Chapter 82: Fear

598 18 0
                                    


Ella's Pov:

Alam ko na kung ano talaga ang nangyayari-pero hindi pa ako kumbinsido. Kinausap ko si James kanina kasi parang may hindi siya sinasabi sa amin.

Nung una, nag-deny siya na wala siyang alam o hindi niya alam kung nasaan si Icy at bakit siya umalis agad nang hindi man lang nagpapaalam.Kinulit ko siya nang kinulit, hanggang sa nainis siya at nadulas. Alam niyang ayaw ko sa mga sinungaling kaya wala siyang choice kundi ang sabihin sa akin 'yung hindi ko nalalaman.

Nung una, nagalit ako sa kaniya, muntik ko pa nga siyang sapakin kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Sinabi niya lahat. Nung bigla siyang hinalikan ng malanding babaeng 'yun, ang biglang pagdating ni Icy, pagiwas niya kay James, ang hindi pagkinig sa panig ni James at ang pagalis niya nang hindi man lang nagpapaalam.

Hindi ko nga alam kung kaysino ako papanig, kay Icy ba o kay James? Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang totoo.. Hindi ako agad maniniwala pag wala pang ebidensiyang magpapatunay na totoo 'yun.

At para malaman ang totoo- balak kong kausapin ang malanding babaeng 'yun. Gusto kong manggaling mismo sa bunganga niya ang totoong nangyari.

Ngayon, papunta ako sa restaurant kung saan siya nagtatrabaho, umalis kasi kami kanina sa beach at hindi natuloy ang pagsasaya namin dahil nagaalala kami kay Icy. Ganiyan namin ka-mahal si Icy, pwera nalang kay James-hindi ako sure kung mahal niya pa ba si Icy..

At nandito na ako sa harapan ng restaurant, pinark ko muna ang kotse ko bago pumasok sa restaurant.
Makikita mo ang looban ng restaurant kahit hindi ka pa nakakapasok dahil sa glass wall. Konti lang naman ang customer nila, ang iba ay may kasamang kumain habang ang iba ay mag-isa lang, so sad..

Pagpasok ko palang sa restaurant ay agad namang hinanap ng mga mata ko ang babaeng 'yun.

Napatingin naman ako sa sulok kung saan may isang table na may naguusap na babae at lalaki, may isang babaeng nagser-serve ng pagkain nila habang busy ang dalawang customer sa paguusap. Naningkit naman ang mga mata ko nang parang familiar sa akin ang haba at kulay ng buhok niya.

Nakatalikod mula sa akin ang waitress, hinintay ko na matapos siya sa pagser-serve. Nang matapos na siya, doon ko palang nalaman na siya 'yung babaeng hinahanap ko.

Nagmadali naman akong lumakad papunta sa kaniya bago pa man siya makapasok sa kusina ng restaurant.
Bubuksan na niya sana ang pinto nang hawakan ko siya sa pulso nang mahigpit, hindi ko na napigilan ang sarili ko na manggigil sa kaniya. Sino ba naman ang hindi manggigigil sa isang malanding kagaya niya?

Humarap siya sa akin at biglang kumunot ang noo niya, tinaasan pa ako ng kilay sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Kilala ba kita?"Kunot noong tanong niya. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa pulso niya.

"Sumama ka sa akin kung ayaw mong mamatay nang maaga." Banta ko sa kaniya sabay hila sa kaniya. Binawi naman niya ang kamay niya sa akin matapos ko siyang hilahin.

"At sino ka para pagbantaan ako? hindi mo ba ako kilala? ako ang future wife ni James-" Pinutol ko na ang pagsasalita niya dahil kapag tinuloy niya pa 'yan, baka makapatay pa ako ng tao sa harapan ng maraming tao.

"B*tch, I know your information. Kaya kapag hindi mo itikum 'yang bunganga mo at hindi ka sumama sa akin- magugulat ka nalang at naging abo ma ang pamilya mo." Sabi ko sa kaniya sabay smirk at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon