Chapter 93: Goodbye

1.4K 22 0
                                    


(2 weeks later)

Kate's Pov:

2 weeks matapos yung nangyari kay James, hindi pa rin kami maka-move on. Lalong-lalo na si Icy, ilang araw nang malungkot at umiiyak si Icy. Paminsan na lang din siyang kumakain.

Nasa labas ako ng room kung saan na-confine si James, ayaw kong pumasok sa loob...Kasi—sa tuwing pumapasok ako, ang atmosphere sa loob.. Iba ang atmosphere, yung biglang sisikip ang dibdib mo dahil sa parang napuno ng sama ng loob ang kuwarto. Kahit na mukhang normal lang ang room kung saan na-confine si James, iba talaga ang feeling.

At... Ayaw ko ring pumasok dahil sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ni Icy, biglang bumabagsak ang luha ko. Ang mukha niya, napaka-tamlay niya, bakas pa rin ang luha at lungkot sa mukha niya—tulala at wala sa sarili.

Sa tuwing pumapasok ako, palagi ko siyang nadadatnang nakaupo sa tabi ni James, naka-hawak nang mahigpit sa kamay ni James, tulala, wala sa sarili—bilang kaibigan niya, masakit sa akin ang makita siyang nagkakaganiya. Ang masaklap pa, palagi siyang umiiyak. Sa tuwing bumibisita ang mga kaibigan nya, hindi sila tumatagal sa loob.

Nakakahawa ang sama ng loob na taglay ni Icy. Hindi ko nga alam kung paano ko siya papasayahin, palagi siyang malungkot at alam kong si James lang ang makakapagpasaya sa kaniya sa tuwing nalulungkot siya.
Habang iniisip ko siya, unti-unting tumutulo ang luha ko.

Agad kong nilabas ang panyo ko na kanina'y basang-basa dahil sa luha ko, ngayo'y natuyo na, mukhang mababasa ulit ito. Kung tissue lang ang dala ko, baka napuno na ng tissue ang labas ng kuwarto ni James.

"Ma'am Kate.."

Agad akong napalingon sa babaeng tumawag sa akin. Pinunasan ko agad ang luha ko at tumayo. Yaya ko nga pala ang nasa harapan ko ngayon,kasama ang pamankin niya, bit-bit niya ang dalawa. Habang yung pamankin niya ay isang lang.

Hindi ako kumibo. Binuksan ko lang ang pinto at nauna akong pumasok sa loob. Agad akong umiwas ng tingin kay Icy kasi nagsisimula namang manikip ang dibdib ko. Pinapasok ko si Rose at ang pamankin niya, tinuro ko kung saan nila iiwan ang maleta. Pagkatapos nun ay pinalabas ko na sila.

"Icy.. Handa na.." Sabi ko. Nanatili lang siyang nakatingin kay James, malalim din ang iniisip niya habang nakatingin sa kaniya.

"He's in coma, right?" Tanong niya sa akin. Matapos kong marinig ang tanong niya, hindi ko na naiwasang maluha. Agad kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang luha ko.

"At.. Pagkatapos nito.. Pwede siyang magkaroon ng Amnesia. Am I right?"

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil agad na nanikip ang dibdib ko. Pinipigilan ko ang ang humagulgol. Mahigpit kong hinawakan ang panyo ko para mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko.

"Silence means yes.." Wala sa sarili na sabi niya sa akin. Ilang sandali lang ay nakita kong may tumulong luha mula sa mata niya. Lumipas ang ilang minuto, dumami ang luhang tumulo sa mga mata niya. Parang wala siyang pake, parang hindi niya nararamdaman ang pagtulo ng mga luha niya.

Wala sa sarili niyang hinawi ang buhok ni James na hinaharangan ang noo niya, inilapit niya ang labi niya sa noo ni James at hinalikan ito. Sa paghalik niya kay James, tumulo ang ilang luha ni Icy sa noo ni James.

"Sorry.. But, I need to go.. Patawarin mo ako kung mas pinili ko ang mga magulang ko—kaysa sa'yo.. Pero—" Naputol ang pagsasalita niya dahil sa pagpunas niya sa luha niya. Ilang araw ko nang nakikita ang mga namamagang mata ni Icy, ang mga mata niya, punong-puno ng lungkot. Parang deep inside ay unti-unti siyang nadudurog. At dahil djyan, mas lalo akong nasasaktan.

"Pero.... Babalikan din kita.. Kahit na makalimutan mo ako, okay lang.. Atleast.. Nandiyan kaBuhay na buhay.." Sabi niya. At sa kalagitnaan ng pag-iyak niya, isang ngiti ang nakita ko.

"Wag kang magalala. Kahit na makalimutan mo man ako, hinding-hindi ka maaalis sa isip at puso ko.. Mahal na mahal kita, James.." Matapos niyang sabihin iyon ay saktong dumating ang mga babaeng magbubuhat sa mga maleta niya kaya agad siyang tumayo sa inuupuan niya at sinuot ang kalo at sunglass.

"Hintayin niyo lang ako sa labas." Sabi niya sa mga babae. Agad silang lumabas bitbit ang mga maleta ni Icy. Paglabas ng mga babae sa pinto, muli siyang tumingin kay James.

"Kate, bantayan mo siya. Wag na wag mo siyang pababayaan." Sabi niya sa akin nang hindi tumitingin. Ilang minuto siyang tumingin kay James na mahimbing na natutulog.

"Goodbye, James.. Sorry and I love you." Sabi niya. Sa huling pagkakataon, hinalikan niya sa pisngi si James at agad siyang lumabas pagkatapos nun. Pupunta si Icy sa Canada para asikasuhij ang business ng dad niya. At para maalagaan na din ang family niya. Magtatagal sila doon ng ilang years.

***

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon