Chapter 61: The Date

744 20 0
                                    

Icy's Pov:

Nandito ako ngayon sa office, busy sa pagsasagot ng mga quizzes kasama ang teacher ko sa Math. Dapat tinuturuan nila ako ngayon pero dahil sa schedule nila, sinabi kong tuturuan ko nalang ang sarili ko. Pag-ready na ako, ihahatid nila ng isa sa mga teacher ko ang mga quizzes. Habang busy ako sa pagsasagot, biglang nagsalita si Ma'am Mary.

"Ms. Montefalco, okay lang ba sa iyo ang mga trabaho dito sa office? Kaya mo pa ba?"Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Kaya ko po. Tsaka, gusto ko po ang ginagawa ko."Sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin sa kaniya at naka-focus lang ako sa mga sinasagutan ko.

"Nga pala. Boyfriend mo ba si James Santos?"Bigla akong napatigil sa pagsusulat ng sagot at agad namang nag-flashback sa isipan ko ang nangyari kagabi.

"Napapansin ko kasing ang sweet-sweet niyo, palagi kayong magkasama, palagi kayong magkahawak kamay. Kayo ba talaga?"-Teacher.

Hindi ako nakasagot ng ilang sigundo dahil hindi pa-nagsisink in sa akin ang tinanong niya. Nang magsink in ito sa isipan ko, agad akong sumagot.

"Hindi po. Sadyang close lang po kami.. "Cold na sagot ko sa kaniya. Bumalik naman ako ulit sa pagsasagot sa quiz. Mabait si Teacher Mary kaya hindi ko siya kayang bastusin. Ang kaya ko lang bastusin dito ay ang teacher ko sa English at Values. Pa'no ba naman, iniinsulto ako ng mga teacher na iyon kaya hindi ko na napipigilan ang sarili ko na sagutin sila. Nakakabw*sit kasi.

"Weeehhh.. Alam mo bang napapansin din ito ng ibang students? Palaging kayo ang pinaguusapan. Naririnig ko ang usapan ng iba sa tuwing dumadaan ako sa harapan nila. Maraming gusto kay James para sa iyo. At ang iba naman, galit na galit."Narinig ko na sabi niya. Ows? Insfairness huh? Nasasanay na sila sa akin. Kahit na pinapahirapan ko sila, marami pa rin ang gumagalang sa akin. At napapansin ko na rin na wala nang kahit isang babae na lumalapit kay James. Dati, marami. Dikit nang dikit sa kaniya, lumalandi din. Ngayon, kahit isa, wala nang gumaganyan sa kaniya. Kung may makita man akong babaeng lumalapit sa future Husband ko, patay talaga yun sa akin.

"Hmm... Wala po akong pake."Sabi ko nang walang tumitingin sa kaniya. Narinig ko namang tumawa si teacher Mary.

"Hahaha.. Alam kong may something sa inyong dalawa. Wag na kayong magsayang ng panahon. Life is short kaya sulitin at pagsamantalahan mo na ang bawat pagkakataon na nakakasama mo siya."

-----

Icy's Pov:

Habang nilalasap ko ang preskong hangin ng gabi dito sa roof top ng Arena ay paulit-ulit sa isipan ko yung sinabi ni Teacher Mary kanina.

"Hahaha.. Alam kong may something sa inyong dalawa. Wag na kayong magsayang ng panahon. Life is short kaya sulitin at pagsamantalahan mo na ang bawat pagkakataon na nakakasama mo siya."

Ayan ang sinabi ni Teacher Mary. Hayy.. Icy, ano bang gagawin mo? Kaninang magkasama kayo ni James, wala ni isa sa inyo ang kumikibo. Kaninang dinadalhan ka ng pagkain, hindi mo siya pinapansin. Tinititigan ka niya at nginingitian tapos ikaw? Hindi mo lang pinapansin! Hindi ka ba naaawa sa kaniya?!

Bumuntong hininga ako dahil sa ginawa ko kanina. Napayakap ako sa legs ko at sinubsob ko ang mukha ko dito. Habang niwagayway ng hangin ang buhok ko, iniisip ko kung anong gagawin ko sa kaniya.. Mahal ko siya, mahal niya rin ako ako. Bakit pa namin papatagalin ito? Tsaka alam kong hindi ako iiwan ni James. Pero pag nalaman niya kung sino talaga ako, 50% lang ang chance na hindi niya ako iiwan.

Mamamatay tao ako? Sino bang may gusto sa isang mamamatay tao na katulad ko? Wala diba? Ang mas malala pa, ako ang pinakapanganib na tao. Pag-once na lumapit ka sa akin, at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Swear, hindi ka tatagal ng ilang days sa tabi ko, mababalitaan ko nalang na natagpuan ka nilang patay sa isang place.

Doon ako nag-woworry. Nag-woworry ako sa kaligtasan ni James. Pero pinapangako ko, ipagtatanggol ko siya. Dadaan muna sila sa akin, bago nila saktan si James.

------

James's Pov:

Kanina ko pang napapansin na iniiwasan niya ako. Dahil ba ito sa nangyari kagabi? Nasasaktan tuloy ako sa tuwing binabaliwala niya lang ako. Kausapin ko kaya siya. At kailangan ko ng tulong ng bff niya. Kaya, tinext ko siya. Pumayag naman siya sa gusto kong mangyari kaya time na para magbihis.. Sisiguraduhin kong mapapatawad niya ako agad sa kasalanan na nagawa ko, kung ano man yun.

Fastforward

Mabilis kong pinatakbo ang kotse para mabilis akong makaabot doon. Hindi naman traffic kaya sure akong hindi ako maaaksidente.

Matapos ng ilang minuto ng pagda-drive ay sa wakas, nasa harapan na ako ng bahay ni Kate. Bumaba ako ng kotse at binuksan ang gate. Pipihitin ko na sana ang Door knob nang may marinig akong naguusap sa loob.

"Kate, anong gagawin natin dito?"Si Icy yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Nandito nga siya.

"Basta.. Stay lang muna tayo dito."Si Kate iyan. Binuksan ko na ang pinto at agad ko silang nakita na nakaupo sa sofa. Nakita din nila ako, nanlaki naman ang mga mata ni Icy habang si Kate ay nakangiti lang sa akin.

"Kate, Ano ito?"Tanong ni Icy kay Kate sabay tingin sa kaniya.

"Sorry, Icy. Pero kailangan mong kausapin si James." nakangiti na sabi ni Kate kay Icy. Kita ko naman sa mga mata ni Icy ang inis.

"P*ta!"Narinig ko na mura ni Icy. Hindi na ako tumunganga pa, lumapit ako sa kaniya at hinila siya palabas sa bahay.

"Ano ba! James! Bitiwan mo nga ako!"Sabi niya. Nagpatuloy lang ako sa paghila sa kaniya hanggang sa makaabot kami sa harapan ng pintuan ng passenger seat. Hindi ko pa rin binibitawan si Icy, binuksan ko ito at naghintay na pumasok siya sa loob pero napansin kong ayaw niyang pumasok.

"Get in."-Ako

"Ayaw ko."Sabi niya.

"Icy, please.. Magusap naman tayo."Pakiusap ko sa kaniya.

"Ano na naman ang paguusapan natin?"Tanong niya.

"Sige na.. Pumayag ka na, magsosorry lang ako. At maguusap lang tayo."Sabi ko. She rolled her Eyes on me at pumasok na sa loob. Agad ko namang sinara ang pinto at dali-daling pumasok din sa kotse. Pagpasok ko, agad ko itong pinaandar at pinatakbo.

--------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon