Continuation(79)

546 16 0
                                    


Icy's Pov:

Lumakad ako nang mabilis para hindi niya ako maabutan. Dahil sa nararamdaman ko, wala na akong pake kung may mabanggan man ako o wala habang naglalakad ako. Ang importante sa akin ngayon ay ang makalayo sa kaniya at makapasok na sa hotel para hindi na niya ako guluhin.

Sa bawat taong nadadaanan ko, hindi nila maiwasang pagtinginan ako at mapakunot ang kanilang noo. Sa una, nagtataka ako kung bakit ganiyan sila makatingin sa akin, pero natandaan kong kilala pala ako ng karamihan, kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ako.

At syempre, pinagtitinginan din nila ang lalaking sunod nang sunod sa akin, yung iba nga, nabubulungan pa habang nakatingin kay James. Ganito ba ako kabilis maglakad? hindi niya nga ako naabutan eh..

"Icy....Please..Let me explain! Mali ang iniisip mo, hindi ko ginustong halikan yung babaeng 'yon!" Sigaw niya.

Habang naglakad ako, sandali akong tumingin sa likuran, at agad kong binawi ang tingin ko at tumakbo nalang. Siguro,totoo ngang wala nang sinumang lalaki ang magkakagusto sa akin, kita niyo si James? ang bilis magsawa.. Kung ano ang nakita ko, 'yun na 'yun, I don't need his f*cking explaination... Bahala siya diyan..

Mabilis akong nakarating sa harapan ng room ko, pinihit ko agad ang door knob at binuksan ito. Papasok na sana ako nang isang kamay ang biglang humila sa akin palayo sa room. Agad kong nilingon kung sino 'yon, si James.

Sinara niya ang pinto at hinarap ako. Halata sa mukha niya na hindi niya ginusto ang nangyari o hindi niya din siguro sinasadya. Pero malay natin, magaling palang umarte ang asshole na 'to.

"Please, Icy... Let me-" Agad namang naputol ang pagsasalita niya nang hindi ko napigilang suntukin siya. Agad naman siyang napaupo sa harapan ko matapos ko siyang suntukin.

"I don't need your f*cking explaination. Tapos na tayo! Ayaw ko na.. Ilang beses mo na akong sinaktan!-pero anong ginawa ko? Tinanggap pa rin kita! Nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan ulit!Tapos ano ito? ha?...GINAWA MO! kala mo hindi ko kayo mahuhuli?! mga gag* kayo! Ginagag* mo lang ako! TAPOS NA TAYO!" Sabi ko sa kaniya.. Hindi ko na napigilan ang luha ko, hindi ko namalayan na habang sinasabi ko 'yung mga salitang iyon ay tumutulo na pala ang luha ko. Pinunasan ko agad ang luha ko gamit ang daliri ko.
Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko, nakayuko at ang tahimik. Silence means yes, ginusto niya 'yon. Ginag* niya talaga ako.

"Magsama kayo ng bw*sit na waitress na 'yan!-wag na wag mong ipapakita sa akin 'yang pagmumukha mo kung ayaw mong ilibing kita nang buhay!" Banta ko sa kaniya. Nanatili lang siyang nakaluhod at nakayuko sa harapan ko.

Lumapit ako sa pinto ng room namin-pinihit ang door knob-at pumasok ako agad sa room. Hindi ko na binagsak ang pinto kasi baka magising sila.

Bago pa man ako makalayo sa pinto, narinig ko ulit ang boses niya sa labas, kaya napatigil ako at nanatili sa kinatatayuan ko.

"Icy, please! Give me a chance to explain! Bigla niya lang akong hinalikan! Please... Magusap naman tayo!" Dinig ko na sabi niya.

Binaliwala ko nalang ang sinabi niya kasi alam kong nagsisinungaling na naman siya. Kitang-kita ko kanina kung paano sila naghalikan. Sarap na sarap pa nga yung malanding 'yon! Tapos nung pinatay ko na ang flashlight ng CP ko, doon niya palang tinalak ako babae palayo sa kaniya.
Walang hiya siya! Ang akala ko, hindi na niya ako sasaktan.

Ang akala ko-I'm his first and last-but I'm wrong... Mas pinili niya pa yung malanding waitress na 'yon! Kung makatingin kay James kanina, parang hinuhubaran na niya si James sa isip niya. Malandi talaga!

Kinuha ko ang Cellphone at Headphone ko kasi naririnig ko pa rin ang boses niya. Ayaw ko nang marinig ang boses niya kasi mas lalo lang akong masasaktan.

Pinlay ko na ang music at nilakasan ko ang volume para hindi ko na marinig ang boses niya.

Ang akala ko, best summer ito. Pero mas worst pa pala ito sa inaakala ko.
Ayaw kong sirain ang kasiyahan nila, pero aalis ako dito ng maaga nang hindi nila nalalaman. Ayaw kong pigilan nila ako at tanungin kung bakit gusto kong umalis. Ayaw kong sabihin yung rason, kasi kapag sinabi ko, mas lalo lang akong nasasaktan.

Kinuha ko ang isang unan na nasa tabi ko at niyakap ko iyon. Kasabay nun ay ang pagbuhos ng luha ko. Hindi ko na napigilan, ang sakit talaga.

Kung ganito lang man... Kung panandalian lang man ang kasiyahan ko, sana hindi nalang ako binigyan ng kasiyahan. Kasi napakasakit ang manatili nang sandali ang kasiyahan sa iyo tapos bigla nalang mawawala na parang bula.

Hindi ko alam kung mamahalin ko pa ba siya o hindi.. Hindi ko alam kung iiwan ko ba siya o hindi. Sana madali sa ating lahat ang ibaon sa limot ang lahat ng memories na gusto nating kalimutan.

Mawawala din itong sakit.. Alam kong marami pang lalaki diyan sa tabi-tabi, pero sabihin na nating siya lang talaga ang nagmamayari ng puso ko. Gusto kong lumayo muna para makapagisip-isip pa ako. Mahirap at masakit sa akin ang basta-basta nalang siyang hiwalayan.

****

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon