Customized cover kasi di ako marunong gumawa eh hahahaha Thank you @MWFArts (Twitter Account) for the wonderful artwork. Follow them for more amazing arts 🙌
¤ ¤ ¤
Collide
Edrake's POV
I need to focus on things that really matters. Right, this is not a good thing I know. I only have one goal and that is to return to my home immediately. I'll have all the time in the world after I go back in Germany. Right Edrake, that's right. No one should be a distraction on your way while achieving those so control yourself and be a man.
I've convinced myself for about an hour and a half after I've done that stupid act. Good thing, Miss Enriquez is too occupied to notice my stupidity. I'm glad that everything is not awkward and I've attested that after she went here in my office and grab the documents she needed for the client. I haven't felt the strange feeling a while ago so I think, everything is working on the right path. Control Edrake, self-control.
Dane's POV
After how many months, natapos rin ang Audit Season. Finaaaaally Lord, thank you! Ambait bait niyo po kasi kahit papano buhay pa po kami.
"Bes, gala tayo mamaya. Nag-aya sila Jen, Nico and Macky." sabi ni Elaine at kinikilig naman siya habang binabanggit ang pangalan ni Macky. Napaghahalataan na talaga tong babaeng to, hmmm. Matrippan nga mamaya so dapat sasama ako. Ha ha ha
"Oh, saan daw?" medyo pahard to get kong sagot.
"Dun sa bagong bar malapit lang sa apartment natin. Sige na bes, tapos na naman trabaho natin eh. Pwede na tayong gumala, just this time please." nagpa puppy eyes naman ang kumag nato pero syempre payag ako agad, may plano eh.
"Sige na nga pero dapat uuwi tayo ng maaga ha, kailangan pa nating bumawi ng tulog."
"Oo naman, gaano ba kaaga? Mga 6AM ba?" natatawa niyang tanong.
"Nakakatawa yun ha? Nakakatawa yun?"
"Eto naman di na mabiro, sige na nga 2AM, tawad na yan ha"
"Ediwow, okay." agad naman akong tumungo sa pantry at nagtimpla ng kape.
Pagpasok ko nakita ko si Sir Sungit na nagtitimpla ng kape, tumingin naman siya sakin at tumango tsaka umalis. Ediwow, ano pa bang iniexpect ko. Matapos kong magtimpla ay ininom ko na agad agad eto para man lang umepek ito mamaya baka sakaling antokin ako sa gala namin eh.
Sky Bar, 7PM
Nagbihis lang kami ni Elaine sandali at nagtungo na rin dun.
Medyo maiksi tong suot ko kasi naman tong si Elaine, pinipilit ipasuot sakin tong skorts niya kasi bagay daw sa top ko. Okay, wala na akong magagawa baka maghalupasay pa pag di ko pinagbigyan. Maganda naman ang kinalabasan, approve sa panlasa ko. Naglagay din ako ng simpleng makeup which is parang di naman kailangan kasi gabi na at bar naman yun so dull lights lang ang nakapaligid.
Pagpasok namin sa bar ay agad naming nakita ang mga officemates at kaibigan namin. Nandito kami sa isang malaking couch sa may gilid so para siyang exclusive kasi matataas ang harang ng couch so di mo kita ang katabi mo. Actually, I like this kind of ambiance para sa isang bar. Yung parang chill lang, hindi wild. Pag ganito kasi you can think straight at mas napapasarap ang kwentuhan niyo kasi magkarinigan naman kayo ng mga kaibigan mo. Narinig kong may banda raw na tutugtog mamayang 9PM. Excited nako kasi naman, ang ganda pag may live band. Nakakarelax at nakakahappy at the same time.
Medyo napasarap na rin ang aming kwentuhan at ang sweet sweet na ng mga kasama ko, okay fifth wheel represent. Kasi naman magjowa tong si Jen at Nico tsaka parang nagkakamabutihan natong si Macky at Elaine. Haaay di na ata kailangan ipush, anlande ng friend ko eh. Oh sige na, ako na mag-isa ako naaaa!
Maya-maya pay may nagseset-up na sa stage, magsisimula na yata ang live band. Saktong saktong ang ganda ng pwesto ko dito kasi nakaharap talaga sa main stage. Kinakaskas na nga gitarista ang gitara niya tsaka nagtetesting naman ang bokalista sa mikropono. Di ko maaninag ang mga mukha nila kasi napakadilim pa ng stage. So hintay hintay muna tayo mga ilang minutes, ininom ko muna ang San Mig Light sa harap ko. Chill drinks lang kami kasi wala naman kaming planong magpakawasak ngayong gabi no.
Nagsimulang magkaskas ang gitarista at umilaw naman ang stage. Parang lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita, ang anghel kumakanta na. Kukunin mo na ba ako, Lord? Wag po muna, di ko pa natitikman ang tamis ng unang halik.Shit. Bat parang ang gwapo ng mokong nato, ang ganda pa ng boses OMG. Grabe na ang hiyawan sa buong bar pero tanging boses niya lang naririnig ko. Tulala lang akong nakangiti habang pinapanuod ang pagkanta niya. Ang galing talaga!
🎶
You finally find
You and I collide
You finally find
You and I collide
🎶Heaven! Nasa heaven ako! Chaaaar kahit pa ata chubachuchu kantahin nito, napakagwapo pa rin. Haaaay sana all.
"Good Evening everyone. I hope you all enjoyed our first song. Our next song is for someone who has been broken a lot of times. This is for you."
Matapos niyang bigkasin ang mga salitang yun ay nakita kong lumungkot ang aura niya, may problema ba siya?
I can feel his longing for something or someone. What is it Edrake?But don't worry, I will fix you.
Char lang gud uy. Kayo naman pauto kayo agad sakin.
¤
Hi reader 💫
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...