Continuation(70)

664 15 0
                                    


Rare's Pov:

So.. Nalaman na pala ni Drey kung sino siya. Pero paano? Paano niya nalaman.

"How did you know?" Seryoso na tanong ko sa kaniya.

"Ganito iyan. That night, Kailangan kong pumunta sa bahay ng Tita ko. The only way para makarating sa bahay nila Tita ay dumaan sa Teritoryo ng mga Gangster." P*ta! Seryoso?! Buti nalang walang nangyaring masama sa kaniya.

"The F*ck, Bro?! Buti nalang walang nangyaring masama sa iyo!" Gulat na sabi ni Andrew.

"Yeah, Buti nalang. At nang nalagpasan ko na ang Arena ni Night Demon at Madadaanan ko na ang dati naming Hotel-nakita ko ang kotse ni Icy na naka-park sa harapan ng hotel namin. So-Syempre-nagtaka ako kung bakit nandiyan siya. At nagaalala din ako dahil maraming gangster na pakalat-kalat sa lugar na iyon. Pinuntahan ko iyon, at sa parking lot ng hotel-doon ko siya nakita, kasama si Kate, na umiinom ng Canned Beer. Siya lang ang umiinom, nakinig ako sa usapan nila. Nalaman ko kung anong problema ni Icy at nalaman ko rin na siya pala si Night Demon. Sa bunganga na niya mismo nanggaling. Sa una, hindi nga ako makapaniwala eh, hanggang ngayon. Tanggap ko naman siya eh, tsaka hindi naman siya ganon ka-sama. Mukhang naka-jackpot nga si James."Sabi niya sabay tawa. Napatawa din kami. Oo nga pala, may itatanong nga pala ako.

"Ahh. Drey, ano ang problema niya?" Tanong ko. Sumeryoso siya ulit, pati din si Andrew. Oo nga noh.. Ang galing din magtago nitong si Icy. Ni hindi ko lang man naramdaman na may problema pala siya:'(

Tumahimik muna sandali. Mukhang nagaalinlangan si Drey na sagutin ang tanong ko or- inaalala niya pa kung ano ang problema ni Icy.

"Ahh! Naalala ko na." Biglang sabi niya. Inaalala niya pa.

"So.. Ano?" Kunot noong tanong ni Andrew.

"Si James."
Gets ko na. Alam kong magiging problema ito kay Icy dahil pag nalaman ni James na siya si Night Demon-Pwedeng tanggapin niya si Icy o hindi.

"Diba matagal nang pinapangarap si Night Demon? Sure akong imbis na iwan niya si Icy ay mas lalo niya pa itong mamahalin." Sabi ko habang nakatingin sa sahig.

"Oo nga. Baliw talaga itong si James. Naka-jackpot nga siya." Nakangiti na sabi ni Andrew.

"Pero paano yung iba? Paano kung nalaman nila na si Night Demon ay si Icy? Matatanggap kaya nila si Icy?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Tama ba ang narinig ko? Si Night Demon ay si Icy?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nanglaki naman ang mga mata ko at napatayo sa inuupuan ko dahil sa gulat. Wag niyong sabihing narinig niya yung pinaguusapan namin?!

"A-Anthony?" Tanong ko. Sh*t! No!

-----

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon