Continuation(62)

769 16 0
                                    


Her Pov:

Kanina pa akong naglilibot dito sa Arena, bawat sulok kung saan siya palaging tumatambay ay tinitignan ko ng mabuti kung may bagay man na makakatulong sa akin. Pero, wala akong nakikita eh. Para na tuloy akong tanga dito. Kanina pa akong pabalik-balik.

"May hinahanap ka ba?"

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon sa likuran ko. Agad ko itong nilingon at nakita ko si Ms. K.

"O-oh. Yeah, may hinahanap nga ako."Sabi ko.

"Kailangan mo ba ng tulong ko?"Alok niya. Syempre naman, hindi ko siya hahayaang tulungan akong hanapin ang hinahanap ko! Ano ako? Tanga?

"Ahmm. Wag na, kaya ko na ito." Sabi ko nang nakangiti sa kaniya. Sana hindi ako kulitin ng isang ito.

"Alam kong kanina ka pang naghahanap. Let me help you." Sabi niya. No.. No.. Dahil kung malaman mo man kung anong hinahanap ko, paniguradong hindi na ako masisikatan ulit ng araw.

"Wag na.. Hehehe.. Kaya ko na."Sabi ko. Alam kong napangiti siya kahit na naka-mask siya at tumalikod sa akin. Buti naman, hindi ako kinulit ng b*tch na ito.

"Okay. Okay. Basta, kung may itatanong or may kailangan ka. Hanapin mo lang ako." Sabi niya habang nakatalikod. Humakbang na siya palayo. Itatanong? May kailangan? Mukhang hindi mo kayang ibigay ang-... Wait... I have an idea! Sana gumana.

Bago pa man mawala ang babaeng 'yon sa paningin ko. Tinawag ko na ito.

"Ms. K!!!"Tawag ko. At agad naman siyang lumingon sa akin.

"Bakit?"Tanong nito at mahahalata mo sa boses niya ang pagka-bore.

"Diba sinabi mong pwede akong magtanong sa iyo?" malambing na tanong ko sa kaniya.

"Oo."Sagot nito. Sana, pumalag itong pagaarte ko para malaman kung sino man siya. Alam kong mag-bestfriend sila kaya malaki ang posibilidad na alam niya kung sino si Night Demon.

"May itatanong lang po ako."Sabi ko.

"Ano yun?"Tanong niya at kumunot naman ang noo niya.

"Sino ba si Night Demon?"Tanong ko. Pero gaya ng inaasahan, magkakaroon muna na long silence bago niya masagot ang tanong ko. I will wait, basta masagot niya lang.

"Sorry, I can't answer that quenstion." Sabi niya Coldly. Walang expression na mababasa sa kaniya. Parang, wala lang sa kaniya.

"Pero.. Gusto ko lang naman malaman. Tsaka mapagkakatiwalaan niy-"Agad naman niyang pinutol ang pagsasalita ko.
"I'm sorry. Pero, hindi talaga pwede. Kahit na kaibigan ka na namin. Hindi ko Sasabihan kung sino talaga si Night Demon. Hindi sa hindi kita pinagkakatiwalaan, nangako na ako kay Night Demon na sa amin lang ito." mahabang paliwanag niya. Tumalikod siya at lumakad siya ng mabilis kaya agad siyang nawala sa paningin ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi ito gagana. Kahit na mukha akong mabait at mapagkakatiwalaan.

"Di bale, gagawa nalang ako ng paraan." Sabi ko sa sarili ko at naglakad na palabas ng Arena. Suko na ako, pagod na kasi ako.

Oh! By the way! My name is Lily Madrigal. And my codename is Demon Angel! Nice to meet you!

Ella's Pov:

"Ano?! Sila na?!" Gulat na Gulat na sigaw namin ni Joshua nang malaman namin ang kasagutan sa katanungan namin.

Nandito nga pala kami sa office ni Icy, pinapayagan kaming makapasok dito. Pero kami lang! Hindi pwede yung iba. Kasama namin ngayon sila Anthony. Wala dito sila Icy at James, nandoon daw sa canteen. Kumakain ng lunch.

"No.. No.. Alam kong hindi 'yan gagawin ni Icy. Baka Fake news lang iyan." Sabi ni Joshua. Hanggang ngayon pa rin kasi, galit pa rin siya kay James. At hindi niya alam kung anong pinanggagawa ng dalawa.

"Joshua. Totoo ang sinasabi namin. Nag-celebrate pa nga kami ni James kagabi matapos niyang ihatid ang girlfriend niya." Sabi ni Andrew.

Alam kong may gusto ang ugok na ito kay Icy. Nahahalata ko nga ang lungkot niya eh, pero tinatago niya lang ito sa pamamagitan ng pag-ngiti. I know he's doing his best to forgot his feelings.

"Yeah. Kalat na kalat na nga ngayon. Grabe kaya maka-stalk yung fans ni Icy sa kaniya." Sabi naman ni John. Sure ba talaga sila sa sinasabi nila? Alam kong aabot pa ng ilang taon bago niya pa sagotin si James... Pero, mukhang hindi na yata yun matutuloy kung totoo nga yung sinasabi nila.

Nga pala, nakaabot ito sa amin ni Joshua dahil nakita namin sa News Feed namin ang mga post na tungkol sa kanila. Halos lahat nga ng nasa news feed ko ay tungkol sa kanila.
At kung ano-ano pa. Maraming masaya dahil naging sila na daw. Kung totoo man, magiging masaya ako para sa kanila. Pero, ewan nalang dito sa boyfriend ko.

Napatingin naman ako sa kaniya at halos na gusto kong lumayo agad dahil umiba na ang Aura niya. Naka-poker face siya at tahimik na nakikinig sa amin. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya, ang dalawang kamay niya ay parehong nakakuyom. Parang may gagawin si Joshua ah? I hope na hindi ito isang malaking problema.

Tinapik ko siya at agad naman siyang tumingin sa akin. Hindi lang basta tingin ang tingin ni Joshua, halos na tumayo ang balahibo ko dahil ang sama-sama niyang tumingin kahit na hindi naman siya galit sa akin.

"B-babe. Are you-"agad nyang pinutol ang pagsasalita ko.

"No. I'm not."Oh heck! This is Bad! Alam kong may gagawin siya.

"Babe. Mag Ice-"Napatigil ulit ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at mabilis na lumabas. Oh sh*t! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Si James.. Si James yung target niya!

"The F*ck! Stop him!"Sigaw ko. Nagpapanic na ako, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.

"Bakit?"Tanong ni Drey at napatayo naman siya.

"Si-si Joshua. Parang bubugbugin niya si James!"Sabi ko. Napa tayo naman sila Anthony, John, Andrew at Rare.

"Ano?! Bakit naman niya iyon-"Napatigil sa pagsasalita si Rare dahil bigla siyang tinulak ni Anthony at patakbong lumabas sa office.

Sumunod naman kami. God! Sana walang masamang mangyari! Sana walang bugbugan!

Sa bawat taong madaanan namin ay wala kaming pake, kahit na pinagkakatinginan kami. Kahit na may mabangga kami ay patuloy lang kami sa pagtakbo papuntang Canteen.
Nang makarating na kami, doon na namin nalamang huli na pala ang lahat.

----------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon