¤ 16 ¤

679 71 16
                                        

📌 Listen to the song 'Leaves' by Ben&Ben. Motivation ko po ito while writing this story. For those hearts that are broken, I know you'll be alright in time 💫

Vote.Comment.Smile.

¤ ¤ ¤

Alright In Time

Dane's POV

Hinahanap ng mata ko si Edrake pero hindi ko siya makita. Saan na kayo 'yun? Di ko pa siya napapasalamatan sa pagturo sa'kin eh atsaka klarohin ang bagay bagay baka kasi nakokonsensiya siya. Haaay. Patuloy lang akong palinga linga ng tawagin ni Quen ang atensyon ko.

"Looking for someone?" sabi niya ng nakangiti.

"H-ha? Hindi ah." pagsisinungaling ko

Tumawa lang siya at nagsalita muli.

"By the way Dane, gusto mo ba malaman ang bigla kong pagkawala noon?" bigla namang nagseryoso ang mukha niya atsaka randam ko ang lungkot sa mukha niya.

Napabuntong hininga naman ako at tumango para iparating sa kanya na handa na akong pakinggan siya. I think it's about time na rin, apat na taon ng 'di pa nasasagot ang mga bakit sa isipan ko eh. Way na rin siguro to ni Lord na ibigay sa amin ang tinatawag nilang 'peace of mind'

Inalalayan naman niya akong tumayo at nagsimula na kaming maglakad patungo sa rooftop ng hotel. Tahimik kasi dun, saktong sakto sa pag-uusapan namin ngayong gabi.

Am I really ready? I think so. Okay naman na ako. Sana siya rin. I sighed.

Quen's POV

Handa na siguro akong bigyang liwanag ang mga tanong na bumabalot sa isipan ni Dane. Ang babaeng nagturo sa'kin kung paano magmahal, paano mabuhay at paano masaktan. Alam kong naging makasarili ako sa mga nakalipas na taon. Mga taong inakala kong magiging okay rin lahat lahat kung masagot na ang mga panalangin ko. Pero dun pala ako nagkakamali.

"Dane, gusto ko lang malaman mo, na kung ano man ang kahahantungan ng usapan na ito, tandaan mong minahal kita at patuloy na mamahalin sa natitirang hininga ng aking buhay." panimula ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.

"Dane, remember, noong 4th Anniversary na'tin noon? Nakaporma na ako noon at handang handa ng pumasok sa school para dun icelebrate ang anniversary natin. Pagkagising ko palang, agad akong nanalangin sa Panginoon na sana pasayahin Niya tayo sa araw na iyon." napatigil ako at napabuntong hininga. Pinisil niya naman ang kamay ko para iparamdam na okay lang at ituloy ko.

"Paglabas na paglabas ko palang ng pinto, sabi ni Mama ay bigla nalang akong nawalan ng malay. Ang bilis ng mga pangyayari. May isang sikreto akong hindi ipinag-alam sa'yo at yun ang pinagsisihan ko. Elementary palang tayo noong nadiagnose ako during Summer. Nakitaan ako ng early signs and symptoms of Brain Cancer ..." naramdaman kong napatigil siya at tila nagpipigil ng paghinga. Agad ko namang pinisil ang kamay niya.

"Sabi ng doctor, genetic daw. Syempre, bata pako nun kaya di pa masyadong malinaw sakin lahat. Hanggang sa tumuntong ako ng highschool at doon ko naramdaman na parang lumalala ang sakit ko, ang akala kong simpleng migraine ay hindi na pala normal. Continuous naman ang medication ko noon pero di ko lubos akalain na sa mismong anniversary pa natin naging komplikado ang lahat lahat." napatawa ako ng mapait at nararamdaman kong napapaiyak na si Dane.

"Tarantang taranta sila Mama sa lagay ko noon kaya biglaan ang pagpunta namin sa Amerika. Three months akong na-coma at pagkagising na pagkagising, ikaw agad ang hinanap ko, maniwala ka man o sa hindi." nakatawa kong sabi sa kanya pero hinampas niya lang ako.

"Hindi sinabi sa iyo nila Mama kasi gusto nila na ako ang magdesisyon kung ipapaalam ba sa iyo o hindi. Pinili kong 'wag nalang ipaalam sa iyo dahil wala namang kasiguraduhan noon kung makakabalik ba ako dito or hindi. Pinili kong magpakalakas at lumaban sa sakit ko kasi gustong gusto kong makita ka. At ibinigay nga iyon ng Panginoon sakin. Matapos malaman nila mama na medyo umaayos na ang lagay ko ay pinili nilang magbakasyon ako dito. Para makasagap daw ng sariwang hangin at syempre, hanapin ka. Hindi ko naman hinahangad na may mangyari pang iba sa atin. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at mananatili ka parati sa puso ko." napapaiyak kong hinagkan ang noo niya pero wala parin siyang imik.

Lumipas ang ilang sandali ng magsalita siya.

"Sorry Quen, sorry talaga ... " sabi niya

"Shhhhh wala kang kasalanan, walang may kasalanan. Sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana, at minalas lang tayo." pagbibiro ko

"Alam ko na alam mong, hindi na pareho nung dati ang nararamdaman ko sa'yo. Nung isang araw, akala ko di pa ako totally nakamove on sayo pero nagkakamali pala ako. Sorry Quen if hindi na tulad ng dati ang meron tayo." nakayuko niyang sabi.

"Okay lang. Actually inexpect ko naman to eh. Alam kong maraming tao ang napapasaya mo at napapasaya ka. Ang gusto ko lang ay atleast masalba ang pagkakakaibigan natin dahil doon naman talaga tayo nagsimula, diba?" sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

"At isa pa, may nameet rin ako last year sa US. Nakikita kita sa kanya kaya napansin ko talaga siya. She's actually with me here in the Philippines at gustong gusto ka niyang makita." pag-amin ko sa kanya. I think it's about time to let go on things that are not really meant to be and open our heart to more possibilities.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. Akala siguro nito na hinding hindi ko siya pakakawalan pa kaya medyo nabahala siya kanina. Napangiti naman ako.

"Really? OMG I'm so happy for you." at niyakap niya ako bigla. Ramdam ko ang galak niya.

"Ikaw rin parang may hindi ka sinasabi sakin eh." sabi ko sa kanya at inilayo ang pagkakayap namin. Nagulat naman siya at kumunot ang noo. Ang cute cute talaga ng babaeng 'to.

"H-ha? Pinagsasabi mo 'dyan?" tanong niya.

"Ah grabe, nagkaboyfriend lang, di na agad nagseshare. Grabe nakakatampo." pagpabebe ko sa kanya. Nagulat naman siya

"Anong boyfriend? Wala akong boyfriend uy nabuang naman ni siya." pagtutol niya. Pagtrippan ko nga

"Eh ano ba kayo ni Edrake?" pang-aasar ko sa kanya. Gulat at hampas ang natamo ko sa kanya. Brutal talaga to hahahaha

"Nabuang, saang fake news mo naman yan nakuha?"

"Eh sabi niya, magjowa kayo."

"Nag-usap kayo?" tanong niya

"Oo, makikiusap sana ako na sana tulungan niya akong kausapin ka pero di rin naman natuloy kasi nakausap na naman kita ngayon." sabi ko

"Eh di yun totoo uy, magkaibigan lang kami." pagdepensa niya

"Kaibigan nga lang ba?" pang aasar ko

"Oo nga kulet mo talaga."

At nauwi sa asaran at tawanan ang gabing yon. Ang matagal ko ng pinangarap na mangyari. Salamat Panginoon at binigyan mo pa ako g isa pang pagkakataon.

¤

Manhid talaga si Dane haynaku hahahahahaha keep reading 💫

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon