Icy's Pov:
Gaya ng inaasahan ko, nakatatlong bote palang si Kate ay bagsak na agad. Haayy.. Itong babaeng ito, sabing hindi magpasobra.
At ngayon, binubuhat ko siya papunta sa room namin. Malapit na kami kaya konting tiis nalang..Ang bigat niya kaya!Nang nasa harapan na kami ng higaan niya, agad ko siyang binitawan at bumagsak naman siya sa higaan niya. Inayos ko ang paghiga niya,kinumutan ko na rin siya para masarap ang tulog niya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto pala sila sa isa't-isa. Paano nangyari 'yun? hindi naman sila masyadong close, minsan lang din sila mag-usap.
Siguro.....nahihiya lang silang lumapit sa isa't-isa kaya minsan lang silang naguusap. Napatingin naman ako sa higaan ni Ella, at ang sarap ng tulog niya. Halatang napagod ito sa pamamasyal nila ni Joshua, ngayon ko lang napansin na mahimbing na siyang natutulog ngayon.
Hindi ako makatulog, kaya naisipan kong tawagan si James.
Hinanap ko sa contacts ang number niya, at nang makita ko ito-pinindot ko ito.
Makalipas ang ilang minuto, hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Ring lang nang ring ang cp niya. Sinubukan ko ulit, at this time, sinagot na niya. Pero nang magsalita ang sumagot, doon ko nalamang si Joshua pala ang sumagot. At mukhang naistorbo ko siya sa mahimbing niyang pagtulog.
"Joshua, sorry sa abala. Nasaan na si James?" Tanong ko.
"Ahhh.. Wala siya dito eh, lumabas yata." Sagot niya.
"Ahh.. Okay, hahanapin ko nalang si James. Thanks!" Sabi ko at agad ko siyang binabaan. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, mabilis akong lumabas sa kwarto.
Mabilis naman akong nakalabas sa hotel, tumingin-tingin muna ako kasi baka makita ko siyang pinagmamasdan ang dagat. Pero wala eh.
Hinanap ko siya kung saan-saan. Sa restaurant, bar, at kung saan-saan pa.
Timigil ako sa paglakad, pinunasan ko muna ang pawis ko, napahawak naman ako sa mga tuhod ko nang dahil sa pagod...Nasaan ba 'yung lalaking 'yon.Bigla kong naisip ang isang secret lagoon na pinaguusapan ni Drey at Anthony kanina. Tama-baka nandoon siya. At buti nalang,alam ko kung nasaan 'yon.Binilisan ko ang paglalakad ko, hanggang sa nakarating na ako.
Ang secret lagoon ay pinapalibutan ng mga malalaking puno, pati rin mga halaman.
Ang ganda pala dito kapag gabi, parang nasa isang mahiwaga kang lagoon. Tinatamaan ng ilaw ng buwan ang tubig, kaya kumikinam ito. Idagdag mo pa ang magandang kalangitan pati rin ang mga fireflies na lumilipad nang malaya,parang ibang world ang peg ng secret lagoon na ito tuwing gabi.
Humakbang ako, at paghakbang ko-may naapakan ako. Kaya agad akong napa-atras at tiningnan ang bagay na inaapakan ko.Pagtama palang ng tingin ko sa bagay na iyon, ang unang nakakuha ng pansin ko ay ang kumikinang na bagay. Kumikinang ito dahil sa liwanag ng buwan. Parang isang diamond ang kumikinang.
Umupo ako-kinuha ang bagay na iyon-at doon ko nalaman na bahagi pala iyon ng isang kwintas. At tama ako-diamond ang kumikinang, pendant ito ng kwintas.Napakunot naman ang noo ko habang nakatitig pa rin ako sa kwintas. Sino kaya ang nagmamayari nito?
Napatingin ako sa madilim na bahagi ng lagoon dahil parang may tao."Akin ka nalang... Please.." Boses ng babae. At halatang may kausap ito. Ano naman ang ginagawa nila dito sa ganitong oras?
Dahan-dahan akong pumunta sa pinagmulan ng boses. In-on ko na ang flashlight ng phone ko kasi natatabunan na ng ulap ang liwanag ng buwan.
Patuloy lang ako sa paghanap sa babaeng iyon, hanggang sa nakita ko siya-at.... si James? Totoo ba itong nakikita ko??
Medyong malapit ako sa dalawa, at ngayon.. Nakatutok ang ilaw ko sa kanila. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa nakita ko.
Si James, nakikipaghalikan sa isang babae.. Hindi ko na naitago pa ang galit ko, since medyong maliwanag ang paligid. Pinatay ko ang ilaw, at kasabay nun,may narinig akong ingay na parang may natumba o napaupo sa lupa."Icy-" Tawag sa akin ni James. At may sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na siya.
"What the f*ck is that, James?!" Galit na tanong ko sa kaniya.
****
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...