Chapter 56: The Demon's Sweetest Revenge (1.3)

1.2K 31 0
                                    


Joshua's Pov:

Nandito kami ngayon ni Ella sa Canteen. Kumakain at pinaguusapan yung about sa projects. Wala kaming dapat ikatakot dahil palaging 90 above ang Average namin tsaka sanay na rin kami sa paggawa ng maraming projects at assignments. Pero.. Pa'no yung iba? Goodluck nalang sa kanila.

"Joshua." Biglang tawag sa akin ni Ella. Agad naman akong napaharap sa kaniya.

"Alam mo bang nagkabati na sila Icy at James?"Tanong niya. Agad kong naalala yung gago na iyon. Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa kaniya. Sinaktan niya si Icy. First time niyang magmahal at first niya rin nasaktan dahil diyan.

"Oo. Alam ko."Sagot ko. Inabot ko agad yung coke at ininom ito pero agad akong napatigil sa paginom nang may narinig kaming ingay. Halos kaming lahat ay narinig ito. Ingay ito ng paghampas ng table. Tapatingin ako sa may gawa nun at nakita ko agad ang isang babae na mukhang galit na galit. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kaharap niya si Icy.

"Ang sabi ko, TUMAYO KA DIYAN!" narinig kong sabi ng babae. Tumayo si Icy at tinitigan niya ang babae.

"Anong kailangan mo?"Mahinahong tanong ni Icy sa babae. Biglang tumawa ng malakas ang babae. Tumayo ako para harangan ang babae pero isang kamay ang agad na nagpatigil sa akin. Hinila ni Ella ang kamay ko.

"Hayaan mo lang sila."Seryosong sabi ni Ella sa Akin. Magpoprotesta na sana ako pero pinigilan niya ako. Umupo ako at pinagmasdan ko lang sila. Baka may World War na namang mangyari dito at ang kinakatakot ko ay ang makapatay si Icy sa harapan ng maraming tao. Nahihirapan siyang kontrolin ang galit niya, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para makontrol lang ito.

"Malamang, Ikaw ang kailangan ko! Walang hiya ka. Hindi mo kilala kung sino ang pinapahirapan mo! Bw*sit ka!"Narinig kong sabi ng babae. Malakas ang pagkasabi niya. Patay.. Siguradong may World War na naman na mangyari dito.

"Diba dapat nagpapasalamat ka sa akin? Ginawa ko ito para disiplinahin kayong lahat dahil masyado na kayong tamad sa pagaaral! Wala na kayong ginawa kundi ang magbulakbul."Sabi niya. Boom! Panes! Ano ka ngayon ha? Napatingin ako sa babae at parang mas lalo itong nagalit.

"You piece of sht!" Sabi ng babae at agad niyang sinampal si Icy. Napatayo ako agad at pupuntahan na sana sila nang muli akong pigilan ni Ella. Bw*sit!

"P*ta!"Mura ko.
Tumingin ako ulit kay Icy. Napahawak siya sa pisngi niya kung saan sinampal ng babae. Humarap si Icy sa babae.

"Wrong move."Sabi niya sabay ngiti na parang demonyo. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko nang makita ulit ang devil smile niya. Sht!

"P*ta! Hindi mo ako matatakot diyan sa devil Smile mo na iyan!"Sabi ng babae sabay suntok kay Icy. Agad namang sinalo ni Icy ang kamao niya sabay ikot nito. Agad namang napasigaw ang babae ng ARAY. Natawa ako agad. Halos na umiyak siya dahil sa sakit!

Agad namang binitawan ni Icy ang kamao ng babae. Pagbitaw niya, agad namang napaatras ang babae at napahawak sa kamay niya. Humarap siya kay Icy at muling sumugod. Sipa at Suntok pero puro hangin lang ang nasisipa at nasusuntok niya dahil Mabilis na umiiwas si Icy. Sumipa siya ulit at papunta ito sa binti ni Icy. Hindi umiwas si Icy, sinilo niya ito at agad niya hinila kaya na-slide agad ang babae. Binitawan ni Icy ang binti nito. Sinipa niya ang babae sa hita. Napatawa ako ng mahina nang makita kong umiiyak na pala ang babae.

"Tsk! Crying baby."Narinig ko sabi ni Icy. Napansin kong may kinukuha siya sa bulsa niya. Paglabas ng kamay ni sa bulsa niya. May bitbit itong karayom. Hinila niya ang blouse ng babae at Binuhat gamit Ang isa niyang kamay. Binuhat niya ito papunta sa isang wall. Dinikit niya agad sa wall ang babae, nakaharap ang babae at wall habang ang likod nito ay nakaharap kay Icy. Binitawan ni icy ang babae. Pagbitawa niya, hinawakan niya agad ang batok ng babae sabay tusok ng karayom sa batok. Pagkatapos niyang gawin iyon, agad niyang binitawan ang babae. Pagbitaw niya, laking gulat kong hindi ito kumikilos. Wait.. Natatandaan ko itong technique na ito. Ito yung ginagamit ni Icy para patigilin ang pagkilos ng mga kalaban niya. At yung isa ay pampatulog. Galeeenngg...

"Wag niyo siyang galawin, pag may gumalaw sa kaniya. Gagawin ko rin ang ginawa ko sa kaniya sa taong gumalaw sa kaniya. Maliwanag?"Sabi ni Icy sa amin. Nakita niya ako pati rin si Ella. Ningitian niya kami, at agad siyang umalis para kunin ang mga pagkain niya. Pagkuha niya sa pagkain niya, agad siyang umalis sa canteen.

"Ang amazing niya talaga. Type ko siya."Narinig kong sabi ng isang lalaki na nakaupo kasama ang mga kaibigan niya.

"Haist. Buti nalang, yan lang ang inabot niya."narinig kong sabi ni Ella.

-------------------

Violet's Pov:

"Mabuti't gumaling ka agad. Sisimulan na ba natin ang una nating plano?"Tanong ni Harry sa akin. Agad naman akong napangiti.

"Simulan na natin. Siguraduhin mong hindi ito agad makakaabot kay Night Demon."Sabi ko.

Maghintay ka lang, Night Demon. Dahan-dahan ka naming pababagsakin!

Icy's Pov:

6:45 PM

Pinauna ko na si James at sinabi kong wag na niya akong sunduin. Marami pa kasi akong tatapusin.

Maya-maya, nagdisisyon akong bukas nalang ito ipagpatuloy kasi gabi na eh. Chineck ko ulit ang time at nagulat ako nang malaman kong 7:15 na pala. Ang bilis ng time ah? Inayos ko muna ang mga gamit pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad kong kinuha ang susi at bag ko sa sofa. Ni-lock ko muna ang pinto at pinatay ang ilaw bago ko ito sinara. Pagtingin ko sa labas, umuulan pala. Haist! Nakalimutan kong magdala ng payong! Bw*sit!

Paglabas ko sa building ay agad akong tumakbo papunta sa Guard House. Pagkarating ko sa guard house, agad kong nilapag ang susi sa table. Wala si Manong Guard, baka naglibot-libot pa iyon.

"Hatid na kita."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Agad kong nakita si Andrew na nandito rin sa loob ng guard house. May bitbit siyang payong at basang-basa ito. Wala akong choice, ayaw kong magkasakit so...

"Okay.. "Sabi ko. Hinubad niya ang jacket Niya at binigay ito sa akin. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay niya, ang higpit ng pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko.

Mabilis kaming nakaabot sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman akong pumasok. Bago niya ito sinarado, may sinabi pa siya sa akin.

"Sorry, Icy."sabi niya at agad niyang sinarado ang pinto. Agad naman akong nagtaka. Sorry? Para saan? May kasalanan ba siyang ginawa sa akin?

---------------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon