Continuation(49)

1.2K 27 0
                                    

Icy's Pov:

Pagkadating ko sa baba, agad kong nakita ang mga bantay at iba pang member na nagmamadaling tumakbo patungo sa kanilang Motor. Agad naman silang umalis sa Arena, Hinahabol na nila yung hayop na iyon.

Nakita naman ako ng isang member na kakarating lang, Lumapit ito at binati ako. Hinihingal at pawis na pawis pa ito. Parang galing sa isang marathon. Napahawak naman ito agad sa magkabilang tuhod niya.

"Hinahabol niyo ba siya?"Tanong ko, agad naman siyang humarap at ngumiti sa akin.

"Opo. Pinadala po ako ni Miss K Dito para bantayan kayo. Sana hayaan niyo Pong bantayan ko kayo."Sabi niya. Haist, Sabi na nga ba. Nakisali ang babaeng iyon.

Napabuntong hininga ako at nilabas ang cellphone ko, Hinanap ko ang number ni Kate sa Contacts.

Nagri-ring pa ang cellphone niya, makalipas ng ilang segundo, agad naman niyang sinagot ito.

"PAULANAN NIYO NG MGA BALA!!SHT!"Dinig kong sigaw niya.

"Hey. Icy, Are you okay?"Tanong niya sa akin. Syempre naman, okay lang ako.

"Yeah. I'm okay, How's the marathon?"Pabirong tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko. Naririnig ko rin ang pagputok ng mga Baril sa kabilang linya.

"Hehe.. natapos na, nakikipagpalitan nalang kami ng Putok. At nagdala pa siya ng Backup."Sabi niya. Nakarinig ako ulit ng putok ng baril. At ngayon ay mas malakas, siya siguro ang nagpaputok.

"Good. Wag niyong patayin yung lalaking balak akong patayin. Patayin niyo lang yung mga Back up."Utos ko at agad ko siyang binabaan. Mukhang maghihintay na naman ako dito kasama ang bantay ko. Makikipag kwentuhan nalang ako sa kaniya.

"Okay na po ba kayo?"Tanong niya sa akin.

"Okay na."Sabi ko. Mukhang nahihiya pa siyang makipag usap sa akin.

Bata pa ang kasama ako ngayon. Mga nasa 15 years old, pero malakas ito. Gwapo din pero mukhang suplado.

"Sige na. Alam kong tsismoso ka. Wag ka nang mahiya."Sabi ko sa kaniya.

Agad naman siyang nagsalita. Tuloy-tuloy lang ang pakikipag-kwentuhan ko sa kaniya hanggang sa dumating sila, bitbit ang isang familiar na lalaki. So, siya nga.

----------

"Member ka ba ng gang na ito?"Kalmadong tanong ko sa kaniya.

"No.. Ispiya lang ako."Sagot niya. Napangiti naman ako sa sagot niya. Hinahamon niya talaga ako.

Nandito kami sa Dark Room, Wala nang ilaw dito maliban sa ilaw na nasa itaas ng lalaking hinuli nila. Nakatali ang kamay niya sa likuran niya, ang Paa niya ay nakatali sa upuan. Punong-puno siya ng sugat, patuloy pa rin sa pagdaloy ang dugo niya sa kaniyang noo.

"Galing ka ba kay Violet at Harry?"Tanong ko sa kaniya. Sa paglakad ko sa sulok ng room, agad kong kinuha ang bat na yari sa bakal. Alam kong magmamatigas pa ito, kaya hinanda ko na agad ang bagay na pwede kong ipanghampas sa kaniya.

"Hindi. Hindi ako galing sa kanila."Sagot niya. Napangiti naman ako, Alam kong hindi ito magagawa ng ibang gang sa Akin, dahil natatakot sila.

"Really? If it is not true, Then I will F*cking Kill you twice."Banta ko sa kaniya. Napansin ko namang kinakabahan na siya. Hindi niya talaga kilala kung sino ang kinakalaban niya.

"Again, galing ka ba kay Violet at Harry?"Tanong ko ulit. Hindi siya sumagot. Nabawasan naman ang pasensiya ko kaya agad ko siyang hinampas ng bat sa mukha. Agad mas lalong dumugo ang Noo niya.

"Last, Galing ka ba sa mga Bw*sit na iyon?!"Tanong ko ulit. Hindi siya sumagot. Nilapitan ko siya. Sabay bulong ng....

"You choose, I'll kill you Twice Or I'll Let you Die in this Goddamn Room."Sabi ko ng Pabulong.

"Pag nag-deny ka pa, Yung unang option ang gagawin ko sa iyo."Sabi ko

Napatingin ako kay Kate at hinihintay nalang niya na kunin ko ang baril ko sa kamay niya. Kinuha ko ito. Saka itinutok sa ulo ng lalaki.

Ipuputok ko na sana ang Baril nang bigla siyang nagsalita.

"OO NA!!!OO NA!! GALING AKO SA KANILA!"Sigaw niya. Good.

"Maghihiganti siya sa inyo. Gagawin niya ang lahat para lang mapabagsak kayo. Iisa-isahin niya kayo hanggang Sa-"

*Baangg..*

Hindi ko na siya pinatapos pa. Binaril ko naman siya sa Legs at sa Braso. Tumalsik naman ang Dugo niya sa damit ko pati na rin sa mukha ko. Disgusting!

Lumakad ako paalis sa harapan niya, agad kong binigay ang baril kay Kate at lumabas na sa Room.

Hindi siya magtatagumpay. Alam kong kumikilos na ngayon si Violet at Harry. Bukas na Bukas, uutusan ko ang lahat ng member ng Gang na ito na mag training ng 3 Days. Si Kate at ang Rank 1-10 na ang magbabantay sa kanila. Kasali na rin si Ella

(Kinabukasan..)

Icy's Pov:

Maaga akong nagising para kausapin si Dad about sa School. Hinanap ko agad ang number niya sa contacts ko. Pinindot ko naman ito agad nang mahanap ko ito.

"Oh, My daughter! Bakit ka napatawag?"-Dad.

"Dad, pwedeng sa akin na yung Montefalco University?"Tanong ko sa kaniya. Inabot ko agad ang Mug na May Kape sabay inum ng Kape.

"Kaya mo bang patakbuhin ng maayos ang University Natin?"Tanong ni Papa sa kabilang Linya.

"Yes. Kaya ko."Sagot ko. Narinig ko naman ang pagtawa ni Dad sa Kabilang Linya.

"Hahahha.. Okay, Aayusin ko lang muna ang kailangang ayusin. At Bukas na Bukas. Ikaw na ang Bagong nagmamay-ari ng University Natin."Sabi ni Dad. Napa-smirk naman ako.

"Thanks Dad, Bye!"At agad ko siyang binabaan. Tapos!

Pero, kailan ko kaya ipapaalam sa kanila na ako na ang bagong nagmamay-ari sa School? Hmmm.. Saka na iyan.

Agad akong Dumiretso sa kwarto ko para maligo at magbihis. Wala si Ella ngayon dahil sa Training nila. Natatandaan niyo pa ba?

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

Pagkapasok ko sa Gate, Agad akong sinalubong ni Joshua. Siya ngayon ang bodyguard ko.

Napansin kong napatingin ang ilang Students sa akin at ngumingiti din sila na parang demonyo sa akin. May plano ba sa akin ang mga tao dito?

May Something sa Tingin at ngiti nila sa akin. Parang May gagawin na naman silang kalokohan sa akin.

-------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon