Continuation(78)

576 14 0
                                    


Icy's Pov:

Kumain muna kami sa isang restaurant na malapit lang dito, bago sila nag-saya sa beach. Sila sa dagat, kami naman ni James ay namasyal muna. Suot ko na ang beach attire ko. Nag-suot ako ng shorts at t-shirt kasi nga pumunta kami ng restaurant kanina.

Napatingin ako sa mga rosas na tinitinda ni Ate. Patuloy pa rin kami sa paglalakad habang ako ay nakatingin sa mga rosas, ang ganda kasi.

Napatingin naman ako sa lalaki at babae na nasa harapan ng tinitinda ni Ate. Kumuha ng isang rosas ang babae at inamoy niya ito, napapikit pa nga siya eh. Napansin siya ng kasama niyang lalaki, nilapitan niya ang babae-at parang tinanong siya ng lalaki kung gusto niya ba ng rosas. Tumango ang babae, at yun nga. Binilhan siya. Ang sweet nila...

"Nai-inggit ka ba sa kanila?"
Agad akong napalingon kay James, kasabay nun ay ang pagtigil ko sa paglalakad. Pati din siya napatigil.

"Hindi naman-"

"Sabihin mo na, na nai-inggit ka sa love birds na 'yon." Sabi niya sa akin nang nakangiti. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay hila sa akin palapit doon.

"Ate, magkano po?" Dinig kong tanong ni James kay Ate. Hindi ko na narinig kung ano ang sinagot ni Ate kasi ang atensyon ko ay sa mga rosas.
Kumuha ako ng isa, at inamoy ito. Ang bango..

Napatingin ako kay James matapos kong ibalik ang rosas sa kinalalagyan nito. Pero nagulat ako nang may bitbit siyang isang bouquet ng rosas. Shocks!

"Para sa'yo, mahal kong Cupcake." Sabi niya sa akin sabay ngiti.

"Ano ka ba? Tao nga ako eh, hindi Cupcake!" Pagtatama ko sa kaniya. Kinuha ko ang bitbit niya.

Habang pinapasok niya sa kaniyang wallet ang sukli. May namuong kalokohan sa utak ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya-inilapit ko ang mukha ko sa cheeks niya-at agad ko itong hinalikan. Napapikit pa nga ako nung kiniss ko siya sa pisngi.

Pag-dilat ng mga mata ko at pag-layo ko sa kaniya. Natawa naman ako sa reaction niya. Parang tumigil ang mundo niya, pati si Ate, natawa din na parang kinikilig pa.

"Nako, Ija. Mukhang ang lakas ng tama ning ginawa mo sa Boyfriend mo." Natatawa na sabi ni Ate.

"Agree po ako. Hahahaha, namumula pa nga siya Ate. Ayon oh!" Sabi ko sabay turo sa pisngi niya. Sa pagkakataong iyon, gumalaw na si James at agad niyang hinawakan ang pisngi niya. Nababading na yata ang boyfriend ko😂😂😂

Binaba niya ang kamay niya-at tumingin siya sa akin. Napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa tingin niya. Ang seryoso niya. Galit ba siya?

"Can you do it again?" Tanong niya sabay ngiti nang nakakaloko. Mas lalong kinilig si Ate. Habang ako ay parang sasabog na sa sobrang init ng pisngi ko. What the heck?

"No.." Cold na sabi ko.

"Thank you nga pala, Ate." Sabi ko kay Ate sabay talikod at nagsimula na rin akong maglakad paalis. Narinig ko naman siyang sumigaw na parang nasa bundok kami sa sobrang lakas.

"CUPCAKE! WAIT FOR ME!" Sabi niya. Tumingin ako sa likuran ko. At nakita kong nagi-slow motion pa siya na parang tanga. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao. Haaayy...

Napahawak lamang ako sa noo, at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Baka mamaya, masapak ko na ang lalaking ito.

****

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon