📌 Please listen to the song while reading this 💫
¤ ¤ ¤
Heartbeat
Dane's POV
Ang bilis ng takbo ng panahon talaga pag hindi mo ito masyadong pinapansin. Hindi ko lubos akalain na aabot ako ng tatlong buwan dito sa Germany. Syempre, sa tulong narin ng aking butihing jowa. Jusko hindi ko talaga kakayanin kung hindi ko siya kasama sa lahat ng ginagawa ko dito.
Patuloy ko pa ring kinukuha ang loob ng pamilya niya. Patuloy ko pa ring pinapapatunayan ang sarili ko sa kanila. Na para bang kaya kong ipaglaban ang pagmamahalan namin sa kanila kasi nakikita nila sa mga kilos at gawa ko na mahal na mahal ko si Edrake.
Naging maayos naman ang pagtatrabaho ko dito. Naging close din ako sa mga katrabaho ko na mga power rangers kaya madugo po ang araw araw ko dito. Medyo naging busy ang trabaho namin nitong mga araw kasi kakasimula pa lang ng Business Season kaya puro trabaho lang ang inaatupag namin. Maging si Edrake sobrang busy niya pero hindi naman dadaana ng isang araw na hindi kami magkikita kasi palagi siyang pumupunta sa apartment ko bago siya umuwi sa bahay nila. Namamalagi muna siya dun ng mga isa o dalawang oras, syempre bilang butihing may bahay, pinagluluto ko rin siya tuwing may oras ako kaya hindi na siya nakakapaghapunan sa bahay nila. Naikwento nga niya na nagtatampo na daw si Tita, natawa naman ako. Namiss ko tuloy ang kwentuhan namin ni Tita. Medyo close na rin ako sa kanya kasi medyo kalog din eh.
Palagi naman kaming nagcocontact nila Mama at Papa. Pati narin sina Elaine at Neil na may parehong mga bata na ngayon. Jusko ang bakla, todo career sa pagiging Ama niya. Naging okay naman daw ang pagsasama nila ni Alora, ang ina ng anak nila. Kahit nasa adjustment stage pa sila eh nakakayanan naman niya. Nakakamiss tuloy ang Pinas.
Medyo masakit ang ulo ko ngayon kaya maaga aking umuwi. Wala na kasi kaming tamang tulog at pahinga dahil sa patong patong na trabaho. Mabuti nalang at pinayagan akong mag undertime ngayon. Kailangan ko munang magpahinga, mayamaya ko nalang itutuloy ang trabaho ko. Umidlip muna ako sandali.
-
Naramdaman ko naman na may mumunting halik sa aking mukha kaya nagising naman ako. Eto ang pinakagusto ko kay Edrake kasi kahit napakabusy naming dalawa at kahit nahihirapan siya sa sitwasyon namin eh gumagawa parin siya ng paraan para sa aming dalawa.
"Glad you're awake, love. I missed you" sabi niya na nagpangiti naman sa akin.
"Namiss din kita. Kumain ka naba? Teka lang ipagluluto kita." akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik ang niyakap ng pagkahigpit.
"I've heard that you're not feeling well that's why I drove here immediately after work. I'm so damn worried about you. I can file a leave for you so you can rest." pag-aalala niya.
Ngumiti muna ako bago siya sagutin.
"No need, love. Okay na ako, kulang lang sa pahinga. Halika na kumain na muna tayo. Nagugutom na ako eh. Mag-order nalang tayo." sabi ko sa kanya at tumayo naman siya agad.
Pumunta lang kami sa may sala matapos kong tumawag ng order sa isang fastfood chain.
Nagcuddle lang kami ng ilang minuto bago dumating ang inorder namin. Mabilis naman kaming natapos kumain, halatang gutom eh.
Naghuhugas ako sa mga pinagkainan namin ngayon ng yakapin niya ako patalikod. Naglalambing na naman ang asawa ko kaya napangiti naman ako.
"Love, can I ask for favor?" tanong ni Edrake.
"Yes, love. Ano po 'yun?" sagot ko agad agad. Bumuntong hininga muna siya atsaka hinarap niya ako sa kanya. Sakto namang natapos ko na ang hugasin.
"Love, I know its already three months since you came here. When will you allow me to introduce our engagement to everyone?" tanong niya. Nabago naman ang mood ko.
"Edrake, not now please. Pagod ako para pag-usapan 'yan." pagdadahilan ko at tinalikuran ko naman siya.
"Love, I'm so tired with all these hiding stuff. I'm so tired with all these pretentions and lies. Can we freely love each other now love? Please I beg you." sabi niya na nagpakulo ng ulo ko.
"Pagod ka na? Naririnig mo ba ang sarili mo Edrake? Ang selfish mo." singhal ko sa kanya.
"Talking about who's selfish here, can you ask that to yourself?" balik niya sakin.
"Putangina Edrake, diba napag-usapan na natin 'to? Bakit parang bumabalik na naman tayo sa simula? Akala ko ba iintindihin moko?" sunod sunod na tanong ko at nagbabadya na ang pagtulo ng luha ko.
"Kung napapagod kana, what's the point of continuing this fucking relationship? All I need is your patience Edrake, mahirap bang ibigay 'yun?" at tuluyan na akong humagulgol. Agad naman niya akong niyakap.
"Love please don't say that. I can't live without you, I'm sorry love. Forgive me, promise I'll understand you more this time, just don't let go." naiyak na rin siya habang sinasabi niya 'yun. Yumakap lang ako ng pagkahigpit sa kanya kasi walang ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
Naging matagal kaming magkayakap at ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita.
"I love you Dane and it pains me hearing those words. Please don't do it again." pagmamakaawa niya habang tinitigan ako sa aking mga mata. Pinahid niya muna ang luha ko bago ako nagsalita.
"I'm sorry, love. I love you very much." sabi ko at unti unti niyang ibinababa ang mukha niya sa lebel ng sa akin. At nagtagpo ang aming mga labi.
Naging banayad ang paghalik niya, puno ng pagmamahal at pananabik. Kinapos kami ng hininga matapos bitawan ng aming mga labi ang isa't isa. Tinitigan ko siya sa mata at tanging pagmamahal ang nakikita ko sa kanyang mata.
"Love, I know that this is too much to ask, but can we sync our heartbeat for this night?" sabi niya habang patuloy parin na nakatingin sa aking mata.
Hindi ko na siya sinagot at tanging halik lang ang tugon ko sa kanya.
Naging mainit at puno ng pagmamahal ang gabing iyon. Isa sa mga gabing hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon pero hindi mo naman mapipigilan ang tibok ng inyong puso na sumasabay sa ritmo ng inyong katawan habang pinapalalim ang gabing puno ng pagmamahal.
Mahal na mahal ko ang taong katabi ko ngayon at handa akong ibigay ang lahat para sa kanya kahit pa buong pagkatao ko.
¤
Bata pa tayo kaya wag muna sa intense na mga pa hulsam natin hahahahahaha hindi pa ngayon baka bukas ayieee hahahahaha happy reading 🙌🌄
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...