Chapter 16:Help

2.4K 56 0
                                    


Icy's Pov:

Mag-isa lang akong pumunta ng school, Mga 5:30 ako doon makakarating kasi 5:20 ako umalis ng bahay at 10 minutes lang ang makakain kong oras sa paglalakad..

Nandito na ako sa harapan ng school at papasok na sana ako ng school nang nakakita ako ng Cellphone.. Sa Gilid ng Kalsada.. Pinulot ko ito..

Sino kaya ang may-ari nito?? Tsk! Burara talaga!! Di lang man iniingatan, Imagine.. IPhone Ang Cellphone niya tapos pinabayaan lang?? Tsk!

Inilagay ko na ito sa bulsa at pumasok na ako ng school..

Pagdaan ko sa harapan ng canteen, narinig ko agad ang mga bulung-bulungan ng mga B*tches.. Tsk! Sanay na ako Pinag-tsitsismisan..

Hintayin niyo lang na ako ang maging principal ng school na ito.. ang plano ko kasi, Hahayaan ko lang munang magbakasyon ang mga Janitor at Janitress, at yung mga nangbubully sa akin ay ang maglilinis ng school.. Hahahahah!! Nakakatuwa!! Pero sa ngayon, tiis-tiis muna ako kasi After ng 5 months ay doon na ibibigay ni papa itong school sa akin..

Hindi ko lang pinansin ang mga taong pinagtsitsismisan ako... Bakit ko naman sila papansinin?? Mahalaga ba sila sa akin?? Nakakatulong ba sila?? Kaano-ano ko ba sila??? Mga salot lang yan sa lipunan! Wala lang ginawa kundi ang pagtsismisan ang taong palaging inaapi

Pagpasok ko ng classroom, wala pang tao.. Siguro mga 6:30, magkakaroon na dito ng tao..

Nilagay ko lang muna ang bag ko sa upuan ko at umalis... Pupunta kasi ako sa Roof Top, magmumuni-muni muna ako habang wala..

Gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing naglalakad ako sa hallway, nakayuko lang ako.. Hindi ko alam kung bakit ako naggaganito...

Ang swerte ko ngayon, nakakita ako ng cellphone.. At, May paglalaruan na naman akong Acc. Yung account ng May ari.. Papalitan ko ang password.tapos, sisiraan ko ang May ari ng acc na Ito😈 Hahahahaha!!

Pagdaan ko sa Section 4, di ko inaasahang May mababanggaan pala ako kaya napaupo ako agad sa floor..

"Oh! Sorry miss.."Sabi niya..

Napatingin naman ako sa lalaking nabanggaan ko.. at Sh*t!! Yung si MR. MAHANGIN!! Tang*na!!

"Diba ako dapat ang magsosorry??"Tanong ko.. at tumayo ako agad..

"No.. It's my Fault..  Ikalawang beses na ito.. Sorry talaga.."Sabi niya sa akin..

"Ahh.. Hindi.. ako dapat ang mag sorry sa iyo.. Kasi naglalakad akong nakayuko😊😊"Sabi ko naman..

"Ahh.. okay, pero sorry pa rin.. Naglalakad  akong wala sa sarili ehh, Kung saan-saan kasi lumilipad ang Isip ko...."Sabi niya..

"O sige, mauna na ako😊"Sabi ko at nilagpasan ko siya agad..

Naka dalawang steps pala ako ay May humila sa braso ko..  napatingin naman ako sa humila..

"Ahhmm. Pwede bang akong sumama sa iyo??"tanong niya..

"Sigurado ka?? Kasi baka mang diri ka sa akin—"Naputol agad ang pagsasalita ko kasi nagsalita siya agad..

"Okay lang.. Di naman ako katulad ng mga nangbubully sa iyo.."Sabi niya at hinayaan ko nalang siyang Sundan ako papuntang Roof Top.. Wait, bakit ko siya hinayaang sumunod sa akin...

Arrrggg!! DAMN it!! Siguro nagayuma ako ng mukha niya!!! Ang gwapo niya kasi.. Langya talaga itong lalaking ito!! Sa dinami-dami ba naman ng babaeng makakasama niya ngayon ehh ako pa!! Tang*na!!

Nang nakarating kami sa Roof Top, agad siyang nagsalita..

"Ahhmm.. Sa totoo lang, May dahilan ako kung bakit ko gustong sumama sa iyo.."Sabi niya..

"Anong dahilan mo??"Tanong ko..

"Umupo lang muna tayo.."sabi niya..

Umupo kaming dalawa sa Sahig.

"Ahhmm. Pwede mo ba akong tulungan sa problema ko kasi May iisang babaeng naghahabol sa akin at paulit-ulit niya akong pinipilit sa gusto niyang maging boyfriend niya ako.. So, Kinausap niya ang parents ko at malapit niya nang makumbinsi ang parents ko.. kaya kailangan ko talaga ng tulong mo.."Sabi Niya..

"Ano namang maitutulong ko sa iyo??"Tanong ko..

"Pwede ba kitang maging girlfriend.. pero Fake lang para tigilan na niya ako.."Sabi niya..

"Are you kidding me?? Ang Rami ng  babae diyan na magaganda tapos ako ang pinili mo??"Sabi ko..

"Oo, maraming babae diyan pero ikaw lang ang napili kong nababagay sa plano ko.. May kapalit ito.."Sabi niya..

"Anong kapalit??"

"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.."

Natuwa naman ako sa sinabi niya.... Ano kaha ang ipapagawa ko sa kaniya.. Ahh.. Alam ko na, Siya ang magiging Pansamantalang Leader doon sa gang ko habang nagbabakasyon ako.. napapagod na kasi ako.. Don't Worry, Tutulungan naman siya ni Kate.. And After that, Magiging utusan ko siya sa Arena pagbalik ko.. Hahahaha!!

"Okay... Payag ako.. Basta tumupad ka sa pangako mo na gagawin mo Ang lahat ng gusto ko.."Sabi ko..

"Okay... Deal??"-Siya

"Deal.."-Ako..

Hay nako.. James Santos, mali ang babaeng pinuntahan mo!!hahahahah!! Magsisisi ka!! Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagistorbo mo sa tulog ko!! Hahahaha!!

---------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon