Continuation(35)

1.2K 37 0
                                    


James's Pov:

'5:30 PM'

Nasaan na ba yung babaeng iyon?? Bakit ang tagal!! Sabi niya, 5 PM nandito na siya tapos 30 minutes siyang late?? ano yan??

Baka may nangyari sa kaniya.. Baka dinumog na naman siya ni Nica.

Dali-dali akong tumayo para lumabas at sunduin siya pero biglang tumunog ang Door Bell..

Nasa likuran na ako ng pintuan at bubuksan ko na sana ito.. May nabuong kalokohan sa isipan ko..

Nagtago ako sa Ilalim ng lamesa na hindi kalayuan sa Sofa kung saan siya palaging umuupo, pero di naman ako makita..

Dali-Dali kong kinuha ang wig at nagtago agad sa ilalim ng lamesa at saktong bumukas ang pintuan..

Nakita ko siyang pagod na pagod, Pagbagsak siyang umupo sa sofa.. Sinuot ko ang wig at dahan-dahan na gumapang palabas..
Hindi niya napansin na Gumagapang si Sadako papunta sa kaniya😂😂 Sure akong ang epic ng reaction niya pagginulat ko siya.

Nakita ko siyang nakapikit at nakaupo ng maayos sa Sofa, Tumayo naman ako aaattt..

"waaaahhhh!!!"Sigaw ko.

"Aaaaahhhhhh!!!"-Siya

Nagulat ako ng bigla niya akong sinipa sa mukha at sinuntok sa Tiyan.. Napaupo naman ako sa sahig at sisipain niya sana ako ulit ng makita niya ang mukha ko..

"A-a-araayy!! Naman oh!! ang brutal mo!!"Sabi ko. Halatang nainis siya sa ginawa ko😂😂 Sino bang hindi maiinis sa ginawa ko..Tae, kung hindi ko lang pinakita ang mukha ko, malamang kanina niya pa akong pinatay😂

"Damn!! James!!! Muntik na kitang mapatay dahil diyan sa kalokohan mo!! Ano bang napasok sa kokote mo! Ha!!"Sabi niya.

Tinulungan niya akong tumayo pagkatapos hinila niya ako paupo sa Sofa..

"Sorry kung late ako, pero may pupuntahan pa ako.."-Siya

Agad siyang umalis, Langya itong babaeng ito!! Di lang man nagpaalam at nagflying kiss sa akin.. Wait, Did I say— Aaarrrggg!!! ano bang iniisip ko??!

Icy's Pov:( Arena.. 6:30 PM)

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa Killing Room, nahuli na daw nila yung bumugbog sa akin pero isa lang daw..

Pagkarating ko sa harapan ng Killing Room..

"Ahahahahahahaha!!!! Wala kayong makukuha sa akin!!!! MGA BALLLIIIIIWWWW!!!!"

Tsk! Wag nilang sabihing may tama sa kokote ang nahuli nila.. Kung May tama iyan sa kokote, Siguro, Hindi yan tatagal ng 15 minutes sa akin.. Or Ten minutes kasi madali lang maubos ang pasensiya ko.. Hinahabaan ko lang ang pasensiya ko sa tuwing may mangbubully sa akin pero iba na dito.. Kilala akong may maikli na pasensiya, brutal,Suplada at walang puso..

Agad kong binuksan ang pintuan at napatingin naman sila sa akin.. Sila Ella, Kate at  ang mga nakahuli lang naman ang nandito..

Nakita ko ang reaction nila, bat parang natatakot sila??

Napatingin ako sa lalaki na nasa gitna ng Ilaw,isa lang ang puting ilaw at karamihan ay Red na ilaw..

Lumapit ako sa Lalaki, Parang may tama siya sa Kokote, kahit na naka blind Fold siya..

"Sino-Ang-Boss-Mo?"Tanong ko sa kaniya pero tumawa lang siya ng malakas, Walanghiya itong baliw na ito ahh?? Tinawanan lang ako?

"Ahahahahahahaha!!! Si Baki!!! si Baki!!!!"Sigaw niya na parang isang baliw..

Tumalikod naman ako sa kaniya at huminga ng malalim, naiinis kasi ako..

Pagkaharap ko, biglang lumapit si Kate sa akin..

"Pinainom daw siya ng Isang Pills, Isang klase ng Pills na pwede kang mabaliw.. Parang may nagpainom sa kaniya o parang ininum niya yun.." Bulong niya sa akin. agad naman siyang umalis..

Binalik ko ang attensiyon ko sa lalaki..

"Who's Your Boss?? Gusto mong i-translate ko pa??? Sino-ang-boss-mo!!!??"-ako

Tumawa lang siya ulit.. Isang tanong na lang at pagtinawanan niya lang ako, Ewan ko nalang..

"I'll ask you again, Who—" Napatigil ako sa pagtanong nang bigla niya akong duraan sa Mukha at agad siyang tumawa..

Nagulat naman sila sa ginawa ng lalaki at kitang-kita ko sa mga mata nila ang takot.. Alam na nila kung anong mangyayari pagnagalit ako at sa oras na magalit ako, Parang gusto ko nang sirain ang isang Room..

"Masarap??? Masarap?? Yeah!!! Masarap ang laway ko—"

*Bang...bang...Bang...Bang..Bang..*

Sunod-sunod na bala ang natanggap niya sa akin, sa sobrang galit ko.. Hindi ko namalayang halos na maging tae na ang katawan na nasa harapan ko..

Nang naubusan na ako ng bala, Tunapon ko ang baril sa Sulok ng Room..

"HANAPIN NIYO ANG NGA TAONG IPAPAHANAP SA INYO NI KATE!! KUNG HINDI NIYO NAHANAP, I WILL PUNISH YOU ALL!!!"-ako

Oo, silang lahat.. Kayang-kaya kong gawin iyan sa kanila.. kagaya ng nangyari last Year, Pinalinis ko sila ng buong arena in 5 hours, Kung hindi nila inayos at natapos. Mas malala pa diyan ang sunod kong punishment..

"Kate, Ihanda mo na sila.. Ngayon na natin sasakupin ang Black Fox. I measure mo kung ilan ang kukunin natin kasi nakalimutan ko.."Dugtong ko pa at lumabas na para linisin ang sarili ko.. Goodness!! ang baho ng laway!!!

Magiging masaya ito😈 And, Goodluck for Mica and Her Gang kung makakaligtas sila😀😈😈

-------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon