Icy's Pov:Agad akong tumakbo sa third floor. Pero- pagdating ko ay wala akong nadatnan na kahit ano.. Ang tahimik. Baka nakaabot na sila sa Fourth Floor.
Nang nasa Fourth Floor na ako ay wala din. Sa Fifth at Sixth Floor-wala din. Sa Seventh Floor, sigurado akong nandiyan lang siya.Mabilis akong umakyat sa Seventh Floor. Pagakyat ko-Agad namang tumambad sa akin ang mga pinto. Iisang daanan lang- Maraming pinto sa Gilid-Rooms.
Isa-Isa kong binuksan ang mga pinto- walang kahit isang gamit ang nasa loob ng bawat room na tinignan ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pagbukas at pagtingin hanggang sa natapos na ako. Napakamot naman ako sa batok ko. Sinasayang ko lang ang oras ko dito. Siguro nakaalis na sila at bumalik na doon. Marami kasing daanan ang building na ito palabas.
Tumalikod ako at lalakad na sana ako paalis nang may makita akong babaeng naka-mask-Nakatingin ito sa akin ng masama."Who are you?" Tanong ko dito.
"Ako yung hinahabol ng mga alaga mo." Agad ko naman siyang pinatamaan ng dagger at agad siyang umiwas pero malas niya. Nagkaroon pa rin siya ng hiwa sa braso.
"You B*tch! Sino ka?!" Galit na tanong ko.
"Let's Play Hide And Seek!" Ayy! P*ta! Baliw ba ito?!
"Amp*ta! Hey-!" Agad siyang tumakbo pababa. Agad ko naman siyang sinundan. Medyong kabisado ko ang building na ito. Medyo lang. Sana hindi ako maligaw dito.
"Hey!Stop!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinaringgan.
Liko dito-Liko diyan. Nahihilo na ako. Jusme! Ayaw ko na!
Pagliko ko ay agad siyang nawala sa paningin ko. Doon ko lang nalaman kung saan niya ako dinala.
Dinala niya ako sa isang bahagi ng building na pinaliligiran ng mga daanan. Para bang tunnel. Mahiwaga nga ang hotel na ito. Daming sikreto.
Ayaw kong maligaw. Kaya nag-stay lang ako dito sa kinatatayuan ko. Ang daanan na nasa likuran ko ay ang dinaanan ko kanina. Mahirap ang maligaw sa lugar na gaya nito. Mukhang ordinaryo lang ito sa labas, pero kung titignan mo nang mabuti-Punong-puno ito ng sikreto."You're not a Demon. You're an Evil Angel." Naglikha ng echo ang boses na iyon kaya hindi ko malaman kung saan iyon nanggaling.
"You love him,Right?" At alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nakinig nga siya. At pag nahuli ko yang bw*sit na iyan, ililibing ko talaga iyan nang buhay.
"Kung sino man iyang James na iyan-Sisikapin kong malaman kung sino 'yan para magamit namin siya laban-"
"Cut the B*llsh*t and shut your f*cktard mouth! Lalo mo lang akong ginagalit!" Pagputol ko sa sinasabi niya. Agad kong hinanda ang baril ko.
---------
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
أدب المراهقينShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...