Part 28

991 79 2
                                    

Update

--yun nanga, memorable ang first friendly date nina Rj at maine kagabi.since linggo ngayon,late gumising si Rj,pero si maine, on time parin,dahil kailangan n'yang tumulong sa gawaing bahay.s'ya ang mamamalantsa ngayon, medyo marami rami rin,Kaya kailangan n'yang mag umpisa ng maaga.kahit na medyo puyat,pero masigla s'ya this time,na s'yang ipinagtataka,parang hindi napuyat kagabi.

"Anak,,ano? kaya mo ba yan?baka pagod kapa?iwan mo muna jan,umidlip ka muna kahit konti pa.mamaya kanamalantsa,kung hindi mo man matapos,ako ng bahala sa mga matitira.basta unahin mo nalang muma yung mga polo nila."wika ng nanay n'ya.

"Nay,hindi po okay lang ako,kaya ko to,wag po kayong magalala."tugon ni maine.

"Sigurado kaba?aba e anong oras na kayo dumating kagabi!hindi ka naman natulog kagaad,ewan ko ba naman sayong bata ka,at kung sino pa yung ka text mo.!maanaangan na sambit ng ina.kahit alam naman n'ya kung sino yun.

"Nay naman, office mate ko ngalang.."pagsisinungaling ni maine.

"O s'ya, office mate kung office mate.basta eto lang ang mapapayo ko sa'yo anak.wag masyadong pakampante."payo ng ina.napatingin ito sa nanay n'ya.tila ba alam n'ya kung anong ibig n'yang sabihin.alam naman n'ya kung ano ang tinutukoy ng nanay n'ya.nakikipagjaibigan lang din naman s'ya kay RJ,kase napabait naman n'ya.at masaya din naman s'ya sa twing magkasama sila.

"Pinapaalalahanan lang kita anak,baka kase makalimutan mo,kung ano tayo dito."wika ng ina.duon na nakaramdam ng pangamba si maine.bakit may kurot sa puso? bakit may pangamba? dahil ba, nararamdaman n'yang nahuhulog na s'ya sa boss n'ya?at alam naman n'yang hindi pwede?"muntik na tuloy masunog ang polo ni Rj,kung hindi naagapan ng nanay n'ya.

"Anak ano kaba?mag ingat ka naman, bago lang yang polo ni ser,."gulat na sabi ng ina,sabay hila sa plantsang hawak n'ya.natulala kase s'ya bigla,e nakapatong pa ang mainit na plantsa sa damit.

"Nay sorry po,sige na po aayusin ko na po, lumabas na po Kayo sa kusina baka kumain na sila."wika ni maine.

"Linggo ngayon,kaya tanghali na magigising si ser rj.nauna ng kumain si Don Manuel at may lakad."wika ng ina.

"Ah ganon po ba?"sige nay wag na po kayong mag alala, aayusin ko na po trabaho ko."batid ni maine na tama ang nanay n'ya.kahit hindi aminin sakanya,alam ni maine na may alam ang nanay n'ya sa nangyayari sakanila ngayon ni Rj.

Mag aalas nwebe na ng bumaba si Rj.si maine agad ang hinanap ng mga mata n'ya ng pumasok sa kusina.hindi n'ya ito makita,pero nahihiyang magtanong sa nanay n'ya.kumain nalang muna s'ya bago n'ya ito hinanap.he stayed in their living room habang hinhintay s'yang lumabas.he's wondering where she could be at this moment."ang aga naman yata n'yang lumabas."he told himself.he's watching a television while waiting kung lalabas ba s'ya or darating kung saan man s'ya nagpunta.hindi s'ya nakatiis magtanong sa nanay n'ya ng  halos kalahating oras na s'ya,hindi parin n'ya makita si maine.

"Ah,,manang,si maine po?"pasimple n'yang sa nanay ni maine.

"Ay,ser nasa kwarto,namamalantsa."tugon naman ni aling Mary Ann.

He frowned."kanina pa po?"he asked.

"Oo, paggising palang n'ya,inumpisahan na n'ya,ginagawa kase n'ya ang pamamalantsa kada linggo lang kaya marami.sabi ko nga sakanya,wag na n'yang tapusin, at ako nalang ang tatapos,alam kong pagod din s'ya sa kagabi.e mapilit lang talaga ang batang yun ser."

Tumango tango lang si rj.kaya pala hindi s'ya makita.nasa kwarto lang pala."naisip n'ya".






My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon