Chapter 46: Feelings

1.1K 28 0
                                    


Icy's Pov:

1 week matapos nung nangyari sa akin, Patuloy kong hinahunting Yung Btch na iyon pero hindi ko siya makita..

At ang mas malala pa, Hindi na nagpakita si James matapos iyon. Kahit dito sa school ay hindi ko siya makita. Kahit anino niya, Wala.

Simula nung nawala siya, Bumalik ang dati sa lahat. Binu-bully na ako, ako na ulit ang tig-gawa ng mga assignments at projects nila at inaapi na ako ulit.

Nang pumasok ako sa Gate, agad akong nakarinig ng mga bulung-bulungan at ang iba pa ay nagpaparinig.

"Balita ko, 1 week nang wala si Papa James."-Girl 1

"Baka nag breack na sila. Kawawa naman."-Girl 2

"Buti nga sa kaniya!"-Girl 3

Hindi ko nalang sila pinansin. Tsk! Hintayin niyo lang ang araw na ako ang magiging principal dito. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang lahat ng mga pinagsasabi nila sa akin.

Napadaan ako sa harapan ng mga babaeng kanina pa akong tinitignan ng masama. Hindi ko napansin na biglang hinarang ng isa sa mga babae ang Paa niya kaya nadapa ako. Imbis na tulungan nila akong tumayo, Pinagtawanan nila ako.

Halos lahat ng mga students na napapadaan ay tumatawa sa akin.

"Tsk! Lampa kasi!"-Girl 1

"Tanga!! Bwahahahaha!!"-Girl 2

Agad akong tumayo at lumakad paalis. Haist! Kahit kailan talaga! Badtrip!! Bw*sit!!

Nang pumasok na ako sa Classroom. Agad akong umupo at napansin kong parang May iba akong naupuan.

Tumayo ako at agad akong napamura nang nakita ko kung anong naupuan ko.

"Sht!"I cursed.

Banana. Banana again! P*tangina talaga itong mga students dito!

Napatingin ako sa mga tao na nasa Classroom, nagpipigil sila ng tawa habang tumitingin sa akin.

Dali-dali kong kinuha ang bag ko para magpalit. Patakbo akong pumunta sa CR at pagkarating sa harapan ng CR.

*Splaaasshhh*

Agad akong sinalubong ng napakalamig ng tubig. At napansin kong ang dumi nito, May halo pa itong Ice Cubes.

"Para iyan sa mga losser na katulad mo!"Sabi ng babae na nagtapon sa akin ng maruming tubig.

Napayuko ako at napakoyum ang Kamay ko dahil sa galit. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na ang dapat kong gawin ay turuan na ito ng leksyon.

Napansin kong nilagpasan na niya ako. Agad kong isinara ang pinto ng CR. Sumandal ako sa Pinto at para mabawasan ang galit ko. Sinuntok ko ito ng paulit-ulit. Wala akong pake kung masugatan man ang kamao ko.

Bumalik na ang lahat sa dati. Ano kayang nangyayari kay James? Dahil ba ito sa nangyari last Week?

(5:30 PM...At the arena.)

"1....2...3...4...5...6..."

Binibilang ko ang lahat ng Daggers na tinatapon ko. Nandito ako ngayon sa isang Room kung saan ako nagpa-practice ng paggamit ng Dagger.

Ang room na ito ay punong-puno ng mga Pictures ng mga Gangsters na nakalaban ko.

Isa-isa ko itong pinatatamaan. Sa ulo nila mismo ang Target ko.

Naisip ko bigla ang paglalaban namin ni Harry dati. Habang patuloy ako sa pagtapon, binabalikan ko ang paglalaban namin.

Nang napansin kong naubos na ang mga Daggers, Doon palang ako tumigil.

Hinihingal akong napahawak sa Tuhod ko, napansin ko rin ang pagtulo ng pawis ko.

"Pupuntahan ko ba siya O Hindi?"Tanong ko sa sarili ko.

Kanina ko pa kasing balak na pumunta sa bahay ni James para kamustahin siya. Pero May pumipigil sa akin.

Pupunta ako o Hindi?

"Tsk! Bahala na.."

Agad akong lumabas sa Room at dumiretso sa CR para magbihis. Pupunta ako ngayon sa Bahay ni James kahit na pinipigilan ako ng Katawan ko.

-----------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon