Icy's Pov:Habang naglalakad-lakad ako sa harapan ng campus ay iniisip ko yung kasagutan niya sa tanong ko kanina. At yung sagot niya ay tumatak sa isip ko. Yung parang bang sinasabi nito na deserve ko siya.
"Hindi mo ako nilayuan-kahit na paulit-ulit kang sinasaktan ng taong gusto akong agawin sa iyo. Tiniis mo ang lahat ng sakit na pinapatikim niya sa iyo- At dahil doon-Isang araw, na-realize ko na hindi mo pala namamalayan na ipinaglalaban mo na pala yung isang bagay na meron tayo-Ang connection natin sa isa't-isa. Dahil sa connection na iyon- naging tayo na ngayon. Kaya ipinaglaban ko rin ito. I deserve you, And You deserve me. And I promise, hinding-hindi kita bibitawan-ano man ang mangyari, hinding-hindi kita iiwan sa ere."
Ayan ang naging sagot ni James sa tanong ko. Ayaw ko siyang iwan nang dahil lang sa pwedeng manganib ang buhay niya. At mas lalong ayaw kong ma-involve siya sa away namin. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya. His my property, at hinding-hindi ko ito hahayaang mawala sa akin.
Naglalad ako ngayon papunta sa isang puno na malapit sa guard house. Malayo naman kasi yung puno na palagi kong pinupuntahan kaya dito nalang.
Paglapit ko sa puno ay aakyat na sana ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong tinignan kung sino ang nag-text.
From:My Angel(James)
"Susunduin nalang kita mamaya, may group project pa kasi kaming ginagawa. Diyan ka lang, Mine! Wag na wag kang aalis hangga't hindi ako nakakarating! I love you."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang sweet niya talaga.
"Opo, Yours. Love you too!"
(Sent)
Nilagay ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko at umakyat na ako sa puno. Agad akong umupo nang makakita ako ng magandang part ng puno kung saan ako makakapag-relax at matatanaw ko rin ang school building.Habang nilalasap ko ang hangin ay bigla kong naisip si Violet. Kailan kaya yun susugod? Pati rin yung walang hiyang kampon niya.
Sa totoo lang, medyong familiar sa akin yung boses ng walang hiyang kampon ni Violet na iyon. Iniisip ko pa rin kung sino ang ka-boses niya. Buti nalang, hindi namatay yung mga bantay na nagbabantay doon sa labas ng meeting Room. Nalaman ko kasing ang karayum na tinusok ng babaeng iyon sa mga nagbabantay ay may lason. Pero ang lason na ito ay matagal pumatay ng tao. Una ay makakatulog muna ito ng 1 hour and 30 minutes, pagkatapos niyan ay saka palang mamamatay ang taong may ganun klaseng lason. Ang bobo talaga ni Violet, binigay ba naman sa babaeng iyon ang isang mababang uri ng lason.
Habang pinagmamasdan ko ang school building-kasabay ng pagiisip ko ay bigla akong napatingin sa baba matapos maramdaman yung parang may biglang tumama sa puno na something.
Bumaba ako- at nakita ko ang isang dagger na nakatusok sa katawan ng puno. Napakunot naman ang noo ko nang makita may isang papel na nasa patalim nito.
Tumingin-tingin ako sa paligid. At sa lobby-may nakita akong isang lalaking naka-mask. Agad siyang tumakbo nang makita ko siya.
"Hey!" Sigaw ko.
-----
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Novela JuvenilShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...