyahan niyo na ako, gigil lang po.

"Woah, take a chill pill Ms. Enriquez." pagbibiro niya.

Inirapan ko nalang siya at muling tumutok sa pintuan ng elevator.

"I guess this is not a good start of a friendship?" prankang sagot niya.

Aray.

Friendship, daw.

Aray ulit.

Friendzoned.

Pero syempre, di ako apektado dun no. Good vibes na nga tayo diba.

"I guess." sagot ko na nagpabuntong hininga sa kanya.

Nakakalungkot man isipin na naudlot ang 'tayo' natin Edrake pero okay na rin 'yun kasi unti unti ko na namang tinanggap na wala na talagang 'tayo'. Na kahit anong gawin ko eh mismong tadhana na rin ang pumipigil sa ating dalawa.

Okay na sa akin na makitang buhay ka at humihinga pa. Na makitang masaya ka kahit hindi man ako ang nagbibigay ng sayang 'yun sa'yo.

Siguro kung naging okay lang sana ang lahat, malamang sa malamang, we're both happy right now with each other. Kaso hindi, kaya patuloy pa din akong nasasaktan.

Maybe in another lifetime or maybe in other place, baka dun para na tayo sa isa't isa.

I sighed.

Bigla naman akong nagulat ng may kumalabog at medyo gumalaw ang elevator. Kinakabahan ako kasi biglang namatay ang ilaw pati na ang pag-andar ng elevator.

Oh no. Baka atakihin ako ng phobia ko. May phobia ako sa mga maliliit na espasyo at madilim. Natatakot ako.

"I guess we're stucked here." sabi ni Edrake kahit 'di ko nakikita ang mukha niya.

Hindi ako umimik kasi biglang nanginginig ang kamay ko.

Panginoon, tulungan Niyo po ako.

Naramdaman ko namang may mga kamay na humawak sa mga kamay ko.

"Stay calm. Everything will be fine. We'll just wait for a few moments." pagpapakalma niya sa akin.

Oh God.

Muli niyang nahawakan ang kamay ko.

Kung di lang ako kinakabahan ngayon baka nagtatalon na ako sa tuwa.

"Relax. I'm here."

Sana palaging nandyan ka rin para samin Edrake. Sana lang.

¤

Ang gandang laro ng tadhana hahahahaha happy reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon