Blue Flames

385 6 2
                                    

Earth, ang nagiisang planeta na tinitirhan ng mga ordinaryong nilalang. Hayop, Halaman, at Tao, meron din itong apat na elemento at yun ang Hangin, Lupa, Tubig, at Apoy. Ang Hangin ang nagsisilbing "OXYGEN" upang makahinga ang isang nilalang. Sa Lupa naman naninirahan ang mga nilalang na hindi kayang manirahan sa ilalim ng dagat gaya  ng hayop sa kagubatan, disyerto, bundok,  mga iba't-ibang uri ng halaman at mga tao. Maraming uri ng Tubig ang matatagpuan sa planetang Earth gaya ng ilog, lawa, talon, at dagat, dito naninirahan naman ang mga uri ng mga nilalang na hindi naman kayang manirahan sa ibabaw ng lupa gaya ng mga isda, corals, mga pating, at mga balyena. Ang hangin at tubig ang pinakamahalagang elemento na kailangan ng mga nilalang sa planetang ito upang manatiling buhay. At ang APOY ang pinakamapanganib sa lahat ng elemento sa Daigdig dahil kaya nitong pumatay ng kahit anong nilalang. Noong unang panahon simula na natuklasan ng mga tao ang Apoy inakala nilang ang pinakamainit na apoy ay kulay pula pero mali sila dahil hindi nila alam na ang pinakamainit na apoy ay kulay ASUL. Lumipas ang maraming taon hanggang dumating sa panahon ng teknolohiya ginagamit ang apoy sa mga bagay na pinaglulutuan ng mga iba't-ibang putahe ng mga tao. Pero hindi parin alam ng mga tao ang isang matinding sikreto ng apoy na hindi pa natutuklasan at tanging mga Babaylan lamang ang nakakaalam ng sikretong ito na tinatawag na "BLUE FLAMES". Magsisimula ang istorya sa isang binatang naninirahan sa bansang Pilipinas o "Philippines" sa probinsya ng Cavite.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon