Chapter 52:Surprise

1.3K 46 2
                                    


Rare's Pov:

"That's Enough"

Napanganga ako dahil sa na-surprise ako. Pagkatapos niyang gawin iyon sa dalawang lalaki, halos hindi ako makagalaw.

Napatingin ako kay Andrew at Drey. Seryosong nakatingin si Andrew kay Veronica at Angel. Habang si Drey, parang hindi pa nasi-sink in sa utak niya ang nakita niya...

Tumingin naman ako sa mga taong nakapalibot sa kanila. Hindi din sila makapaniwala sa nakita nila. Sumara ang bunganga nila na kanina lang ay walang tigil sa pagbubulungan. At ang mga cellphones na kaninang nakatutok sa dalawa ay wala na. Tinago na nila.

Ang iba ay gulat na gulat, nagtataka at natatakot, natatakot sila kay Angel. Sino ba naman ang hindi matatakot sa kaniya ngayon. Galit na siya, at hindi nila kilala kung sino ang binangga nila. Si Night Demon, ang pinakamagaling na gangster Queen na nage-exist dito ay nasa harapan namin ngayon.

Tumingin naman ako kay Veronica, pati rin siya ay nagulat sa nakita. Tulala at parang nahihirapan siyang i-sink in sa utak niya ang nakita niya. Hindi din siya nakagalaw sa kinatatayuan niya.

Maya-maya, humakbang si Angel palapit kay Veronica. Tumigil siya nung nakita niyang umaatras ito. Ngayon, hindi na siyang nakatalikod sa amin. Naka side view siya, pati rin si Veronica.

"Oh? Ba't parang natatakot ka?" Tanong ni Angel. Walang salitang lumabas sa bibig ni Veronica. Nakatingin lang ito kay Angel na parang bang hinihintay niya ang next move na gagawin ni Angel.

"Anong nangyari? Kanina lang, parang gusto mo na akong patayin. Diba gusto mo akong mawala sa mundong ito?"

"Ito na ang Chance mo, Veronica Montereal. Wag mo nang sayangin." ANO?!! NABABALIW NA BA SI ANGEL?!!

"ANGEELLL!!! WAAAGG!! "

Napatingin ako kay Drey, kanina ay tulala ito, ngayon ay nagaalala na ito.

Bigla kong naalala kung sino talaga si Angel. Alam kong kaya niyang patumbahin si Veronica, pero... Masasabi kong 50 percent lang ang chance na mananalo si Angel kay Veronica. Si Veronica, maayos pa rin. Habang si Angel ay sugatan.

"Kill me, Veronica Montereal"Kalmadong sabi niya kay Veronica. Pero hindi pa rin kumikilos si Veronica. Parang nagdadalawang isip pa siyang gawin ang gusto ni Angel.

"I said-"

Humakbang siya ng dalawang beses kay Veronica. Ay umatras din si Veronica ng Dalawang beses.

"F*CK!! I SAID, KILL ME!!
Halos mapatalon naman ang ibang nanonood sa kanila. Ang lakas kay ng boses ni Angel. Nakikita ko ngayon sa mga mata ni Angel ang pagtitimpi. Parang gusto na niyang sugurin si Veronica.

"Kung hindi mo ako lalabanan..... I will not hesitate to smash your F*cktard head on the Floor."Banta niya kay Veronica. Grabe talagang magmura itong si Angel...

"Come on. Fight me." Panghahamon ni Angel kay Veronica.

"W-walang h-hiya ka!!"

Agad namang sumugod si Veronica kay Angel. Itinaas naman ni Veronica ang kamao niya, sign na susuntukin niya si Angel sa Mukha. Agad namang umiwas si Angel. Patuloy lang sa pagsuntok si Veronica kay Angel. Hanggang sa hinila ni Angel ang braso ni Veronica at binali ito. Napasigaw siya sa sakit. Agad namang binitawan ni Angel si Nica. Pagbitaw niya kay Nica, agad namang napaluhod si Nica at hinawakan niya agad ang braso na binali ni Angel.

Nakatalikod si Nica Kay Angel. Lumapit siya saka sinipa ang likod ni Nica. napadapa si Nica. Nakaharap ang likod niya kay Angel. Tatayo na sana si Nica pero agad namang inapakan ni Angel ang likod ni Nica para hindi siya makatayo.

"Bakit hindi mo nagawa ang inuutos ko sa iyo? "Tanong ni Angel kay Veronica. Pero imbis na sagutin ni Nica ang tanong ni Angel, nagtanong siya kay Angel.

"SINO KA BA TALAGANG HAYOP KA?!!"-Nica

Napangiti si Angel. Ilang segundo ang lumapas bago siya nakasagot.

"Ako ang babaeng ilang taon nang inaapi at kinakawawa ng mga tao dito."Sagot niya. Wag niyong sabihing sasabihin niya talaga na siya si Night Demon.

"Ako ang babaeng palaging sinasaktan. Ginagawang tiggawa ng assignments at projects. Kilala nila ako bilang Ms. ANGEL. Kasi mabait daw ako. "

"Kilala din nila ako bilang isang mahirap at hampas lupa na maswerteng nakapunta sa University na ito."

"Pero lahat ng iyon ay bahagi lamang ng palabas ko."

Mas lalong tumahimik ang paligid. Nako... Masama ito! Siguradong paparusahan kami ng principal!

"Hindi ako Lampa, Uto-uto, Talunan. Hindi din ako mahina. Hindi ako mahirap. Hindi ako mabait. At Mas lalong hindi ako si Angelina Marie Genova!"

Tahimik pa rin kaming lahat. A-anong hindi siya si Angel? Ibig bang sabihin nito, may isa pa siyang tinatagong personality?

"A-Anong ibig mong sabihin? "Tanong ni Nica. Halatang nanghihina na siya.

"Manood ka nalang."sabi ni Angel.

"KAYONG LAHAT!! GUSTO KONG MALAMAN NIYO KUNG SINO TALAGA ANG TAONG NASA LIKOD NG DISGUISE NA ITO!! "Sigaw niya. Nakaramdam ako agad ng kaba. Siguro pati rin sila, kinakaban din.

Tumingin kaming lahat kay Angel. May tinatanggal siya sa kilay niya. Pagtanggal niya, doon ko o namin nalaman na sumusuot pala siya ng pekeng kilay. Pagtingin ko sa buong mukha niya, bumungad sa amin ang isang napakagandang at pamilyar na mukha. Parang nakita ko na ang mukhang nakikita ko ngayon. Pero saan? Kailan? Mas lalong kumunot ang noo ko at tinignan ang mukha niya.

May tinatanggal siya sa magulo niyang buhok. Hairpin. Isa-isa niya itong tinanggal at tinapon.

Hanggang sa parang humihiwalay na ang buhok niya sa ulo niya- wig! Sumusuot siyang wig.

Tinanggal niya ito at nanlaki agad ang mga mata ko. Hindi.. Ang anak ng isang billionaire at nanggaling sa isang makapangyarihang pamilya. Mas makapangyarihan pa sa pamilya ni Nica. Isang pamilyang araw-araw pinaguusapan sa news. Mas lalo akong natakot sa pwedeng kahihinatnan ng mga estudyante dahil ay ang bagong principal namin ngayon ay ang babaeng ilang years nang kinakawawa ng mga students dito.

"AKO SI ICY NATALIE MONTEFALCO! ANG NAGIISANG ANAK NG ISANG BILLIONAIRE AT NANGGALING SA ISANG PAMILYANG MAS MAKAPANGYARIHAN SA PAMILYA MONTEREAL. AKO! ANG BABAENG ILANG YEARS NANG NAGDURUSA SA UNIVERSITY NA ITO NA NGAYON AY NAGING PRINCIPAL NA! "Hindi pa rin nawawala sa labi niya ang ngiti.

Nagsisimula na silang magpanic. Dahil alam na nila ang pwedeng kahihinatnan nila pagkatapos nito.

"Hindi niyo lang ba ako babatiin or iwe-welcome?"

----------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon