Chapter 69: Hide and Seek

672 15 0
                                    


Icy's Pov:

Agad namang naputol ang paguusap namin ni Kate dahil may agad kumatok ng pinto nang tatlong beses. Agad naman itong bumukas at pumasok ang isang babae na naka-mask na color black, may hawak na katana at pawis na pawis. Parang galing sa habulan.

"Pasensiya po sa abala. Pero.. May problema po tayo." Magalang na sabi niya. Problema?

Nagkatinginan muna kami ni Kate bago kami muling tumingin sa kaniya.

"What's the problem?" Tanong ko sa kaniya.

"May nakapasok po. At-naaktuhan po ng nila Destroyer at Midnight na nakikinig ito sa usapan niyo kanina." Agad namang kumuyom ang kamay ko dahil sa galit. May nakapasok pa rin. At alam ko kung saan nanggaling ang hayop na iyon.

"Nahuli niyo ba?" Tanong ni Kate.

"Wala pa po. Hinahabol pa po nila..Pinadala po ako ni Destroyer dito para sabihin sa inyo ang nangyari. Hindi pa po sila nakakalabas ng Gangster Territory." Sabi niya. Mabilis kong kinuha ang baril ko at ilang daggers sa lamesa. Nang ayos na ang lahat-agad akong lumabas. Kung sino man iyon- Dapat siyang mamatay- at kung ano man ang narinig niya- dapat walang makakaalam sa narinig niya.

Mabilis akong nakarating sa baba. Tuloy-tuloy lang ang pattakbo ko hanggang sa makalabas na ako ng Arena. Which Way?

"Dito po." Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita ko ang babaeng pumunta kanina sa Room. Sinundan ko naman siya.

Nakarating kami sa isang lugar na puno ng mga sira-sira na building at mukhang ang lahat ng makikita ko dito ay pinaglumaan na ng panahon. Sirang sasakyan, putol na puno, lumang playground at iba pa. Ang lawak din ng lugar.. Bw*sit talaga 'yang hayop na iyan!

"Ang Bagal niyo! Bilisan niyo!" Agad akong napalingon sa kanan at nakita ko si Midnight-parang kakagaling niya lang sa habulan. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Mid, Where's that Sh*t?" Tanong ko.

"Hinahabol pa po. Ang bilis niyang makatakbo at ang galing niyang magtago kaya pahirapan po kami sa paghuli sa kaniya. Nandoon po sila." Sabi niya sabay turo sa isang building na may 7 floors, puno ng graffiti ang harapan nito at halatang ilang years nang inabandona.
Agad akong tumakbo papunta sa building. Pagkadating ko sa First Floor-Wala. Hanggang sa makarinig ako ng isang sigaw.

"Sh*t! That little f*cking mouse!" Halatang nagalit na ito sa kakahabol sa hayop na iyon.

Mabilis akong lumingon sa likuran at nakita ko si Destroyer na nakahawak sa mga tuhod niya at pawis na pawis ito. Nilapitan ko naman siya agad.

"Troy. Nasaan na iyon?" Tanong ko.

"Nasa Third floor po. Ang bilis niya pong tumakbo at makatakas sa amin."Sabi nito.

-------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon