¤ 42 ¤

472 54 3
                                    

You Are My Sunshine

Lorna's POV

Nagtext sa akin si Dane na pupunta sila dito ni Nate. Kakatapos lang ng culminating event niya. Hindi naman kami nakapunta kasi sinusumpong na naman ng pagkamatanda 'tong asawa ko. Jusko hindi pa naman 'yun umaamin na tumatanda na siya.

Abalang abala ako ngayon sa special request ng nag-iisang anghel sa buhay namin, ang aking napakapoging apo. Napapasaya talaga kami ng apong kong 'yon lalong lalo na ang Popsh Mike niya, aliw na aliw ang asawa ko sa kanya eh. Napakakulit kasing bata tsaka napakatalino pa, manang mana sa mga magulang.

Hinihintay ko nalang na lumambot ang mga gulay at handang handa na ang specialty ko para sa special request ng apo ko. Nakakaproud ang galing ng batang yun, alam niyo 'yun Grade 1 pa lang siya pero manghang mangha na ang mga guro sa kanya sa kanilang paaralan. Ewan ko ba anong kinain ni Dane nung pinagbubuntis niya ang batang 'yun, sobrang gifted.

Maya't maya pa ay narinig ko na ang bagong dating na sasakyan ni Dane. Agad namang pumasok ang apo ko atsaka sinunggaban agad ako kahit nagluluto pa lang ako.

"Smells good Lola Momsh, I cant wait to taste that-"

"Oops Nate apo, nakalimutan mo yata ang kasunduan nating dalawa." pagpapaalala ko sa kanya.

Napatakip naman siya ng bibig niya at ngumiti ng pagkalapad lapad. Ang cute cute talaga mg apo ko.

"Hindi ko po 'yun nakalimutan 'yun Lola Momsh. Oh diba, nagtatagalog na ako?" pangungulit niya. Kiniliti ko naman kasi napakadaming alam talaga ng apo ko. Nakita ko namang nakangiti si Dane habang pinagmamasdan ang harutan naming dalawa ni Nate.

"Oh Dane anak, halika tulungan moko dito at para makakain na tayo." humalik muna siya sa pisngi ko atsaka inihanda na niya ang lamesa.

"Nate apo, tawagin mo muna si Lolo Popsh mo, nandun sa kwarto. Sabihin mo na tama na ang pagdadrama at baka tumanda siya lalo." napatawa naman ang bata sa sinabi ko at agad tumakbo papuntang kwarto.

Napatawa din kami dalawa ni Dane sa kakulitan ni Nate. Hindi ko alam kung sasaya pa ba kami nito kung walang Nate na dumating sa buhay namin.

"Ang sayang tingnan anak na nakakangiti ka na ngayon." baling ko kay Dane at nginitian niya naman ako ng matipid. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari pitong taon ang nakalipas.

Nagulat kami ng makitang dumating si Dane at nasa harapan namin siya ngayon na parang nabaliw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Agad ko siyang niyakap at pagkayakap na pagkayakap ko sa kanya ay agad naman siyang humagulgol at umiyak na parang walang bukas. Nagtataka man kami sa kung ano ang nangyari sa kanya pero mas pinili namin ni Mike na hintayin siyang siya mismo ang magbukas ng saloobin niya sa amin. Alam kong nasa hindi magandang kalagayan ang anak ko ngayon at tanging presensiya namin ang kailangan niya sa panahon ngayon.

Ilang araw naming hindi siya nakausap at hindi rin siya kumakain. Pinipilit namin siyang pakainin at pakiusapan na alagaan ang sarili niya pero parang wala siyang nakikita o naririnig. Tanging pagtanaw sa labas ng bintana lang ang ginagawa niya sa mga panahong iyon. Napaiyak ako sa tuwing nasa ganung kalagayan ang anak ko, ang anak kong dinala ko sa sinapupunan ko sa loob ng siyam na buwan, ang anak ko na inaruga at inalagaan sa loob ng dalwampu't tatlong taon ay ang anak ko na di ko makausap ngayon. Nakakasama sa loob na kaya siyang saktan ng ibang tao tapos ako ni isang lamok, ayaw kong dumapo sa kanya.

Isang gabi ay nagulantang ang buong bahay namin. Alas dos ng madaling araw ng biglang sumigaw si Dane mula sa kwarto niya. Agad naman kaming napabangon ni Mike.

"Mike, kunin mo ang susi sa kwarto ni Dane. Bilisan mo!" utos ko sa asawa ko.

Agad naman siyang sumunod at hinanap ang susi habang ako ay patuloy na kinakatok ang pintuan niya.

"Dane, Dane anak, andito na si Mama nak. Buksan mo tong pinto." Alam kong naririnig niya ako pero walang ni isang sagot ang narinig ko.

"MIKE ANO BA! BILISAN MO!" sigaw ko at agad naman siyang dumating atsaka binuksan ang pintuan. Napatakip ako ng bibig ko ng makitang nakahandusay ang anak ko at may dugo. Hindi agad ako nakakilos. Diyos ko, anong nangyayari sa anak ko?

Buti nalang at nasa saktong pag-iisip ang asawa ko sa mga oras na yun at agad niyang binuhat si Dane. Sumunod naman ako kaagad ng mahimasmasan ako. Sinakay namin siya sa sasakyan at agad isinugod sa pinakamalapit na ospital.

-

Naghintay kami ng ilang oras at tanging pagdarasal lang ang aking nagawa sa mga oras na 'yun. Hindi ko kayang makita ang anak ko na parang walang buhay. Napahagulgol naman ako, buti nalang at nasa tabi ko ang asawa ko. Kahit papano eh naaalalayan niya ako.

Ilang sandali pa at bumukas ang pinto ng Emergency Room. Nilapitan kami kaagad ng doktor at nagulat kami sa balitang aming narinig.

"The mother and the baby are both safe. Buti nalang ang lakas ng kapit ni Baby." sambit ng doktor at naguluhan naman kami.

"Ho? Ano hong sabi niyo?" tanong ko

"Oh seems like 'di niyo pa alam ang balita, Congratulations at magiging lolo at lola na ho kayo, she's two weeks pregnant." pagpapaliwanag ng doktor

Gusto kong tumalon sa tuwa pero nanghihina pa ako. Tuwang tuwa ako sa narinig lalong lalo na si Mike. Magkakaapo na kami, sa wakas. Salamat Panginoon.

-

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa nagigising si Dane. Patuloy ko pa rin siyang binabantayan dito at ni isang segundo ay hindi ko winala ang tingin ko sa kanya. Ang aking nag-iisang anghel ay magkakaroon na din ng sarili niyang anghel. Naiyak naman ako sa naisip ko. Naramdaman ko na unti unting bumuka ang mata niya. Lumiwanag ang mukha ko at ganun din siya. Sa wakas, ngumiti na ang anak ko.

"Anak, tatawagin ko muna ang doktor ha. Babalik din agad si Mama." sabi ko at tumango naman siya agad agad.

Tinawag ko ang doktor at iniwan ko muna sila sa loob ng kwarto para na din eksklusibong maririnig ni Dane ang magandang balita. Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor, nginitian ko naman siya atsaka nagpasalamat na din.

Pagkapasok ko ay nakita kong umiiyak si Dane pero alam kong galing ito sa matinding kasiyahan.

"Congratulations anak, magiging ina ka na. Wag kang mag-alala, tutulungan ka namin ng Papa mo." niyakap ko naman siya agad agad.

"Salamat, Ma. Napakasaya ko po sa araw na ito. Mula po sa araw na ito, ipapangako ko pong ipagpapatuloy ang buhay ko, para sa inyo at para sa magiging anak ko. Pasensya na Ma at naging pabaya ako, muntik pang nawala ang munting anghel ko." sabi niya sa gitna ng kanyang mga hikbi.

"Shhhh tahan na anak. Ang importante ligtas kayo ng magiging anak mo." pagpapakalma ko sa kanya at hinigpitan niya naman ang yakap sa kin.

Salamat Panginoon sa panibagong panimula.

Naputol naman ang pagbabalik tanaw ko ng tawagin ako ni Dane.

"Tsk si Mama talaga, nagtothrowback ka na naman 'dyan." pagbibiro niya naman.

Haynaku napapangiti nalang ako sa katatagan ng anak ko. Alam kong hindi naging madali sa kanya ang lahat lahat pero alam kong kinakaya niya ito para sa aming pamilya niya at para sa munting anghel ng buhay niya, si Nate.

¤

Haaaay ang sarap mabuhay pag alam mong laging may umaalalay sa'yo. Happy Reading 🙌🌄

Langit Lupa [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon