Chapter 86: Red Letter

797 16 0
                                    


Icy's Pov:

Matapos 'yung nangyari kanina sa harapan ng restaurant, syempre naman pumunta ako sa ibang restaurant. 'Yung restaurant na hindi niya masasabing nandito ako, kumakain-ganon.

Magisa lang akong kumakain dito sa isang table na nasa tabi ng glass wall na nasa sulok. 'Yung hindi ako mapapansin ng mga taong kumakain dito.

Habang kumakain ako, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Napatingin naman ako sa phone ko na nakapatong lang sa lamesa. Naka-flash sa screen nito ang pangalang Ella. Binitawan ko muna 'yung mga kubyertos bago ko sinagot ang tawag niya.

"Oh.. Hi, Ella." Bati ko sa kaniya.

"Hi, nasaan ka? Pwede ka bang makausap?" Tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Tungkol saan ang paguusapan natin?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Basta.. Nasaan ka?" Muling tanong niya sa akin.

Dahil free naman ako ngayon at lumamig na ang ulo ko-sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako ngayon.

Matapos kong masabi ang lokasyon ko ngayon, binabaan ko siya agad nang hindi man lang nagpapaalam. Gutom pa kasi ako at hindi ko natiis ang pagkain kanina. Pasensiya na, Ella. Hindi mo ako masisisi.

Nang naubos ko na ang pagkain ko ay tinawag ko na ang waiter ng restaurant para um-order ulit ng dalawang coffee at para malinis na rin ang mga kalat na nasa harapan ko.

Nang malinis na ang lamesa at nasa harapan ko na narin ang dalawang coffee na in-order ko kanina ay saktong dumating na si Ella. Umupo naman siya sa harapan ko at inabot ko naman sa kaniya ang coffee, tinanggap naman niya.

"Kaya naman pala binabaan mo ako kanina agad, hindi mo na naman natiis ang pagkain na nasa harapan mo." Sabi niya.

"Tungkol saan ang paguusapan natin?" Seryoso na tanong ko sa kaniya.

"Tungkol kay James." Agad naman akong natigilan. Kanina, James-Ngayon James na naman?!

"Umalis ka nalang sa harapan ko kung si James lang ang paguusapan natin." Sabi ko sa kaniya. Inabot ko ang coffee at ininum ito.

"Icy, totoo ang sinasabi niya. 'Yung babae ang may kasalanan, hindi siya!" Pati ba naman ikaw, Ella?

"Magsama kayo.. Umalis ka na." Sabi ko...

"Icy, may ebidensiya ako." Napakurap naman ako ng ilang beses bago ako nagsalita ulit. Ayaw kong makinig sa kaniya, pero parang gustong makinig ng mga tenga ko sa kaniya, pati sarili ko, tinutulak ako para makinig sa kaniya.

"Magsalita ka na." Wala sa sarili na sabi ko sa kaniya. Matapos kong sabihin 'yon sa kaniya ay agad na siyang nagsalita.

"Icy, Alam mong hindi ka bastang-basta ipagpapalit ni James sa kahit kanino. 'Yung gabing nakita mo sila alam mo na.. 'Yung babae talaga ang may kakagawan nun, obvious naman na sinundan niya si James sa secret lagoon na 'yun. Ayon sa spy ko, matagal nang may gusto 'yung waitress na 'yon kay James. Kaya ganun siya ka-patay na patay kay James. Icy, sa maniwala ka o hindi-hindi talaga si James ang may kasalanan dito.. At wala siyang kaalam-alam na sinundan siya nung babaeng 'yon doon sa lagood." Sandaling naputol ang pagsasalita niya dahil nay kinuha siya sa sling bag niya-cellphone.

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon