📌 Listen to the song while reading this chapter. The song is just so perfect kaya pakinggan niyo po hahahaha vote, comment and smile always 💫
¤ ¤ ¤
Please Stay
Dane's POV
Agad naman kaming pumunta sa hotel namin at tsaka nagbihis agad agad. Hinatid naman ako ni Edrake sa kwarto ko bago siya pumunta sa kwarto niya. Naligo muna ako kasi nabasa kami ng ulan. Naalala ko naman ang tagpo kanina. Ano kaya 'yung sasabihin niya sana? Sayang 'di na natuloy dahil panira ng moment ang ulan eh. Pupuntahan ko nalang siya mamaya para kulitin kung ano yun hahahahaha
Sumapit ang gabi at sabay kami ni Elaine na pumunta sa resto para kumain ng hapunan. Nandoon na 'rin lahat ng kasamahan namin. Catching up kasi nga two days nalang at babalik na kami sa normal naming bakbakan. Parang ambilis ng panahon yata eh, gustong gusto ko pa magbakasyon hahahaha
Natapos nalang ang hapunan pero walang Edrake ang nakita ko sa resto. Ano kayang nagyari dun? Nagpabalot nalang ako kay ate server ng pagkain, dadalhin ko nalang sa kanya baka 'di pa kumakain 'yun. Agad ko namang tinungo ang room niya at kumatok. Nakailang katok na ako pero wala paring nagbubukas sa'kin. Pinihit ko ang doorknob at sakto namang bukas eto. Buti nalang at well secured 'tong hotel na'to kaya walang masasamang tao ang basta basta nakakapasok.
"Edrake ..." tawag ko pero walang sumagot. Napakadilim ng kwarto niya at tanging sa kwarto niya lamang may munting ilaw. Naiwang nakabukas ang pinto kaya walang pag-aatubiling pumasok ako. Nagulat kong ng makita siyang nakahandusay sa paanan ng kama niya.
"OMG! Edrake, anong nangyari sa'yo?" sabi ko at agad naman inakay siya papuntang kama niya. Ambigat bigat ng baboy na'to kaya pahirapan ang paglipat ko sa kanya sa kama. Hinapit ko ang noo niya at jusko ang taas taas ng lagnat. Nataranta naman akong kumuha ng tuwalya tsaka binasa ng maligamgam na tubig. Pinunasan ko kaagad ang mukha niya. Napansin kong basa ang suot niya, ito 'yung suot niya kanina eh. Patay na! Baka lumala ang lagnat niya. Tunayo agad ako para kumuha ng bagong damit niya.
Sa sobrang taranta ko ay agad kong nahubad ang pang itaas niya kaya di ko namalayang parang ang awkward pala ng ginawa ko at ohlalaaa nasa mukha ko ang abs-sh niya ho. Isinawalang bahala ko nalang 'yun kasi dapat makabihis siya agad agad. Pinunasan ko muna ang pandesal ay este ang katawan niya bago ko siya bihisan ng bagong damit. Napalunok naman ako ng makitang basang basa rin pala ang pantalon niya. Patay na Lord! Help me, gagawin ko ho ba or gagawin ko po talaga? Oh shige na ngah, wag ho kayo 'dyan napipilitan lang po ako. Oo po, napipilitan lang ako kaya 'wag kayong issue. Nakapikit kong binuksan ang pantalon niya. Tinakpan ko ang mata ko syempre pero nakabukas ang daliri, chance nato uy. Wag ako hahahahaha
Haaay salamat Panginoon at kahit papano ay nailayo mo ako sa tukso. Naayos ko na siya sa higaan pati na rin ang mga unan at kumot niya. Akmang tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nakapikit pa rin siya pero parang gising na gising ang diwa nito.
"Ah Edrake, kuha lang ako ng gamot-" sabi ko pero pinutol naman niya agad agad.
"No, please stay. Please Dane." Nakapikit niyang sambit. Agad naman akong umupo sa upuan sa tabi ng kama niya. Randam kong nakabalik na siya sa pagtulog kaya malaya kong napagmamasdan ang maamo niyang mukha.
🎶
The first time we met
I knew you'd be someone hard to forget
And then when we talked
I couldn't keep you out of my head
When i look in your eyes
I know there's no saying of bitter goodbye's
I can finally say
I think I found someone worth it to wait for
🎶
Ang haba ng pilikmata niya, pormado masyado ang ilong at ang pula pula ng maliliit niyang labi. Ang bait bait niya pang tao, although hindi naging maganda ang unang tagpo namin pero first impressions don't last, ika nga diba.
🎶
I want to know if you feel the same way
'Cause right now i want to say
🎶
Ang sarap siguro mahalin ng taong to kung alam mong para talaga siya sa'yo kaso hindi eh. Ang layo layo ng agwat ng estado namin sa buhay. Malayong magkakagusto 'to sakin. Matapos maayos ang lahat sa'min ni Quen, dun ko lang narealize na espesyal pala na si Edrake sa'kin. 'Di ko alam kusa ko nalang 'yung naramdaman. Humopia kaya ako kanina akala ko may pagtingin rin siya pero napakalabo eh. Ang mga kagaya niya ay para lang sa mga babaeng magaganda, mayayaman at sopistikada. Kung nabuhay pa siguro kami sa ibang dimensyon, pinapalangin ko na sana magkalapit lang ang mundo namin. Di katulad ngayon na sobrang layo.
🎶
Ohh girl please stay right here in my life
You're perfect no lies
You're my angel in disguise
I just want you to stay with me the whole time
I don't want you to go oh i want you to know
That i love you so
🎶
Haaay tama na nga 'yan Dane, tama na ang pagpapatansiya. Mabutihin pa na kimkimin at itago sa baul ang mga nararamdaman mo diyan. Wag kang umasang may Dane at Edrake kasi sa unang pagsilay niyo palang sa mundo, alam niyo ng 'di kayo pwede sa isa't isa. Mabuti nalang at simpleng paghanga lang ang meron ako sa kanya, may oras pa akong pigilan at iwasan kung ano man 'tong nararamdaman ko. Hindi kasi nakakatuwa eh, alam na alam ko sa sarili ko na kung ipagpapatuloy ko eto ay ako at ako lang ang masasaktan. Tama 'yan Dane, bilib na talaga ako sa'yo kasi napaka advanced mong mag-isip.
Pniwesto ko nalang ang ulo ko sa table katabi niya. Sana tulog kana nalang parati para malaya kong nagagawa to, kahit ngayong araw lang. Napangiti nalang ako ng mapait sa mga pinag-iisip ko at di ko namalayang may kumawala palang luha sa mga mata ko. Matutulog nalang ako baka malimutan ko natong nararamdaman ko. Basta paggising ko, wala na dapat 'yun. Sa ayaw o gusto ko.
¤
Juice colored, paano na kaya di sinasadya? Char hahahahaha keep reading guys. Wala kaming pasok kaya update update muna 💫
BINABASA MO ANG
Langit Lupa [ ON HOLD ]
FanfictionMananatili bang Langit lupa ang pagitan Nating dalawa Wala na ba akong pag-asa? Na muli kang mahagkan Parang araw at buwan Kahit na isang saglit man lamang "The world is unfair", 'yan ang palaging sinasabi ng mga tao dahil hindi naman tayong lahat m...
![Langit Lupa [ ON HOLD ]](https://img.wattpad.com/cover/163549116-64-k947141.jpg)