Chapter 17: Help(17.1)

2.1K 58 0
                                    


James's Pov:

"Bro!! Ano bang pumasok sa kokote mo't Nakipag-deal ka diyan sa Ms. Angel na iyan?!! Baliw ka ba?!"Sabi sa akin ni Andrew

Nandito kami ngayon sa loob ng canteen, Pinaguusapan namin ngayon yung about sa ginawa ko kanina.. Gulat na gulat nga sila ehh at napapakamot nalang sila sa ulo dahil sa nakipag deal ako kay Ms. Angel..

"Bro, ang mas malala pa, pagkatapos ng lahat ng iyan. Gagawin mo Ang lahat ng ipapagawa niya sa iyo!! Tang*na mo, James! Ang bobo mo!"Sabi sa akin ni Rare

"Kaya nga, ang bobo niya.. pano kong ang kapalit nun ay gusto ka niyang maging boyfriend, nako! Malilintikan na tayo niyan!!"Sabi ni John

"Nako, Wag na wag mo siyang dadalhin sa club kung ayaw mong pagtripan nila Andrew at Drey yang babaeng iyan.. Right guys??"Sabi ni Anthony..

"Yup.."Sabay na sagot nila Andrew at Drey

Mga kaibigan ko silang lima, since nung bata pa ako.. mga 5 years old, nandiyan na sila..

"Syempre naman noh, iingatan ko ang magiging 'GIRLFRIEND' ko kasi siya ang magliligtas sa akin..malapit na niya kasing makumbinsi sila mama at papa..."Medyong mahinang sabi ko sa kanila kasi ang Rami nang tao dito..

"At, gusto ko ring maranasan ni Ms. Angel na hindi ma-bully kahit na isang araw.. naaawa na kasi ako sa kaniya.."Sabi ko.. Natahimik naman silang lima..

"Bro, matanong ko lang.. May gusto ka ba diyan sa panget na iyan??"Tanong ni Drey.

"Wala... Di ko nga alam kung bakit gusto ko siyang tulungan.."Sabi ko..

"Bro, ipinagmamalaki ka namin, kasi ang bait-bait mo.. Halos na ayaw mo ngang tumingin nung sinasaktan si Ms. Angel ehh.. Sige na, payag na kami.. tutal naman palagi mo kaming nililibre sa club ehh.."sabi ni John. Baliw talaga itong lalaking ito..

Tumawa naman kami..

"Speaking of Ms. Angel, nandito siya.."Sabi ni Rare..

Napatingin naman ako sa likuran ko.. at, nandito nga siya.. natahimik naman ang karamihan sa amin, at yung iba ay nagbubulung-bulongan..

Agad siyang bumili ng makakain niya.. Spaghetti??? Nako! Paniguradong itatapon o Ibubuhos sa kaniya ang spaghetti lalo na't nandito ang gang ni Maica..

Nilapitan siya agad ng gang ni Maica.. nakita kong May bitbit na tubig ang bawat isa sa kanila.. Pero si Maica,parang mga tira-tirang pagkain na nakalagay sa isang supot ang dala niya..

Napatigil naman si Marie at napayuko nalang..

"Wow! Spaghetti!! Ang sarap naman niyan pero mas masarap pa iyan kung lalagyan natin ng additional flavors.."Sabi ni Maica at tinulak niya si Ms. Angel kaya napaupo siya sa Sahig.. natapon naman ang bitbit niyang spaghetti..

After that, binuhusan agad nila ng tubig si Ms. Angel.. nakaramdam naman ako ng awa at galit sa kanila.. Parang gusto ko nang tumayo at pigilan sila.. sobra-sobra na kasi iyan, at ang mas malala pa ay walang pakealam ang mga teachers na dumadaan sa harapan nila..

Panay naman ang tawa ng karamihan sa mga tao rito, habang ang iba ay walang emosiyong tumitingin sa bawat pangyayari..

"Oh?? Malamig ba?? Ang init-init kasi ehh, ayaw kasi kitang mainitan.."Sabi ni Maica at tumawa naman siya..

Pinulot naman niya ang spaghetti na natapon gamit ang kamay niya at inilagay ito sa ulo ni Ms. Angel.. arrrggg!!! Tama na iyan!!! Wala namang ginagawang masama sa inyo ang tao ehh!!! F*ck!!

"Oh, bagay sa iyo!! Diba??"At humarap siya agad sa mga tao na tinatawanan si ms. Angel..

Nakita kong nakaharap ang camera ng cellphone nila kay ms. angel habang si ms. Angel ay nakaupo at nakayuko lang sa sahig..

Binuksan agad ni Maica ang supot... Sh*t!!!

Tumayo ako at bago niya ito ibuhos sa ulo ni ms. Angel ay pinigilan ko siya agad.. hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya..

"Ouch!! Hoy,James! Wag ka ngang mangialam dito!!!"Sabi sa akin ni Maica..

"Anong wag mangialam??? Maling-mali ang ginagawa niyo kay Ms. Angel! Porket na napakabait niya sa inyo ay aabusuhin niyo?? Pasalamat nga kayo at May tiggawa kayo ng assignments at projects niyo!!! Kung wala siya, hindi tataas ang mga grade niyong mga p*ta kayo!!"Sabi ko kay Maica at natahimik siya, pati na rin ang mga kasamahan niya..  humarap ako sa mga taong nanonood sa amin..

"Simula ngayon, wala nang mambu-bully sa kaniya, or else, mananagot kayo sa akin.."Sabi ko at tinulungan ko agad si Ms. Angel na makatayo..

"Umalis na tayo dito.."Sabi ko at hinila ko siya agad paalis ng canteen..

--------------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon