Chapter 71: Lie

676 20 0
                                    


Andrew's Pov:

"A-anthony?"Gulat na tanong ni Rare nang makita si Anthony. Sh*t! Sana hindi niya narinig yung convo naming tatlo! arrggg!!

"A-anong ginagawa-" Hindi natuloy ang tanong ni Drey sa kaniya nang pinutol ito ni Anthony. Halatang kinakabahan si Drey.

"Don't change the topic, Drey. Just answer my question." Seryoso na sabi ni Anthony. Patay! Anong gagawin namin. I need to do something. Para makalusot kami.

"Ahmm.. Anthony, hindi namin alam kung anong pinagsasabi mo. Si Icy ay si Night Demon?. That's a big joke!" I lied. Deep inside, gusto ko nang sabihin sa kaniya na tama ang narinig niya. But-this is not the right time. Malilintikan talaga kami kay Icy pag sinabi namin kay Anthony ang totoo.

"O-oo.. Napaka-imposible nun. Oo, pinaguusapan namin si Night Demon pero hindi kasali si Icy sa usapan namin. Ang sinabi ni Rare kanina ay paano kung malaman nila kung sino si Night Demon. Yun lang!" Pagsisinungaling ni Drey, Good job! Buti nalang tinulungan ako ng tukmol na ito. Kung hindi, ay! Sapak ang matitikman niya sa akin pagkatapos nito.

"O-oo nga. Ayon ang sinabi ko."Pagsangayon ni Rare.
Pagtingin kp ulit kay Anthony, naningkit ang mga mata niya at isa-isa kaming tinignan. Nang tinignan niya ako, ningitian ko lang siya. P*ta! Gusto ko nang matapos ito! Pero ayaw ko na ang ending nito ay hindi kami paniniwalaan ni Anthony. For Heaven's Sake! I hope na maniwala siya sa amin.

"Hmmmm-.." Please! Maniwala ka nang tukmol ka!! Wag mo na kaming pahirapan!

"Okay. Naniniwala ako sa inyo. Siguro- guni-guni ko lang iyon." Maikling sabi niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Pati rin sila, halatang nakahinga na din sila nang maluwag.

"Sige. Alis muna ako."Pagpapaalam niya at lumakad ito palabas ng Classroom. Tinignan ko si Anthony na tuluyang lumalayo sa classroom, hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Doon na ako muling humarap sa mga kasama ko.

"Buti nalang at naniwala siya agad sa atin." Sabi ko.

"Yeah. Ang akala ko, masama ang magiging ending natin." Sabi ni Rare. Napansin kong napatingin siya sa labas kaya tumingin din ako. Nakita kong nakatayo sa pinto si Icy at nakatingin ito sa amin.

"Anong meron?" Tanong nito nang hindi inaalis ang tingin niya sa amin.

"Ahh.. Wala." Pagsisinungaling ko. Naningkit naman ang mga mata ni Icy habang nakatingin sa amin. Nahahalata niya ba?

"Ano nga bang ginagawa mo dito?" Tanong ni Drey. Biglang nawala ang pagsingkit ng mga mata niya.

"Gusto kong bantayan niyo ang mga students na naglilinis ngayon sa harapan ng school. Kinausap ko na yung teacher niyo kaya excused kayo hanggang sa matapos sila. Bantayan niyo sila nang mabuti." Sabi niya at biglang tumalikod saka kami iniwan. Buti nalang at excused kami. Kasi may reporting kami sa Next subject, at ayaw kong mag-report. Ako kasi ang pinili nilang magrereport ngayon.

"Ano? Tara?" Tanong ni Drey. Nauna na siyang naglakad at sumunod naman kami.

---------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon