Chapter 12: Kate's Cousin

2.5K 61 0
                                    

Kate's Pov:

"Kate, Bat di mo kami sinabihan na nandito ka na sa Pilipinas at Sobra 4 years ka na pala dito.."Sabi ni Brandon

"Ayy sorry.. Kala ko nasa States pa kayo ehh😅😅 tsaka alam kong busy kayo doon kaya di ko lang muna kayo inistorbo.."Palusot ko..

Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na pinsan ko ang Campus Crush at Playboy ng Montefalco University.. Di din alam ni Icy na pinsan ko itong dalawa na ito kasi baka saktan niya itong dalawa ehh.. Lalo na't marami na silang kasalanan kay Icy.. Nagpapasalamat naman ako sa mga Babaeng dikit nang dikit sa kanila...

Actually, nahihiya nga akong kausapin sila ehh, kahit na sa Chat..

"Hay nako.. Oo, nagbago yang mukha mo pero yang ugali mo, Di pa rin.."Sabi ni James..

Tumawa nalang ako sa sinabi niya at nang dumating ang mga pagkain ay tumahimik ng 10 seconds, pagkatapos.. Agad silang nagsalita..

"Kate, nabalitaan mo ba Yung gang war na nangyari doon sa Dating Academy natin, Yung abandonado na ngayon???"sabi ni James.. Nabalitaan pala nila.. Wow.. Kala ko di ito nanonood ng news sa Tv..

"Oo nga Pinsan.. Grabe yung ginawa nila sa mga Patay doon.. Halos na ginawang Tae..pinagpipira-piraso yung mga katawan doon at Kinalat sa buong Academy yung mga bahagi.."Sabi ni Brandon.. Grabe talaga itong si Icy.. Inubos talaga ang lahat ng mga Taga Black Fox na pumunta doon..

"Wala ko yan nabalitaan.. Grabe.. After lang ng 1 year May Gang War na namang nangyari dito.."Sabi ko..

"Pinsan.. Sino nga yung Gangster Queen na sinakop ang 7 gangs??"Tanong ni James..

"Si Night Demon.. Siya lang siguro ang pinakamagaling na Gangster Queen na nag eexist dito.. At isipin mo, babae pa!!"Sabi ko..

"Oo nga noh.... Nga pala, Kamusta na ang School??"Sabi ni Brandon sabay Kuha ng Cupcake sa lamesa..

"Okay lang naman.... Kayo??"

"Medyong tagilid.."Sagot ni Brandon..

"Okay lang.."Sagot ni James.. hay nako, di pa rin nagbabago si Brandon, Hanggang ngayon, tamad pa din magaral..

"Hay nako, Brandon. Di ka pa rin nagbabago.. magaral ka nga ng mabuti, Hindi yung puro lang babae yung inaatupag mo.."Sabi ko at napatawa naman siya.

"James, matanong ko lang.. Kilala mo ba Yung tinatawag niyong Ms. Angel doon sa University niyo??"Tanong ko kay James..

"Ahh Oo, Siya si Angelina Marie Genova.. Sa totoo lang, kawawa siya doon sa School eh kasi palagi siyang binubully, Di lang man lumalaban.. Siguro, natakot lang siya sa mga nang bubully sa kaniya lalo na't mga Gangster yung mga bully.."Sabi ni Pinsan..

Kaya pala ang Famous niya, Kasi palagi siyang binubully pero wait, Di naman porket na binubully ka ay magiging Famous ka na..

"Bukod sa Binubully siya, May iba pa bang ginagawa yung ibang student doon??"Tanong ko..

"Oo naman.. Lahat ng Assignments at Projects ng mga nang bubully sa kaniya ay pinapagawa sa kaniya, hindi lang yan, imbis na sila ang maglinis ng classroom nila ay siya ang naglilinis.. Kawawa nga ehh.."Sabi ni James..

"Alam niyo ba ang dahilan ko bakit siya binubully??"Tanong ko sa kanila..

"Hindi.. pero naging famous lang siya dahil sa mga videos na pinapakalat ng mga nangbubully sa kaniya.. Dun sa mga Videos na iyon, ginagawa siyang katatawanan.. gaya nalang ng binubuhusan siya ng Ulam sa Ulo at Siniset up siya para lang mapahiya.."Sabi ni Brandon..

"Kawawa naman siya.. Kung ako lang ang nasa lugar niya, nako! Sisiguraduhin kong mapapatay ko yung mga bully na iyon."Sabi ko..

Nakilala ko lang yung babae na iyon nang mapanood ko ang isa sa mga Video na Pinagtatawanan siya habang binubuhusan ng mga tira-tirang pagkain..

Parang May Mali ehh, Sobra na kaha yung ginagawa nila sa kaniya tapos di lang man siya lumaban ni isang beses?? Wala bang pake yung principal at mga teacher sa University na iyon??

"James, alam ba ng mga Teachers at Principal ang mga ginagawa sa kaniya??"Tanong ko..

"Oo, pero parang wala lang sa kanila.."Sagot ni James..

"Kaya nga ang laki ng galit ni James sa kanila ehh.. May Crush daw kasi si James sa babaeng iyon.."Sabi ni Brandon at napatawa naman siya.. Napatawa din ako sa sinabi niya, agad namang binatukan ni James si Brandon at agad itong tumigil sa pagtawa..

"Hahaha.. Totoo ba iyon, pinsan??"Tanong ko

"No.."Seryosong sagot niya sa akin at napatingin naman siya ng masama sa kuya niya..

"Hindi.. Kate, totoo yun, nadedeny lang itong si Bunso.."Sabi ni Brandon sabay Akbay kay James..

Agad namang siniko ni James si Brandon kaya napa aray ito agad at inalis niya agad ang kamay niya kay James.. Grabe, di pa din nagbabago itong magkapatid na ito.. Nagkukulitan pa din..

Tuloy tuloy lang ang usapan namin hanggang sa Time na nilang umalis.. Kaya eto, lonely na naman ako sa bahay na ito.. wala sila mama at papa dito, nandoon sa Canada nagtatrabaho.. sa isang Year, Isang beses lang sila umuuwi dito, How sad😢😢😢 kaya nga palagi ko silang namimiss ehh, halos na umiyak nga ako sa bawat pag-alis nila dito..

"Ahhmm Kate.. Alis muna ako dito ha?? Mag grogrocery lang ako.."Sabi ni Yaya.. Bw*sit talaga itong Yaya na ito!! Nagpapalusot pa!!

"Ayy P*ta!!! Mag-grogrocery??!! Grocery!! Lumayas ka nalang sa pamamahay ko kung Ganiyan ka lang man, Alam kong mag shoshoping ka lang kaya wag ka nang magpalusot!!!"Sabi ko

"Grabe si Ma'am ohh.. Sige na poh.."Pagmamakaawa niya..

"Oh sige, Mag shoshoping ka na doon, basta't wag ka nang bumalik dito!! At sasabihan ko sila mama at papa na wag ka nang bigyan ng sweldo kasi na sweldohan na kita.. okay??"Sabi ko at kinuha ko agad ang CP ko.. Agad naman siyang umalis sa harapan ko at pumunta agad sa kusina..

"Yaya!! Kumuha ka nga ng Acido diyan.."Sigaw ko..

"Bakit po??"Tanong niya..

"Kasi ibubuhos ko sa mukha mo Yung Acido para di mo na pakialaman ang mga make up ko sa kwarto.."Sabi ko at hindi siya nakasagot sa sinabi ko..matagal na talaga akong naiinis sa katulong na ito.. lagi nalang akong  Binubuw*sit!!!

------------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon