¤ 45 ¤

519 50 18
                                    

Can Love Find A Way?

Someone's POV

"Please, babe, help me with this one."

"Alright, alright. You know I'll do everything for you."

"Thank you, you're the best."

Dane's POV

The day has finally come. Eto ang araw na pinakakahintay ni Don, syempre makikita na niya si Shar. Kahit hindi siya kasama sa Client Meeting eh nagpupumilit na sumama, kahit tigaabot lang daw siya ng tubig, oks na daw siya. Haynaku baliw sa pag-ibig waaaaw nagsalita

It's already 9AM and few moments from now, the meeting will start. It is held in one of our conference rooms kaya hindi na kami namomroblema sa travel time and all.

"They're here, Ma'am. Please come immediately." sabi ni Thea.

Pinrepare ko naman ang mga papeles na kakailanganin. Syempre, I've prepared for this. Not just only by the fact that they are one of the best but I will keep the reputation of company also.

Agad naman akong tumungo sa room at nang binuksan ko ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Don's POV

Ano bang nangyari kay Dane? Parang nasapian ng kung ano-anong espiritu eh. Pagkapasok na pagkapasok palang niya eh parang nakakita ng multo eh tanging may itsura naman ang lahat dito. At nung umupo siya ay hindi na niya matanggal ang mga titig niya sa katapat namin.

"Huy okay ka lang?" bulong ko sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin at parang nahimasmasan.

"I'm okay." then she smiled. I know it's forced kaya mas lalo akong nag-alala sa kanya. Weird talaga tong pinsan ko.

"So, let's start. We have something to do after this." sabi ng kliyente. Mukha palang niya eh parang nangangain ng tao, ano na bang nangyayari sa world?

Parang kinakabahan si Dane habang pinipresent ang mga data and information regarding the best audit strategy she'll do para sa client. This is actually the first time na kinakabahan siya. I only see her as a woman with confidence and conviction sa mga sinasabi niya kaya its quite strange seeing her like this.

I sighed.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang presentation niya. Parang nahihirapan man siya kanina pero nairaos naman niya. And I can see that the client is impressed. Afterwards, inannounce niya na the deal is closed. We got it!

Lumingon ako kay Dane para tanawin kung masaya ba siya pero ibang emosyon ang nakikita ko sa mukha niya. Parang lungkot at pangungulila. Ano ba talagang nangyayari sa'yo Dane?

Hindi nagtagal at inexcuse niya ang sarili niya sa amin.

"Excuse me guys, I'll go to the restroom." pagpapaumanhin niya.

Agad naman siyang naglakad ng mabilis papalabas ng kwarto. Bago siya tumalikod ay nakita kong parang may tumulo na luha sa kanyang mga mata.

Akmang susundan ko na sana siya pero pinigilan ako sa braso ng aming kliyente.

"Don't worry, I'll go after her." tumango nalang ako bilang sagot. Hindi ko na alam ano ang nangyayari basta ang tanging alam ko eh, hindi okay si Dane at may kinalaman ito sa tagpo ngayon.

Dane's POV

Tangina.

Napakalaking tangina.

Inihanda ko naman ang sarili ko sa mga ganitong tagpo eh. Nakapagrehearse naman na ako pero bakit parang dinudurog ang puso ko? Hindi ko alam pero ang sakit sakit ng dibdib ko, may pilit na kumakawala pero hindi ito makawala. Ang sakit sakit.

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon