Ella's Pov:Nagising kaming lahat nang wala si Icy, hindi nga namin alam kung nasaan siya. Pati mga gamit niya, nawawala din. Ba't siya umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa amin?
"Wala din ang kotse niya sa parking lot, umalis nga siya." Sabi ni Anthony.
Ang iba sa amin ay kakagising lang, habang ang iba naman ay kanina pang gising, kabilang na ako doon. Nga pala dito kami naguusap sa harapan ng Room nila Anthony, wala namang dumadaan kaya dito kami naguusap.
"Anong nangyayari dito?"
Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggaling ng boses na iyon. Paglingon namin, nakita namin si Kate."Na-nasaan si Icy?" Tanong nito sabay hawak sa noo niya na parang bang sumasakit ang ulo niya. Tama pala noh? naglasing siya kagabi.
"Umalis.." Maikling sagot ni Joshua.
"Ha?! Bakit siya umalis?" Gulat na tanong ni Kate.
Napapaisip din nga ako kung anong reason kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam. Saan naman siya pupunta....? Ang alam ko, wala siyang gagawin ngayong bakasyon. At kung may gagawin man siya, magpapaalam naman siya sa amin. Nakakapagtaka lang.
Nagisip-isip ako kung sino ang pwedeng makapagsabi kung nasaaj ngayon si Icy, ilang beses na naming tinatawagan si Icy pero naka-off ang cellphone niya.
Bigla kong naisip si James, sigurado akong alam niya kung nasaan ngayon si Icy at kung anong rason niya kung bakit siya umalis agad-agad..
Kanina ko pang napapansin na ang tahi-tahimik ni James. At parang napapansin din 'yon ng mga kasama ko ngayon. May hindi sinasabi si James sa amin.
"James... Alam mo ba kung nasaan si Icy?" Tanong ko sa kaniya.
Parang nagulat naman siya nung tinanong ko siya. Para bang, nagising agad siya sa isang bangungot. Kanina pang malalim ang iniisip niya at parang hindi niya naririnig ang convo namin.
Hindi siya kaagad nakasagot. Napakunot naman ang noo ko nang mapansin ko na parang nagdadalawang isip pa siya. May hindi nga siya sinasabi sa amin.
"Hindi ko din alam." Sagot niya. I know it's a lie.
Magsasalita na sana ang iba pa naming kasamahan nang magtanong ako ulit sa kaniya.
"Are you sure?" Tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin sa akin, that means it's a lie.
"You know, I hate liars." Sabi ko na may kasamang pagbabanta sa kaniya. Totoo naman, I hate liars.
"Si-sigurado ako. Hindi k-ko talaga alam." Sagot niya. Ba't parang nahihirapan pa siyang sagutin ang tanong ko?
"Guys, may pupuntahan muna ako." Napalingon naman kami kay Kate matapos siyang magpaalam sa amin. Nagmadali naman siyang pumasok sa room namin. Importante yata ang pupuntahan niya.
"Ano guys, hanapin natin si Icy?" Tanong ni Andrew.
***
Violet's Pov:
Hindi ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon.. Grabe, buong araw akong nakangiti dahil sa naisagawa na namin ang First plan namin! Hahahaha!!
"Wag ka masyadong magsaya, Violet." Sabi ni Harry sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Wag mo namang sirain ang kasiyahan ko!" Sabi ko naman sa kaniya. Kumuha ako ng wine at ininum ito.
"Hindi pa tayo nangangalahati, Violet. Pwedeng umiiyak na ngayon si Night Demon, pero hindi pa 'yon sapat. Dapat, mas lalo pa natin siyang pahirapan. Hanggang sa lumuhod na siya sa harapan natin-at ibigay ang trono niya sa atin." Sabi ni Harry nang naka-smirk. Napa-smirk na rin ako dahil nai-imagine ko 'yung habang umiiyak si Night Demon ay unti-unti siyang lumuluhod sa harapan namin, sign na sumusuko na siya.
"Speaking of Night Demon, Nagawa ko na 'yung pagi-ispiya sa kaniya." Sabi ni Harry. Napalingon ako ulit sa kaniya, wearing a demonic smile.
"Siya nga.." Sabi ko nang nakangiti. Napangiti din si Harry.
"Now, we both know her secrets and weaknesses. So, mas madali na natin siyang matalo." Sabi ni Harry.
I know that Night Demon is now suffering. Since malambot siya sa mga alipores niya, sure akong mamamatay na siya sa kakaiyak ngayon..
Hahahaha!!!-Sana nga mamatay siya sa kakaiyak..
At para mas masaya, ililigpit ko rin 'yung taong nagpapasaya sa kaniya...
****
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...