James's Pov:Hindi siya gumalaw sa pwesto niya, tumayo ako at lumakad papunta sa kaniya. Agad naman akong tumigil nang humarap siya sa akin.
"Sa office."Sagot niya. Icy, alam kong nagsisinungaling ka.
"Sigurado ka ba?"Tanong ko. Tinitigan ko siya at agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin. Bumaba ang tingin ko sa jacket na nakapatong sa likod niya. Pamilyar ang Jacket na nakapatong sa Likod ni Icy.
"Saan ka galing?"Muling tanong ko sa kaniya.Humakbang siya papalayo sa akin na parang bang natatakot.
"May kumausap sa akin."Sabi niya. O baka nakipag date ito.
"Sino? Lalaki o babae?"Tanong ko sa kaniya at lumakad papunta sa kaniya. Napansin ko namang umatras siya.
Habang hinihintay ko siyang sumagot, patuloy ako sa paglakad papunta sa kaniya. Hindi siya sumagot, umatras lang siya nang umatras. Saka lang siya tumigil nang nasa likod na niya ang pader. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya ko kaya agad kong dinikit ang dalawang kong kamay sa wall para ma-corner siya.
"Sinong kasama mo?"Tanong ko. Imposibleng nanggaling siya sa office sa ganitong oras. Kaya malakas ang kutob kong may pinuntahan siyang iba. Tuluyan nang naubos ang pasensiya ko.
"SINONG KASAMA MO?!"
Halos mapatalon siya dahil sa gulat. Napapikit siya at yumuko. Nang mag sink In sa akin yung ginawa ko. Agad ko siyang hinila at niyakap nang mahigpit. Agad kong pinagsisihan yung ginawa kong pagsigaw sa kaniya. Hindi ko iyon sinasadya, masyado lang kasi akong nagalala sa kaniya kaya ko iyon nagawa."Sorry... Hindi ko 'yon sinasadya. Masyado lang kasi akong nagalala sa iyo." Agad kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin. Gumaan agad ang pakiramdam ko dahil sa pagyakap niya.
"Sorry kung pinagalala kita. Hindi na mauulit."Sabi niya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap. Nang bumitaw siya, bumitaw din ako. Humarap ako sa kaniya at doon ko lang nalaman na umiiyak pala siya. Humarap siya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Tinitigan niya ako. Parang bang ini-scan niya or something yung mukha ko. Tinitigan ko rin siya. Ang pure black na kulay ng mga mata niya, ang matangos niyang ilong, at ang kissable niyang lips. Parang gusto ko tuloy siyang halikan. Ang ganda niya talaga.
Tinitigan niya ako ng ilang minuto at wala akong nagawa kundi ang magulat sa sunod na nangyari.
Agad niya akong hinalikan sa labi. Hinawakan niya ang batok ko para hindi ako agad makawala.
Mahal na mahal ko talaga si Icy kaya hindi ako papayag na agawin siya ng ibang lalaki sa akin. Kung sino man ang lalaking may balak na agawin si Icy sa akin, handa akong pumatay para hindi maagaw si Icy sa akin. Kung may nanakit man sa kaniya, hindi ako magdadalawang isip na saktan din ang nanakit sa kaniya. Ilang minuto kaming nagtagal sa pwesto namin hanggang sa tinulak-tulak niya ako, hindi pa rin niya inaalis ang labi niya sa labi ko.Hanggang sa bumitaw siya sa pagkakahalik sa akin at ako naman ay agad na bumagsak sa sofa. Tinanggal naman niya ang jacket na nakapatong sa likod niya at pinatong niya ito sa tabi ko.
"Matutulog na ako."Sabi niya sabay ngiti sa akin. Bago siya umalis sa harapan ko ay nag-flying kiss muna siya sa akin. Pinagmasdan ko siya habang umaakyat hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Naiwan ako sa sala na tulala at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
-----------
Icy's Pov:Nandito ako ngayon sa Arena, kinakamusta ko ang mga tao dito at magtatambay lang muna ako dito. Pinaubaya ko lang muna ang mga students sa president ng school, medyong nadisiplina ko ang mga magaaral doon kaya nagdisisyon akong ipaubaya nalang sa kaniya.
Palabas na ako ng Arena nang may nakabangga akong babae. Malalim kasi ang iniisip ko kaya hindi ako masyadong naka-focus sa dinadaanan ko. Napaupo siya sa sahig nang mabanggaan ko siya. Agad ko naman siya tinulungang tumayo."Sorry."Tipid na sabi ko sa kaniya. Napayuko naman siya nang makita ako.
"Ako po dapat ang magsorry sa inyo." Magalang na sabi niya sa akin. Weird, ako dapat ang magsorry. Hindi siya ang nakabangga. Ako ang nakabangga.
"No. Wag kang magsorry, okay ka la-"Naputol agad ang pagsasalita ko nang ngumiti siya sa akin. Ngiting demonyo. Ang weird niya talaga.
"Okay lang ako."hindi pa rin naaalis ang ngiti niya sa labi niya. Iba ang aura na nakapaligid sa kaniya. Ang ngiti niya sa akin, parang bang may gagawin siya na hindi ko magugustuhan. Nilagpasan naman niya ako. Habang palayo siya nang palayo, pinagmamasdan ko siya nang mabuti. Parang may something sa babaeng iyon. Bumalik ako sa paglalakad papunta sa labas nang nawala na siya sa paningin ko.
Someone's Pov:
Hintayin mo lang Night Demon, ako mismo ang magpapabagsak sa iyo!
--------------
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...