Chapter 53:Sorry

1.3K 37 0
                                    


Icy's Pov:

"James?"

Agad siyang lumingon sa akin at bumalik ulit ang tingin niya sa daanan. Magsasalita na sana ako ulit nang bigla siyang magsalita.

"Mukhang hindi ka makakauwi ngayon."Sabi niya. W-why? May nangyari ba sa bahay? O baka naman may plano sa akin itong lalaking ito? Kung meron man, hindi ako magdadalawang isip na iligpit siya agad.

"Natunton ng mga reporter ang bahay niyo, simula pa nung Martes, nandoon na sila."

"Mukhang ayaw ng mama mo na humarap sa kanila, kaya gumawa ako ng paraan para maalis siya doon."Sabi niya. Nanatili lang akong tahimik sa tabi niya. Bakit niya ginagawa ito? Ang akala ko ba, ayaw na niya sa akin? May plano ba talaga ang lalaking ito?

"Nabalitaan ko yung ginawa mo kay Nica."natigilan naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kaniya pero agad akong umiwas ng tingin nang makasalubong ko ang mga mata niya. Ano ba Icy, kumalma ka lang...

"Wag kang magalala, hindi ako galit sa iyo.. "Sabi niya. Diba dapat galit siya sa akin? Pero. Bakit? Naguguluhan ako. Bakit niya ito ginagawa sa akin?...

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Inaamin ko, hindi ako komportable dahil nandiyan siya. Hindi ako komportable dahil malapit siya sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko. Ang OA naman nito.. Ayaw ko na.. Kalma, Icy.. Kalma..

"Angel.."Tawag niya sa akin. Agad naman akong bumalik sa realidad nang marinig ko ang boses niya. Parang nilalambing niya ako. Sht! Parang kinikilabutan ako or something....

"Please. Stay with me. Kahit ngayon lang.."malungkot na sabi niya. May kailangan ba siya sa akin?

"Anong kailangan mo?"wala sa sarili kong tanong sa kaniya. Naabutan pa ng ilang segundo bago siya makapagsalita.

"Ikaw.. Gusto kong makinig ka ng mabuti sa paliwanag ko.. "Sabi niya. Balak ko sanang magsalita ulit pero pinigilan ko nalang ang sarili ko at muling binaling ang attensyon ko sa labas.

-------------

Makalipas ng isang oras. Nakarating na kami sa lugar kung saan kami maguusap.

Nasa harapan kami ngayon ng isang Gate na kulay Itim. May mga halaman ang bulaklak sa itaas ng gate, mukhang bago ang gate or bagong pintura. Walang pangalan ng lugar na nakalagay sa gate. Binuksan ito ni James. Tumabi naman siya sa daan para padaanin ako, pumasok naman ako at hinintay ko lang muna siya, sinasarado niya pa kasi ang Gate. Pagkatapos niya, sabay kaming naglakad.

Naglalalad kami ngayon sa isang daanan na pinaliligiran ng mga bulaklak at halaman. Parang walang pader na nagsusuporta sa mga halaman at bulaklak. Pagtingin mo sa kaliwa, punong-puno ng bulaklak at halaman, pati rin sa kanan. Halos hindi na makita ang pader kung saan nakakapit ang mga halaman. Parang itong isang tonel. Paglabas namin dito, namangha ako agad sa ganda ng paligid.

Nasa harapan kami ng ilang lake. Payapa itong dumadaloy at ang linis pa nito. Napaliligiran kami ng damo at ang mas nakaagaw ng attensyon ko ay ang malaking puno na may tree house, hindi lang ito basta tree house, parang may bahay pa ito.

Hindi ito nagiisa, may Sampung malalaking puno na may tree house na nandito. May nilibot ko pa ang tingin ko, nakita ko agad ang mga picnic tables na nasa kabila. May bridge na nagsisilbing daanan para makarating sa kabila. Ang ganda. At ang payapa pa ng lugar, parang gusto nang tumira dito.

"Nagustuhan mo ba?"agad naman akong napalingon sa kasama ko. Umo-o ako. Bumalik ako ulit sa pagtingin sa paligid.

Bigla naman niya ako hinila papunta sa isang puno na may tree house, sa pagakyat namin sa hagdan, nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko. Pero ako? Hinahayaan lang siyang hawakan ang kamay ko.
Pagdating namin sa taas, namangha ako ulit sa ganda. Gusto ko na talagang tumira dito.

"Bago tayo magusap, gagamutin ko lang muna ang paa mo."Sabi niya sabay tingin sa paa ko, tumingin naman ako at nakitang kong dumudugo ito. Siguto nasugatan ito ng hindi ko namamalayan.

"Sorry kung ngayon ko lang iyan napansin."Sabi niya. Agad naman siyang dumuritso sa kusina? Hindi ako sure huh? Umupo lang muna ako sa sofa. Pinagmasdan ko agad ang paa ko. Grabe, ganito ba talaga ako ka-manhid sa katawan ko? Baka mamaya, bibigay ito ng hindi ko namamalayan.

Pumunta siya sa akin ng may bitbit na First Aid kit. Sinimulan na niya ang paggamot sa sugat ko. Paulit-ulit naman niya akong tinatanong kung masakit ba o hindi, at paulit-ulit din akong sumasahot ng hindi. Hanggang sa natapos na siya. Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim.

"Alam mo bang halos mabaliw ako dahil sa iyo?"halos mapatayo ako dahil sa sinabi niya. Bakit naman siya mababaliw sa akin.

"Sorry.. Kung sinaktan kita. Napilitan lang ako dahil Sa usapan namin."Pagsisimula niya. Agad namang sumulpot sa isipan ko si Veronica. May usapan ba sila?

"Naalala mo pa ba yung araw na kinidnap ka sa Park?"hindi ako sumagot. Nanatili lang akong tahimik sa tabi niya.

"Yan yung araw na pumayag ako sa usapan namin. Ang usapan namin ay papayag akong maging Boyfriend niya at maging asawa kapalit ng buhay mo. "Mas lalo akong tumahimik.

"Kakalimutan kita, itataboy at sasaktan, kasali iyon sa usapan namin. Pag hindi ko iyon ginawa, sasaktan ka niya."

"Pinilit ko ang sarili ko na mahalin si Nica. Pero, hindi ko kaya. Nasaktan ko siya, sinisi ko Siya sa mga nangyayari sa iyon. At dahil doon, binugbog ka niya at pinahiya sa harapan ng marami tao."

Gusto kong mag-sorry kay James dahil sa mga sinabi ko sa kaniya. Pero.. Imbis na magsorry ako ay hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak. James.. Sorry.. Hindi ko alam. Hindi ko alam na ginawa mo pala iyon para sa akin. Agad kong pinahid ang luha ko. Wala akong masabi, wala. Parang gusto ko lang umiyak sa harapan ng taong akala ko'y kinalimutan na talaga ako.

"James... Sorry.. "Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala iyon sa kaniya. Tinakpan ko ang bunganga ko at tumalikod sa kaniya para hindi niya makita ang pag-iyak ko.
Yumuko ako at pilit kong pinipigilan ang luha ko sa pagtulo.
Naramdaman ko namang lumipat siya sa harapan ko.

"Hey.. Stop crying. Its okay. "Sabi niya. Hinawakan niya ang chin ko at iniharap sa kaniya. Binitawan naman niya ito at pinahid ang luha ko gamit ang panyo niya.

"S-sorry.. Hindi ko alam."Sabi ko ulit. Tumigil siya sa pagpapahid ng luha ko at niyakap ako agad ng mahigpit. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na umiyak lalo. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na yakapin din siya.

"Okay lang yon. Wala kang kasalanan. Ako ang dapat magsorry sa iyo, okay?"Kalmadong sabi niya sa akin. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Tsk! Crying Baby. Nanatili lang kami sa ganung posisyon. Napapikit naman ako at hiniling na sana ganito nalang palagi. Na sana, maging masaya kami. Hindi ko na kayang magdeny sa sarili ko. Alam kong ang OA nito, pero.... Mahal ko nga siya..

"I love you, James."Bulong ko.
"I'm so sorry. And I f*cking love you, Too."Narinig kong sabi niya. Napangiti naman ako sa siNabi niya.

-------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon