Chapter 83: Stronger

611 15 0
                                    


Kate's Pov:

Kanina pa kaming nakaalis doon sa Bar, kung hindi lang biglang bumagsak si Icy dahil sa sobrang kalasingan-baka inabutan pa ako ng ilang oras bago ko siya maialis doon sa bar. Buti nalang talaga, walang nangyaring masama sa kaniya.

Habang mahingbing siyang natutulog, pinagmamasdan ko siya. Paano ko sa kaniya i-eexplain ang nangyari? nagaalala ako sa reaction niya.. Paano ba 'to.

Pinigilan ko agad ang luha ko mula sa pagtulo, hindi ako pwedeng umiyak, wag ngayon- madadagdagan lang ang lungkot na dinadala niya.

Dapat hindi ako magpakita ng kahinaan sa kaniya, kailangan niya ako ngayon-she badly needs me.. As a best friend, papalakasin ko siya. Hindi ko hahayaang mas lalo pa siyang humina nang dahil lang sa sakit at lungkot na dinadala niya.
Nandito nga pala ako sa kuwarto ni Icy, simple lang naman ang kuwarto niya.

Masasabi mong hindi siya mahilig sa light colors dahil sa kulay ng mga kurtina, bed sheet, at ang iba pang kagamitan na nandito sa room niya.
Napatingin naman ako sa orasan na nasa studying table niya.. 6 pm na-so 1 hour pala akong tumunganga dito sa kwarto niya, grabe...

Dahil gabi na, nagdisisyon akong bumaba muna para kamustahin si Tita. Alam kong malungkot din si tita kahit na palagi siyang nakangiti. At alam ko rin na alam niya ang lahat ng mabibigat na problema ni Icy.

Nang makarating ako sa kusina, nakita ko si Tita na nakaupo.. Nakapatong ang magkabilang siko sa lamesa habang ang mga kamay niya ay tinatakpan ang mukha niya.

Inalis niya ang mga kamay niya sa mukha niya at kinuha ang kulay puti na panyo na nasa harapan niya lang.. Napatingin ako sa mukha ni Tita, at doon ko napagtantong umiiyak pala si Tita.

Kaagad ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat. Hindi siya lumingon, yumuko lamang siya habang parang pinipilit na pigilan ang kaniyang mga luha sa pagtulo.

"Tita, tahana po.." Sabi ko sa kaniya sabay himas ng kaniyang balikat.

"Ayaw kong nakikitang nagkakagyan si Icy-masakit sa akin ang makita siyang naghihirap."Sabi niya habang umiiyak. Naaawa na din ako kay Tita.

"Tita, mas lalo po siyang mahihirapan pag nakita niya kayong ganiyan. Wag po tayong magpakita ng kahinaan sa kaniya, 'cause she needs us. Sa pagkakataong ito, tayo po ang magiging lakas ni Icy. Kung hinang-hina na siya-nandiyan tayo po tayo para palakasin siya." Sabi ko kay Tita. Sandali munang tumahimik ang paligid. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, nagsalita na si Tita.

"Tama ka, Ija."

****

Nang makatulog na si Tita ay nagdisisyon akong balikan na si Icy. Sana gising na siya para makakain na siya-ayy, oo nga pala-hangover nga pala noh.

Nang mabuksan ko na ang pinto ng kaniyang kuwarto, kaagad akong tumingin sa kama niya. Napakunot naman ang noo ko nang hindi ko nakita si Icy.

Napatingin naman ako sa balkonahe. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko siya sa balkonahe, kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Icy, gising ka na pala.." Sabi ko. Pero nanatili lang siyang nakatalikod sa akin at parang napakalalim ng iniisip niya. Parang hindi niya nararamdaman ang presence ko.

"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kaniya.

"Medyong masakit ang ulo ko." Sa wakas, humarap na rin siya sa akin. Pero pagharap niya-napakunot ulit ang noo ko at kasabay nun ay ang pagtataka.

Ba't parang walang nangyari sa kaniya? ang aliwalas ng mukha niya. Para bang... wala siyang problema na dinadala at chill na chill lang. Hindi sa ano ha?.... pero diba dapat umiiyak siya ngayon at mahahalata mo sa mukha niya na problemadong-problemado siya?
Nilapitan ko siya at agad kong chineck kung may sinat ba siya o wala.

"What are you doing?" Tanong niya sa akin.

"Chini-check kung may lagnat ka o wala." Sagot ko.

Nang makumperma kong wala siyang sinat ay agad akong lumayo sa kaniya. Haaayy.. Ano bang nainum nito sa bar? at ano din ba ang nakain nito?

"Habang nagpapakalasing ako doon sa bar-nagisip-isip muna ako. Sa gitna ng pagiisip ko, doon ko na-realize na ang hina-hina ko na pala." Sumeryoso naman ako matapos niya 'yong sabihin sa akin.

"Nang malasing na ako.. Doon ko nailabas ang lahat ng galit ko. Hindi ko na maalala kung paano ako nagwala nun sa bar. Basta ang alam ko-grabe ang galit na nailabas ko." Sabi niya habang seryoso na nakatingin sa mga mata ko.

Seryoso ko rin siyang tiningnan. Wala akong makitang lungkot sa mga mata niya, kahit na galit.. Wala.. Wait- 'yung pagalis niya pala. Tama.. buti nalang naalala ko.

Magsasalita na sana ako nang nagsalita siya ulit.

"Alam ko kung ano ang nangyari sa gang. At gusto ko na rin sabihin sa iyo ang dahilan kung bakit ako umalis kanina nang hindi nagpapaalam."

****

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon