¤ 7 ¤

804 80 9
                                    

The Announcement

Dane's POV

"OH GISING NA! GISING NA! TANGHALI NA PO!" sigaw ng sino pa bang disturbong babaitang roommate ko.

"Ano ba Elaine, walang pasok ngayon eh. Bat nambubulabog ka dyan?" litanya ko sabay tabon ng kumot sa mukha ko.

Inalis niya naman agad agad ang kumot tsaka niyugyog ako.

"Ano ba?!" singhal ko sa kanya. Antok na antok pako eh.

"Ayan tayo eh, magpapaalam na mag cCR pero 'di na bumalik. Ano yun, nilamon ka ng inodoro at umaga na nung niluwa ka niya?" sagot niya. Andaming alam talaga ng babaeng 'to.

"Ano ba kasing gagawin natin?" paglihis ko baka ma issue na naman kung ikwento ko pa sa kanya ang ginawa ko.

"May announcement daw si Boss Sungit mamaya 2PM kaya magmadali kana dyan at 1:30PM na." pageexplain niya.

Hala patay! 'Di enough ang 30 minutes para magprepare uy. Agad ko namang kinuha ang tuwalya ko tsaka pumanik na patungong banyo. Madaliang ligo lang ang ginawa ko para may time pa ako sa aking skin care routine, chaaaar.

Eksaktong 1:55PM ng matapos ako sa mga ritwal ko. Naghihintay lang si Elaine na lumabas ako kaya't alam kong nag-aalburuto na ang kalamnan nun.

"Antagal natin ha!" see? Expected na 'yan.

"Pang world record kaya 'yun, wag kang ano 'dyan. Halika na nga, wag ka ng sumagot pa." sabi ko sabay hila sa kanya.

Naglakad lang kami patungong opisina kasi 5-minute walk lang naman. Exercise na rin kasi parang kinakalawang na 'yung mga buto ko eh. Halos 3 months akong 'di naggalaw galaw. Napakabusy talaga basta Audit Season, halos walang tulog lahat at 'yung iba pa nga ay halos sa opisina na tumitira para lang matapos ang lahat lahat sa prescribed deadline.

Pero pinasok namin 'to lahat kaya't papanindigan at papanindigan naman 'to no. Di kami mag-aaksaya ng mga luha, pawis at dugo noong undergrad namin kung papeteks peteks lang kami ngayon. Sanay naman ako sa mga puyatan session, baka nga nagbago na ang blood type ko eh. Kape kasi lage naming nilalaklak para 'di lang makatulog at maaral ang lahat ng dapat aralin para makapasa sa exam kinabukasan. Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko nuon kasi limited lang ang references ko since wala na akong extra pambili ng ibang libro na kakailanganin. Pero thankful naman ako kasi nakasurvive naman kahit papano at ngayon, nakapagtrabaho sa isang magandang kompanya. Kahit papano naging worth it lahat ng paghihirap at sakripisyo, lalo na kanila Mama at Kuya.

Narating namin ang opisina at agad-agad na pumunta sa conference meeting kasi 'dun daw gaganapin ang emergency meeting. Pagpasok namin ay agad naman bumungad ang mukha ng isang anghel na ngumiti at kumaway pa sa'kin. Oh diba, ang ganda ganda ko naman yata dun. Binalik ko naman ang ngiti at kaway sa kanya bago umupo at naghintay sa iba pa naming kasama.

"Anong ganap 'yun? Ayieeee kinikilig ako." pagtitimping sinabi ni Elaine pero hinahampas niya na ang braso ko.

"Wag ka nga, issue ka eh. Friendly si Sir, wag kang ano dyan." sabi ko ng mahina sa kanya baka marinig pa kami.

"Eh sa'yo lang naman eh. Ayieeee ang ganda mo bes, oh korona." sabay patong ng kanyang kamay sa ulo ko. Agad ko namang kinuha at pinandilatan siya ng mata. Tumawa lang ang loka-loka. May topak talaga 'tong babaeng to. Kailangan ko natong dalhin sa ospital para maagapan at mabigyan ng panlunas. Malala na 'to eh.

Ilang sandali pa at kompleto na lahat ng empleyado sa department namin. Agad naman pumunta si Sir Edrake sa harapan atsaka pumwesto sa gitnang banda.

"So, Hi Guys! Good Afternoon, we are here today because I just want to announce some good news." nakangiti niyang sabi. Ang gwapo talaga nito pag nakangiti. Haaay

"The Head Office noticed our dedication and efforts from the past Audit Season. Since our department has performed well, they offered us a one-week vacation in a resort in La Union." he added at tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko pati na rin ako no, of course bakasyon na 'yun tsaka libre pa.

"So, we're here to plan the vacation that is happening tomorrow."

Naghiyawan naman ang mga kasamahan ko. 'Di masyadong excited eh. Haaay thank you Lord kasi may pa ganito pa eh, atleast marelax naman kami bago sumabak sa panibagong bakbakan.

Busy na ang lahat sa pagpaplano. Na assigned kami sa Games and Prizes, kami nina Elaine, Jen, Nico at Macky. Sinalo naman ni Elaine ang pagpaplano sa games, siya na daw bahala. Umoo naman kami, bahala siya sa buhay niya hahahahaha nag-alok naman sila Nico, Macky at Jen na sila nalang ang bibili ng prizes. Angaleng naman, ganda lang talaga ang ambag ko dito. Ganda lang!

Makalipas ang isang oras ay agad naman natapos ang meeting.

"So guys, we have to be here tomorrow 4AM. Our transpo will be waiting here so be early." paalala ni Sir Edrake.

Sumang-ayon naman ang lahat kasi medyo malayo naman ang La Union kaya dapat maaga kaming umalis para maaga ring makabalik.

Isa-isa ng nakalabas ang mga kasamahan ko at akma na sanang lalabas ako ng tawagin ako ni Sir Edrake. Napalingon kami ni Elaine agad agad.

"Ah Dane, see you tomorrow." nakangiti niyang sabi.

"Ay yes Sir, of course, see you!" nahihiya kong sabi bago lumabas.

Siniko naman ako agad agad ni Elaine paglabas namin ng conference room.

"Huy ateng, anong ganap 'yun? Bat may paganon si mayor? OMG!" maarte at kinikilig niyang sabi.

"Wag kang ano 'dyan, issue 'to." suplada kong sagot sa kanya.

"Eh napaghahalataan ko na si Sir eh. Madalas na ang pagpansin niya sa'yo. Bet ka ata ni Sir, ateng." natatawa niyang sabi.

"Ay nakalimutan mo yata Golden Rule nating mga Accountant: Never Assume, unless otherwise Stated." litanya ko sa kanya.

"Ediwow, iba ka talaga. Daming alam." Tawang-tawa naman siya para pikonin ako.

"Halika na nga at uumpisahan ko na ang paglulumpo sa'yo para 'di ka makasama bukas." natatawang pagbibiro ko sa kanya.

Tawa lang kami ng tawa habang palabas ng opisina. Buang rin kasi tong kasama ko eh.

¤

Yikes, tama 'yan Dane. Never Assume unless otherwise Stated 🙌💫

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon