Chapter 81: Falling Down

604 14 0
                                    


Kate's Pov:

Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagtulo, ni hindi na nga ako maka-focus sa pagda-drive kaya nga muntik na akong mabangga kanina.

Nung nalaman ko kung anong nangyari sa ibang members ng gang namin na nagbakasyon, parang tumigil ang oras at parang paulit-ulit akong sinaksak sa puso ko.

Sinampal ko ang sarili ko para magising ko ang sarili ko sa isang bangungot, pero totoo ang lahat. Paulit-ulit ko silang tinanung kung totoo ba ang sinasabi nila- Habang umiiyak ako sa harapan nila, paulit-ulit kong niyugyog si Destroyer habang paulit-ulit ko siyang tinatanong kung totoo ba ang sinasabi niya.Hindi siya makasagot. Wala silang nagawa, kundi ang tingnan ako na umiiyak sa harapan nila.

Hindi ko alam kung anong status na ng itsura ko kaso kanina pa akong umiiyak. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela.
Dahil hindi ako maka-focus, tumabi muna ako sa daanan. Pagpatay ko ng makina ng sasakyan, doon ko binuhos ang lahat ng luha ko. Halos mapaos na nga ako sa kakasigaw dito sa loob ng sasakyan.

Paano nalang kaya si Icy? Nagaalala ako sa reaction niya. Baka hindi niya kayanin ang nalaman niya.

Hindi nga niya kakayanin na mamatay ang isang member, ito pa kaya na kalahati sa member ang pinatay habang nagbabakasyon sila. Talagang pinagsamantalahan ng kalaban ang pagkakataong ito.

"TANDAAN NIYO ITONG MGA HAYOP KAYO! HINDING-HINDI NAMIN KAYO HAHAYAANG MABUHAY PA SA MUNDONG ITO!" Sigaw ko. Binuhos ko ang galit ko sa paghampas sa manibela.

Alam ko kung sino ang gumawa nito... Walang iba kundi yung dalawang p*tangina na 'yun!-si Violet at Harry!
Matapos ang ilang minuto, unti-unti akong kumalma at yung luha ko ay unti-unti na ring natutuyo. Nang kumalma na ako, saka palang ako ulit nag-drive.

Tumingin muna ako sa relo ko, 1:30 PM na pala.

Ngayon, dalawang lugar ang maaaring puntahan ni Icy-'yun ay ang bahay nila at sa school niya.
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako sa biglaang pagalis ni Icy, at hindi pa siya nagpaalam ha? pero, parang may mali eh..

Hindi ko maiwasang isipin ang boses na narinig ko kagabi. Boses na punong-puno ng lungkot at galit, at halatang umiiyak ang nagmamayari ng boses na 'yun...

" Walang hiya ka! matapos kitang patawarin at mahalin- 'yan ang igaganti mo sa akin?! tarantado ka talagang hayop ka!"

At ang unang tao na sa tingin ko ay nagmamayari ng boses na 'yun ay si Icy. Hindi ako sigurado..

Naalimpungatan kasi ako sa boses na iyon at halos hindi ko malaman kung sino ang nagmamayari ng boses na 'yun kasi masakit ang ulo ko at sasarado na naman ulit ang mga mata ko nun.

Kung si Icy man 'yun, sino naman 'yung tinutukoy niya? kung sino man ang taong tinutukoy niya, baka 'yun ang dahilan ng pagalis niya kanina.
Una kong pinintahan ang bahay nila, nang tinanung ko si Tita kung umuwi na ba si Icy-sinabi niyang wala pa. Napakamot naman ako sa batok ko.. Sana nasa school 'yun... Nagpaalam muna ako kay Tita at sinabi siyang tawagan niya ako kung nakita na niya si Icy.

At sa Montefalco University naman- agad akong dumiretso sa principal's office, ini-expect ko talaga na nasa loob siya ng kaniyang office.

Nagtatrabaho, pero wala. Tanging ang madilim at malinis lang na office ang nakita ko, walang Icy. Haaayy, saan na naman kaya 'yun pumunta?

"Icy, where are you?"

***

Kung saan-saan ko na siya hinahanap at ngayon ay pagod na pagod na ako.. Nagaalala na ako sa kaniya, nasaan na kaya si Icy? Ba't hindi ko siya makita.

Napadaan naman ako sa harapan ng isang bar na pagmamayari ng tiyuhin ni Icy. Grabe, araw-araw may party dito at ang rami nilang costumer kahit na may araw pa... Pero lalo na kung gabi, mas rarami ang mga tao dito.

Tumigil ako sa daanan na medyong malayo sa bar, at nagdisisyon na akong tawagin si Joshua.

"Oh? nakita mo na ba si Icy?" Agad na tanong niya sa akin matapos niyang sagutin ang tawag ko.

"Wala pa.. Nagaalala na nga ako eh, hindi ko siya makita.. Kung saan-saan ko na siya hinahanap, pero wala pa rin." Nagaalala na sabi ko kay Joshua. Narinig ko naman ang pag-buntong-hininga niya sa kabilang linya, at sa pag-buntong-hininga niya malalaman mo nang nagaalala din siya.

"That devil, siguro may nangyaring masama sa kaniya.." Nagaalala na sabi niya. Imposible naman 'yan, kung marami ang kalaban niya, kaya niyang lumaban at tumakas. Pero pwedeng pinagtulungan siya at-

"Joshua, I think-" naputol naman ang pagsasalita ko nang isang mapatingin ako sa mga taong lumalakad palaalis ng bar ng tiyuhin ni Icy. At parang takot na takot pa sila huh?.. Napakurap naman ako nang isang bote ang biglang lumabas sa entrance, muntik pang matamaan ang isang kuya, buti nalang hindi siya natamaan. As expected, nabasag ang bote at nagkalat sa sahig ang mga bubog, kaya todo ingat at iwas ang mga taong dumadaan sa entrance, nagkalat kasi sa harapan ng entrace 'yung mva bubog.

Dahil may pagka-tsismosa ako, lumabas ako sa kotse at naglakad palapit sa bar para malaman kung anong nangyayari.

Nilapitan ko agad 'yung babaeng kakalabas lang ng bar, aalis na sana siya nang kinuhit ko siya.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kaniya. Medyong lumayo muna kami para hindi kami matamaan ng bote.

"Si Icy M-Montefalco.. Nagwawala sa loob.. Nakakatakot siya, wag ka nang pumasok.." Sabi niya sa akin, agad namang umalis si Ate.

Si Icy? Nandito siya?! Ano na naman ang nangyayari sa kaniya? bakit siya nagwawala?!

Hindi na ako tumunganga pa, walang pagaalinlangan akong pumasok sa loob. Pagpasok ko-tumambag sa akin ang mga kalat. Jusme! parang dinaanan ng bagyo ang bar na 'to!

"PAPATAYIN KO KAYO PAG HINDI KAYO UMALIS DITO!" Si Icy 'yun. Bakit dito pa siya nagwala? at... Ugh! pasaway talaga 'yang babaeng 'yan!... Agad kong sinundan ang boses na 'yun hanggang sa makatating ako sa isang VIP room.

*****

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon