Third Person's Pov:Habang papunta si Icy sa Coffee shop na katabi lamang ng School nila. May hindi maipaliwanag na kaba siyang naramdaman, Ni hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.
"There's Something Wrong."Bulong nito sa sarili niya.
Sa kabilang banda, Hinihintay siya ng dalawa niyang kaibigan sa Coffee shop, Seryoso silang nag-uusap at halos na hindi mo Sila agad-agad mapapatawa dahil sa sobrang seryoso ng kanilang usapan.
"Alam mo, Andrew. Hindi ako makapaniwala na may tinatago pala siyang personality."Sabi ni Rare nang hindi nakatingin kay Andrew kundi sa kapeng kanina niya pang pinaglalaruan gamit ang kutsara.
"Ako din nga eh, pero wag muna tayo masyadong umasa. Baka May gusto lang manira sa kaniya. Alam mo naman siguro na maraming galit sa kaniya sa school noh?"Sabi ni Andrew habang nakatingin sa kawalan. Tila nahihirapan siyang I sink in sa utak niya ang nadiskobre niya.
"Pero. Iba ang nararamdaman ko. Parang totoo eh."Sabi ni Rare na May kasamang kaba at pagaalala.
Dalawa silang nagaalala sa Kaligtasan ni Angel at sa mararamdaman ni James kung malaman man niya ang totoo. Wala silang kaalam-alam na hindi lang siya basta gangster, Kundi isang Gangster Queen na kinatatakutan nila at iniibig din Ni James.
'Ano kayang magiging Reaction ni James pag nalaman niya ang totoo?' tanong ni Andrew sa kaniyang isipan.
'Patay.'Sabi ni Rare sa Isip niya at parang nagising sila sa isang bangungot nang dumating si Icy. Hindi nila namalayang nakaupo na pala ito sa harapan nila at nakangiti pa.
"A-Angel. Ahhmm.. h-hehe, Pasensiya na kung hindi ka namin n-napansin😄"utal-utal na sabi ni Rare kay Angel.
"Okay lang. Nga pala, anong paguusapan natin?"Tanong niya, hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang ngiti.
Biglang napayuko ang dalawa at parang aatras na ito pero wala nang atrasan, Sabi nila sa isipan nila dahil nasa harapan na nila ang babaeng inaakala nilang ubod ng bait at inaakala nilang normal lang na babae.
"A-Angel. Gusto ka sana naming tanungin."Sabi ni Andrew sa kaniya at humarap agad sa babaeng nasa harapan nila.
"Gangster ka ba?"Biglang tanong ni Rare at agad namang siniko ni Andrew si Rare.
Napakunot naman ang noo ni Icy sa tinanong ni Rare. Biglang sumeryoso ang mukha niya at tinitigan silang dalawa na parang bang gustong patayin.
'F*ck this Sh*t! Sabi na nga ba, mangyayari ito!' sabi ni Icy sa isip niya at agad na ngumiti at pilit na gawing inosente ang mukha niya para hindi mahalata.
"Huh?😄 Ako? Gangster? Oh come on guys, Ito ba talaga ang dahilan kung bakit pinapunta niyo ako dito?"Patawang sabi niya sa kanila, pero sa totoo lang ay halos na gusto na niyang hampasin ang Lamesa dahil sa tinanong ni Rare sa kaniya. Bigla siyang nainis pagkatapos itanong ito ni Rare sa kaniya. At nainis din siya sa sarili niya kung bakit nagpabaya siya, at hindi masyadong nag-iingat sa bawat kilos niya.
"Angel, Hindi kami nagbibiro."Seryosong sabi Ni Andrew at biglang sumeryoso ang atmosphere na nakapaligid sa kaniya, Namuno ang katahimikan sa kanila ng ilang segundo at agad itong sinira ni Andrew.
"Alam naming magde-deny ka, at alam din namin na magtatanong ka kung May ebidensiya kami.. wag ka nang mag-deny, Night Demon. Dahil May Ebidensiya kami!"Medyong tumaas ang boses ni Andrew kaya agad itong pinigilan ni Rare.
"Angel. Ano yung narinig ni Andrew? Yung about sa gangster Business. At May nakita din akong baril at mask na sinusuot ng lider ng Hell Chasers, Anong ibig sabihin nun?"Seryosong sabi ni Rare kay Icy
'sht!' napamura si Icy sa isipan niya nang sinabi ni Rare iyon. Nawala ang kaba nito, at ngayon. Ang namumuno sa kaniya ay inis sa sarili at sa kanila.
"Here's our Evidence."Sabi ni Rare at agad na kinuha ang cellphone sa Bulsa niya. Agad niyang pinakita ang picture ng Baril at Panyo na nasa bag ni Icy at May dugo pa ito.
Tumingin si Icy pero agad siyang umiwas ng tingin dahil gusto na niyang itapon ang cellphone ni Rare pero nagpipigil lang ito.
"Angel. Alam naming marami ang galit sa iyo pero sino ba naman ang magdadala ng Baril sa school, araw-araw na chinicheck ng guard ang mga Bags natin at napapansin ko rin na paminsan nakakalagpas ka. Sayo ba talaga iyon? Ikaw ba talaga si Night Demon?"Sabi ni Andrew kay Icy pero tahimik pa rin ito at nakacross na ang mga kamay nito. Ito ang sign na napipikon na siya at gusto nang umalis pero hindi pwede dahil mas lalo nilang mahahalata na siya nga ang Gangster queen.
"I-impo-"Biglang napatigil si Icy nang biglang nagsalita si Rare.
"Wag ka nang mag deny.. Gangster ka ba?"Sabi ni Rare.
'tsk! Fine! And I guess they will keep it as a F*cking secret!'Sabi Ni Icy. Humarap ito sa kanila at binigyan sila ng isang ngiti. Isang ngiti na nakakatakot, isang ngiti na palagi niyang pinapakita sa mga kalaban niya. Nagsitayuan ang kanilang mga balahibo at parang gusto nang tumakbo sa babaeng kaharap nila.
"Bravo! Good job you F*cking B*tches!"Sabi Niya sabay tayo at pumalakpak pero hindi parin nawawala ang malademoyong ngiti sa labi niya.
"F*ck!"Mura ni Rare at napatayo sabay atras kaya umatras ang upuan, pati din si Andrew.
"So, Anong masasabi niyo? Nasa harapan niyo na ang Gangster Queen na inii-stalk niyo pa dati. And Yes, I'm Night Demon."Walang imosyon pero nasa labi niya parin ang ngiti niya na dahilan ng pagtayo ng balahibo nila.
"So, it's true."Sabi ni Andrew.
---------
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...