Icy's Pov:"Violeeeeeet!!"
Napatingin ako sa likuran, at nakita ko si Harry na nakatingin sa katawan ni Violet. Tulala at parang nawala agad sa sarili nang patayin ko siya, ano bang meron sa kaniya. Ba't parang ang laki-laki na ng nawala sa kaniya matapos kong patayin si Violet? May something ba sa dalawang ito?
"Hindi... Hindi..." Napakurap naman ako ng ilang beses nang nakita kong tumulo nalang bigla ang luha ni Harry. Napaluhod siya at yumuko, doon na bumuhos ang luha niya.
"Bakit mo siya pinatay?!!!!" Tanong niya. Napuno ng galit at lungkot ang boses niya. Hindi ako pwedeng magpadala sa demonyong ito.
Napahawak naman ako sa bewang ko na walang tigil sa pagdurugo. Bigla namang nangdilim ang paligid ko nang tiningnan ko ang dugong tumutulo mula sa sugat. Hindi pwede, kailangan ko pa siyang tapusin.
Tumingin ako kay Harry, at nanlaki ang mga mata ko nang isang dagger ang papunta sa akin. Iniwasan ko ito, na-out balance pa ako nung iniwasan ko iyon kaya agad akong napaupo sa lupa.
Hinabol ko muna ang hininga ko bago ako tumingin ulit kay Harry, pero pagtingin ko ay agad siyang tumakbo sa akin at sinakal ako. Napahawak naman ako sa kamay niya na mahipit na nakahawak sa leeg ko. shit!
"Papatayin din kita, Icy! Papatayin din kitaaaa!" Sabi niya. Mas lalong himigpit ang pagsakal niya sa akin matapos niya iyong sabihin.
May kinuha siyang bagay sa belt niya, nang tinaas niya ito—doon ko nalamang dagger din pala 'yon. Shit! Icy! do something! Don't be such an idiot!
"Kita mo ito? Ibabaon ko ito sa dibdib mo, pagkatapos.... Papanoodin kitang unti-unting namamatay!" Sabi niya. Inilapit niya sa mukha ko ang patalim at nagiwan siya dito ng hiwa. Napadaing naman ako sa sakit matapos niyang gawin iyon, no... I don't wanna die!...not now! ..I'm not ready yet!..
"Masakit diba? Pero mas masakit sa akin ang patayin mo ang girlfriend ko!!"
Nagulat naman ako nang tawagin niya si Violet na girlfriend. Naging sila? paanong?—paano nangyari iyon?.. Ano naman ang nagustuhan ni Violet sa isang bastardong gaya niya?"Malamang nagtataka ka kung paano ako nagustuhan ni Violet...Nasa akin kasi ang mga bagay na gusto niya sa isang lalaki na wala kay James... At ngayo'y wala na siya, dahil pinatay mo! — magbabayad ka sa ginawa mo!" Sabi niya.
Humanap ako ng paraan para maunahan siya. Shit.. Sana may makita ako rito!...
Habang patuloy na nag-i-speech si Harry, naghanap ako ng mga bagay na pwedeng gamiting pampatay sa kaniya. Humahanap nang palihim, I hope hindi niya ako mahuli o mahalatang naghahanap ako.Agad naman akong nabuhayan nang may nakita akong isa pang dagger na nakaipit sa belt ni Harry. Abot kamay ko lang ito at pwedeng hindi niya maramdaman na kinukuha ko ito.
Tumingin ako sa kaniya, habang nakatingin ako ay dahan-dahan kong inaabot ang handle ng dagger.
Nang naabot ko na ito, hinawakan ko muna ito. Tumingin ako kay Harry, at tama nga, hindi niya nga naramdaman.
Dahan-dahan kong binunot ang dagger, at nang nakuha ko na ito, agad ko itong tinago."Any last words?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya nang masama bago ako nagsalita.
"Go to hell with your girlfriend!" Sabi ko. Agad ko siyang sinaksak ng dagger sa tagiliran. Lumuwang naman ang pagkakasakal niya kaya agad ko siyang sinipa palayo sa akin. Napahiga naman siya sa lupa, habang ako ay tumatayo.
Nang nakatayo na ako.. Nilapitan ko siya, at binubot ko ang dagger na nakabaon sa tagiliran niya."Ito na ang katapusan mo, Harry." Sabi ko.
"Any last words?" Tanong ko. Ngayon, ako naman ang nagtatanong nito sa kaniya. Wow na wow..
"Mamamatay ka rin, I—" Bago niya pa mabanggit ang pangalan ko. Sinaksak ko na siya sa dibdib ng dagger.
Dahan-dahang sumara ang mga mata niya, at sa pagsara ng mga mata niya ay ang unti-unting pagbagal ng pagtibok ng puso niya. Hanggang sa binawian na siya ng hininga.
Tumayo ako nang dahan-dahan. Tiningnan ko muna ang paligid bago ako naglakad paalis sa lugar kung saan kami naglaban.
Now, this is the end of the war. Their death doesn't concern me, actually, my enemies' death makes me smile. This is the real me, Evil to evil and good to good. That's me..
****
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...