James's Pov:Habang nagda-Drive ako papunta sa bahay ni Cupcake para ihatid na siya,Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hanggang ngayon,hindi ko pa rin ma-erase sa isip ko yung mga sinabi niya sa akin.
Flashback:
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Kilala ko siya-"
"May iba pa siyang side.. What if-Isang araw, nalaman mo kung ano yung isa niyang side? Iiwan mo ba siya?" Tanong niya sa akin. Ibang side? So..
"She's Evil, Dangerous and Merciless." Cold na sabi niya. Naguguluhan at nagtataka ako sa sinabi niya. Ano? Si Cupcake? Evil? Dangerous? Merciless? Saan banda?
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.
"Dahil kilalang-Kilala ko siya..." Magsasalita na sana ako ulit nang bigla siyang magsalita.
"Paano kung-Siya si NightDemon? Tatanggapin mo pa ba ang pinsan ko?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. At dahil sa mga tinanong niya,natahimik ako.. Naalala ko tuloy si Icy sa panaginip ko, at yung sinabi niya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tanong niya o hindi..
"That's Very impossible.." Wala sa sarili na sabi ko sa kaniya.
"Kunwari.. Nalaman mong siya pala si Night Demon? Magiging masaya ka ba? Kasi alam kong may gusto ka sa gangster queen na iyon." Sabi niya at ngumiti nang nakakaloko. Paano niya nalamang may gusto ako kay Night Demon?
"I don't know." Sabi ko.. Hindi ko naman talaga alam kung magiging masaya ba ako,magagalit,malulungkot.. I don't know.
"James.. Gusto kong manatili ka lang sa tabi niya. Kahit na anong mangyari, kahit na anong malaman mo sa kaniya. Wag mo sana akong biguin." Sabi niya at tumalikod sa akin.
"Nga pala, sorry sa pambubugbog ko sa iyo." At naglakad na siya paalis..
End of Flashback"Hey..Hey..Okay ka lang?"
Agad akong napalingon sa Katabi ko at agad akong umiwas ng tingin. Kanina pa ba niya napansing tulala ako o wala sa sarili.
"Naririnig mo ba ako?" Seryoso na tanong ni Cupcake.
"Opo, Ma'am." Sagot ko. Halos hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kasi hindi pa rin mabura sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Joshua kanina.. May tinatago kaya si Icy sa akin?
"Kanina ka pang tahimik.. Galit ka ba sa akin?" Tanong niya.
"Hindi.. May iniisip lang ako." Sabi ko habang nakatingin sa daanan.
Parang may tinatago talaga siya sa akin.. Nung una,feel kong may tinatago siya sa akin. Yung.. Naka-disguise palang siya.. At tama nga yung kutob ko, may tinatago nga siya.. Pero ngayon, kutob kong may hindi na naman siya sinasabi sa akin dahil sa mga sinabi ni Joshua sa akin. Nung una,iniisip kong sinisiraan niya yung pinsan niya para makaganti, pero.. Mahal niya ang pinsan niya eh, bakit naman niya gagawin iyon? Baka, Totoo yung mga sinabi niya sa akin kanina.."Cupcake?" Tawag ko sa kaniya. Agad naman niya akong hinampas sa braso.
"Mukha ba akong Cupcake?!" Inis na tanong niya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang namumula.. Tatawa na sana ako nang malakas nang maalala kong kailangan kong maging seryoso..
"Cupcake.." Tawag ko ulit sa kaniya.
"Hmm?"
"May tinatago ka ba sa akin?"
-------------
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...