Continuation:(Chapter 64)

707 17 0
                                    


Icy's Pov:

"James. Wake up. Please, Wake up."Sabi ko habang tinatapik ang basa niyang mukha, nabasa ito ng pawis. Binabangungot kasi siya, habang patuloy ako sa paggising sa kaniya, patuloy siya sa pagsasalita habang tulog.

"Icy.. No.." Sabi niya. Sa boses niya palang, alam kong nanghihina siya at natatakot. Halatang hindi maganda ang nakikita niya sa panaginip niya.
At dahil diyan,nagdisisyon akong sampalin nalang siya.

Agad ko siyang sinampal ng malakas para magising lang siya. Pagkatapos kong gawin iyon,Agad siyang nagising at napaupo sa higaan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"James, binabangungot ka."Nagaalala na sabi ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko-Niyakap din niya ako,pero mahigpit.I can feel his warm breath on my neck, pati rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
Maya-maya pa, kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya-Kumalas din siya at dahan-dahan akong tumayo para kunin ang face towel sa table. Paglapit ko sa mesa, nakita ko naman ang oras. 7:30 PM. At naka-uniform parin ako, pati din si James.
Pagtalikod ko, nadatnan ko siyang nakatingin sa akin. Kung ice cream lang ako, siguro nalusaw na ako dahil sa titig niya. Lumapit ako sa kaniya at agad kong trinapuhan ang mukha niya gamit ang face towel. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin kaya medyong hindi ako komportable.

"May masakit pa ba sa katawan mo?"Tanong ko sa kaniya habang tinatrapuhan siya sa mukha.

"Wala na."Sagot niya. Dahil sa tingin nya na nakakalusaw, binilisan ko ang pagtrapo sa mukha pati sa leeg. Maya-maya pa ay natapos na ako sa pagtrapo at agad akong tumayo pero agad niya akong hinila ng mabilis kaya mabilis akong nasubsob sa dibdib niya. Aalis na sana ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Nue ginagawa mo,James?

" H-hey?Anyari sa iyo?"Tanong ko sa kaniya. Inayos ko naman ang sarili ko. Umupo ako sa lap niya pero hindi niya pa rin ako pinapakawalan.

"Wag kang umalis sa tabi ko." Bulong niya sa akin. Hala.. Kukuha lang ako ng pagkain Eneng?Aalis agad?

"Hey,Mr. Handsome. Kukuha lang ako ng pagkain niyo. Kaya, Wag kang OA!" Sabi ko. Pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Nyare sa Lalaking ito? Epekto ba ito ng panaginip niya kanina.

"Ayaw ko. Dito ka lang." Sabi niya at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Heck!Hindi na ako makahinga!

"H-hey,I-I can't Breath!" Reklamo ko. Agad niya namang binawasan ang higpit ng pagyakap niya sa akin. Ano na namang drama ito.

"Icy. Please..Don't Leave me.." Pakiusap niya akin. Naman eh!

"Hindi kita iiwan,Ulol!" Sabi ko. Niyakap ko din siya at napapikit ako dahil masarap sa feeling.

"Icy.. Hinding-Hindi kita i-iiwan. Pangako iyan." Bulong niya. May side sa puso ko ang masaya at malungkot ngayon. Dahil alam kong malaki ang chance na i-iiwan niya rin ako sa huli.

"I love you." Biglang sabi ko. Oppsss.. Pero totoo naman,Mahal ko siya.

----------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon