Kate's Pov:Agad naman akong napahampas sa manibela at napamura ng mahina nang makita kong ang daming reporters na nakaabang sa labas ng bahay nila Icy.. Hindi ba sila naaawa sa tao? Hindi ba sila napapagod?! P*ta! Halatang ayaw magpa-interview, pinipilit pa rin!
Pinagmasdan ko ulit ang bahay nila. Si Tita, baka na-stuck siya sa loob. Agad ko namang hinanap ang number ni tita sa contacts, nang nahanap ko na ito-agad ko itong pinindot.
(Hello) -tita
"Tita, nasaan po ba kayo?"agad kong tinanong si tita. Sana wala siya ngayon sa bahay niya. Kung nasa loob man siya, kailangan kong gumawa ng paraan para mailabas siya diyan.
(Hija, wag kang magalala. Okay lang ako. Wala ako diyan sa bahay namin.) Sabi ni Tita sa kabilang linya. Agad namang kumunot ang ulo ko sa sinabi niya. Kung wala siya ngayon sa bahay nila, nasaan siya ngayon? Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
(Hija, nandito ako sa bahay ni James. Kaibigan siya ni Icy, kilala mo ba siya?) Agad naman akong natigilan sa sinabi ni Tita. Wait-tinulungan ba sila ni James?
"Ma-mabuti naman po. Stay lang po kayo diyan. Hahanapin ko lang po si Icy, Bye Po tita."-ako
(Bye, Hija. Ingat ka diyan Ha?) Agad naman niyang pinatay. Inilagay ko agad ang cellphone ko sa bulsa ko at pinatakbo ko na agad ang kotse. Pupunta ako sa school ni Icy, baka nagtatago siya sa Principal Office ng school nila at hindi makalabas dahil sa mga bw*sit na reporters!Biglang sumulpot sa isipan ko si Rare. Tawagan ko kaya si Rare at tanungin kung nandiyan ba si Icy.
Pinark ko lang muna ang kotse ko sa tabi ng daanan-kinuha ko ang cellphone ko-tinawagan si Rare.(Hello, Kate? Bakit ka napatawag?) -Rare
"Nandiyan ba si Icy sa School niya?" "Agad ko siyang tinanong. Naabutan pa ng ilang segundo bago pa siya makasagot.(Wala siya dito. Kanina pa namin siyang hinahanap pero wala talaga. Kahit na sa principal's office, wala din siya. Tinawagan mo na ba siya?) -Rare
"Oo. Pero naka-off ang cellphone niya eh."Sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
(Babalitaan ka nalang namin pag nahanap na namin si Icy.) Sabi niya.
"Okay. Bye."Agad ko siyang binabaan. Nasaan kaya si Icy? Kanina pa akong nagaalala. Baka may nangyaring masama sa kaniya..Tinignan ko ulit ang contacts. Nakita ko ang number ni James. Tatawagan ko kaya siya? O hindi? Kanina pa akong nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba siya. Wala naman siguro mawawala sa akin kung tatanungin ko siya kung nakita niya ba si Icy O hindi.
(Hello, Kate?) -James
"Nakita mo ba si Angel? "Tanong ko sa kaniya. Siguro, hindi niya pa nabalitaan ang nangyari. Ilang araw na kaya siyang nagmumukmok sa kwarto niya.
(Ahh. Si Icy ba?) Agad akong natigilan sa sinabi niya. So.. Nalaman niya pala.. Shocks!
"O-Oo. Nakita mo ba siya?"Tanong ko. Nakarinig ako ng pagtawa sa kabilang linya. May nakakatawa ba sa tinanong ko sa kaniya?
(Kasama ko siya ngayon. Wag kayong magalala. Okay lang siya, nageenjoy pa kami ngayon.) Sabi niya. A-anong nag EENJOY?
"James! Nasaan kayo ngayon? Binabalaan kita, kung ayaw mong mamatay-"
(Wala akong gagawing masama sa kaniya.) Sabi niya. Agad naman niya akong pinatayan. Walang hiyang lalaki na iyan! Tinawagan ko siya ulit pero hindi niya uto sinagot.
Tinawagan ko siya ng tinawagan pero hindi niya sinasagot. P*tanginang James na iyan!
Andrew's Pov:
Plano ko sanang magcofess agad kay Icy kaya lang wala siya dito eh. Kanina pa namin siyang hinahanap pero agad itong naputol nang oras na ng klase. Kanina pa akong hindi mapakali. Kung nasaan man si Icy ngayon, sana magingat siya. Sana.. Hindi niya kasama ngayon ni James. Alam kong mali ito pero gusto kong hindi na sila magkabati ulit, para may chance naman ako sa kaniya.
"Andrew, okay ka lang?"agad akong lumingon kay Anthony. Sinabi ko namang okay lang ako pero sa totoo lang, hindi..
Icy's Pov:
Nandito ako ngayon sa balkonahe ng tree house. Nagpapahangin lang, napapikit ako nang nalasap ko ulit ang preskong hangin dito sa itaas. Napaka payapa dito.
Agad kong binuksan ang mga mata ko nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Inilagay niya ang kaniyang ulo sa likod ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Hindi ko masabi kung gaano ba ako kasaya ngayon. Alam kong panandalian lang ito kaya sinusulit ko na ngayon. Alam kong iiwasan niya din ako pagnalaman niya kung sino ba talaga ako. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay agad niya akong aayawan. Sino ba magkakagusto sa isang mamamatay tao?
"James, pwede bang mangako ka sa akin ng tatlong beses?"
Gusto ko siyang mangako na siya sa akin ngayon palang. Hindi kasi ako sure kung kailan ako tatargetin ng mga kalaban. Narinig ko namang bumuntong hininga siya. Pagkatapos, agad siyang nagsalita.
"Ano yon?"Tanong niya. I cleared my Throat at agad nagsalita.
"Mangako ka sa akin na aalagaan mo ang sarili mo pagnawala ako sa tabi mo-mangako ka sa akin na-"Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Nanatili lang akong nakaharap sa malayo.
"Bakit?.. Aalis ka ba? Iiwan mo ba ako?"sunod-sunod na tanong niya sa akin. I bit my lips to stop my tears. Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong tahimik.
"Icy. Mahal kita, at alam mo iyon. So please, wag mo akong iwan. Gagawin ko ang lahat para manatili ka lang sa tabi ko."Sabi niya.
"James-"humarap ako sa kaniya para sabihin ang gusto kong sabihin pero hindi ko na ito nasabi nang bigla niya akong hinalikan sa labi.
Natigilan ako dahil sa ginawa niya. At nagulat din ako.
"Icy, wag mo akong iwan. Mamamatay ako pag ginawa mo iyon."Sabi niya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit, I can feel his Heartbeat, mabilis ang pagtibok ng puso niya. Ayaw ko siyang masaktan, kaya hindi ko na sinabi sa kaniya ang gusto kong sabihin.
"Pareho nating ipaglalaban ang pagiibigan natin. Wag kang bibitaw, at hindi din ako bibitaw." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Agad itong tumulo hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagtulo nito.
"Akin ka na. At iyong-Iyo na ako. "
-----------------------------
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...