I Love You Always Forever
Dane's POV
Ang ganda ng gising ko. Ang sarap sa pakiramdam na ang taong mahal mo ay nasa tabi mo at ang una mong nakikita sa pagbuka ng iyong mga mata. Kulang ang salitang pagpapasalamat sa Panginoon para matumbasan ang kaligayahang nararamdaman ko sa puso ko. Ang saya lang, sana ganito na habambuhay. Ipapanalangin ko 'yan sa Panginoon. Tulungan niyo ko ha.
Mukhang naging libangan ko na ang pagtitig sa mukha ni Edrake. Isang napakagandang tanawin. Kinuha ko naman ang maliit na notebook ko at lapis. Nakalimutan kong ikwento sa inyo na mahilig akong gumuhit. Isang simpleng sketch lang naman sa natutulog na mukha ng mahal ko. Para siyang batang ang himbing himbing ng tulog kaya hindi ako nahirapang iguhit siya. Makalipas ang tatlumpong minuto ay natapos ko ang pagguhit sa kanya pero hindi parin siya nagigising. Itinago ko naman ang notebook ko at hinay hinay kong hinawi ang braso niyang nakapulupot sa beywang ko. Ang clingy talaga ng taong to kahit tulog. Pero mas hinigpitan pa niya ang pagpulupot nito ng maramdaman niyang tinatanggal ko ito.
"Edrake, naiihi na ako." sambit ko
"Five minutes, love please." nakapikit niyang sabi.
Hinayaan ko nalang kasi naglalambing na naman 'tong ....
HALA! Ano pala kami ng taong to? Jowa ko na ba 'to? Parang hindi eh. Di naman niya ako tinanong kaya hindi pa. Bahala siya dyan, I will stick to my principle no: Never Assume unless otherwise Stated.
Tama 'yan Monique Dane. Ilaban ang karapatan ng mga pabebeng bababe. Ilaban!
Natawa na naman ako sa mga pumapasok sa isipan ko. Ke aga aga, nabubuang na naman ako.
"Edrake, naiihi na talaga ako. Sige na please." pagmamakaawa ko kasi galit na galit na ang pantog ko juskoporudeh
Mabuti at nakinig naman siya. Haynaku daig mo pa ang pagkapabebe ko Edrake ha. Yung totoo?
Agad naman akong pumunta sa banyo at ginawa na ang mga morning rituals ko. Kung nagtataka kayo, wala pong nangyari sa amin. Mabuti na 'yung klaro tayo dito ano, napakalas pa naman mag assume ng mga readers dito, tama ba ako awtor?
May tama ka!
Oh, kitams. Naku naku 'wag ako ha. Di ko basta basta isusuko ang bataan. Siguro isusuko ko lang 'to in case of emergency or nag announce na ng state of calamity. Gusto ko naman matikman ang langit bago pumunta ng langit no, wag ako!
Bumalik naman ako kaagad sa higaan at nakita kong nakaupo si Edrake at nakapikit. Pinagmasdan ko lang siya at makalipas ang ilang sandali ay dumilat naman ang kanyang mata. Nginitian niya naman ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"I prayed. I thanked God for all the blessings He has given me." nakangiti niyang sabi. Ay sino bang hindi maiinlab sa taong to? Find a man like Edrake, but never my Edrake. Ganern! Halahalahla kung makaangkin Ang aangal wasak ang pancreas!
Niyakap ko naman siya. Ang swerte swerte ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mahalin ang isang tao na may matibay na pananalig sa Diyos. Oh diba, saan ka pa?
Lumabas naman kami kaagad ng kwarto at tumungo sa kusina. Nakita namin na nag-aahin na ng agahan sila Manang Martha at Kuya Joseph. Binati naman nila kami kaagad at ganoon din kami. Inumpisahan na namin ang umagahan at napuno naman 'yun ng tawanan at kwentuhan.
"Matanong ko lang po, may anak po ba kayo?" tanong ko kina Manang Martha.
"Ayy oo. Kolehiyo na, isa siya sa mga iskolar nila Sir Edrake. Kaya ang laki laki ng pasasalamat namin sa pamilya nila eh kasi napakabait." pahayag ni Manang Martha.
Haaaay hindi na kailangang magbuhat ng sariling bangko si Edrake. Ako na mismo, magbubuhat. Nakakabilib na kompleto na sa lahat ng katangian ang lalaking 'to. Pasok ka nga Daniel Padilla, neseye ne eng lehet menemehel kete pegket neseye ne eng lehet pete eng pese keeee
Salamat DJP sa iyong espesyal na partisipasyon. May balato ka sakin mamaya.
Napangiti naman si Edrake sa narinig niya mula kina Manang Martha. Natapos ang umagahan namin ng nakangiti lang ako, ang sarap mahalin ng taong katabi ko. Mabait, makadiyos, makatao, makakalikasan charoooot
Niyaya naman ako ni Edrake na magpahangin sa labas at syempre kire kire on the moves rin, 'di pwedeng mawala yun no. Di ako papayag hahahaha
Nakaupo lamang kami dito sa duyan habang magkayakap. Nakatanaw kami sa nag-aagawang asul at berde na kulay ng dagat na kumikislap dahil sa tama ng sikat ng araw.
"You know what love, look at the sea. You don't know how deep it is" sabi niya. Lumingon naman ako sa kanya.
"That's what my love for you looks like. Very deep and immeasurable." banat niya.
"Saglit lang, teka lang. Magsabi ka naman kung babanat ka para maready ko 'yung shield ko." natatawang sabi ko. Tumawa naman siya.
Haynaku napakakire talaga ng taong 'to. Siya na, shanawa sana nga, siya na nga (shanawa sana nga) shanawa sanaaaa oh diba, lakas ng background music ko eh. Wala kayong ganyan.
"Edrake ..." pagtawag ko sa kanya.
"Hmmm." sagot niya.
"Salamat dahil bumalik ka. Salamat dahil ipinaglaban mo ang pagmamahal mo sakin. Salamat dahil naging matapang ka despite sa mga nangyari sa buhay mo. Tandaan mong, proud na proud ako sa nararating mo sa buhay mo. Bilib na bilib ako kung ano ka man. At lagi mong panghahawakan ang pagmamahal mo sakin kasi mahal na mahal kita. Walang makakabago 'dun." naiiyak kong sambit. Di ko inaasahan na mapapadrama ako ngayong araw nato ah. Pero gusto ko lang iappreciate ang lahat ng ginawa niya. Deserve niya naman yun syempre.
Nilingon ko siya at nakita kong may namumuo na ring luha sa mga mata niya pero nakangiti parin siyang nakatitig sakin.
"No Dane, I should be the one thanking you. Thank you for giving me a chance. Thank you for letting me enter your life again. I won't promise anymore but I will do my best to be a better man for you. I love you Dane, always forever." naiiyak na sambit niya.
Jusko saan ka ba makakakita ng lalaking hindi mahihiyang umiyak sa harapan para sabihing mahal na mahal ka niya? Dito lang sa istorya ni awtor syempre, don't worry awtor, I got you *winks*
Pinahid ko ang luha niya at napangiting inabot ang kanyang labi. Mahal na mahal ko 'tong taong 'to at handa na akong harapin ang mundo kasama siya. Chaaaar kire
¤
Salamat sa papromote mo Dane, promote pa mooooore hahahahaha happy reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...
![Langit Lupa [ ON HOLD ]](https://img.wattpad.com/cover/163549116-64-k947141.jpg)