Kate's Pov:Nandito ako ngayon sa isang restaurant na pagmmmayari ng mother ni Andrew. Isa itong japanese restaurant at ang sarap-sarap ng mga foods dito..
Kanina pa kaming nandito, pero wala pa rin si Icy. Kanina ko pa siyang tini-text pero walang reply, ilang beses ko na rin siyang tinawagan pero naka-off or lowbatt ang cellphone niya. Kilala ko 'yung cellphone ni Icy eh, makakatagal 'yun ng dalawang araw kahit na buong araw ka pang maglaro ng mobile games diyan sa cellphone niya.
At kilala ko rin si Icy, agad-agad niya akong rereplyan kung nag-text ako at agad-agad niya rin akong sasagutin pag-tunatawag ako sa kaniya.. Kanina pa akong kinakabahan, baka may nangyayari nang masama sa kaniya.
"Kate, ba't hindi pa dumadating si Icy?" Tanong ni Ella sa akin.
"Ewan ko nga eh, hindi niya sinasagot ang tawag ko at hindi niya din ako nirereplyan.." Sabi ko kay Ella. Parang hindi din siya mapakali kanina, parang napansin niya ilang hours nang wala si Icy. Simula nung umalis siya sa Arena kanina para kumain, hindi na siya nakabalik.
"Nagaalala na ako, Guys. Feel ko may nangyaring masama kay Icy. Kanina ko pa nga siya tinatawagan eh... " Nagaalala na sabi ni Joshua. Pati din pala siya, nagaalala na?
"Kate.. Diba sinabi mo sa akin nung isang araw na palaging may nakakabit na tracking device kay Icy?" Tanong ni Drey sa akin. Oo, tama.. 'Yung tracking device na nakakabit sa damit ni Icy. Buti nalang naisipan ni Drey.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at agad kong trinack si Icy. Maabutan pa ng ilang minuto bago ko ma-track si Icy..
"Ano? Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Rare sa akin.
"Hintay lang.. Nag-lo-loading pa." Sabi ko. Ilang minuto pa ang nakalipas ay na-track na ng cellphone ko si Icy.
Napakunot naman ang noo ko nang malaman kong nasa isang Chocolate Factory siya na ngayon ay inabandona na, malapit ito sa forbidden lake. Ano naman ang ginagawa ni Icy dito?
Tiningnan ko naman ang status niya na pwede din naming malaman gamit ang tracking device. Nagulat naman ako nang isang warning sign ang nasa status niya. Nas panganib si Icy?
Para makumpermang nasa panganib si Icy- pinindot ko 'yung warning sign para malaman 'yung code-which is 'yung message na ginawa niya gamit 'yung power key at yung volume keys. Pero naka-code ito. Kahit na lowbatt siya, makakagawa pa rin siya ng message na kinonvert into codes at kayang-kaya niya pa rin itong ipadala.
May nakita akong 'DUPUPDUPPDUUUDPPUPP' nung pinindot ko 'yung warning sign.
Inimbento lang namin ni Icy ang code na ito, kami lang ang nakakaalam nito.
"Ano? Okay lang ba siya? " Tanong sa akin ni John. Hindi ko siya sinagot kasi crina-crack ko pa ang code. Naabutan pa ng ilang minuto bago ko na-crack ang code, at tama nga ang kuton namin.
"Guys, she's in Danger. " Sabi ko sa kanila.
"What?! Paano mo nalaman?! " Gulat na tanong sa akin ni Anthony.
"Na-track ko na siya. At nalaman ko rin 'yung status niya. Para ma-confirm ko na nasa panganib nga siya, chineck ko ang codes. Inabot pa ako ng ilang minuto bago ko na-crack ang code-na ang ibig sabihin ay 'Need backup, I'm in danger'.. " Paliwanag ko sa kanila. Biglang tumayo si Joshua at maglalakad na sana siya nang hinila siya ni Ella.
"Saan ka pupunta? " Tanong ni Ella sa kaniya.
"Saan pa?-Edi pupuntahan ko si Icy at ililigtas siya!" Sagot ni Joshua kay Ella.
"At alam mo ba kung nasaan si Icy?.. Alam mo?"
"Hindi... " Sagot ni Joshua sabay kamot sa batok niya. Ayaw ko nang tumunganga pa dito, kaibigan ko 'yung nasa panganib. Kaya kailangan kong kumilos agad.
Dinial ko ang number ni destroyer at agad ko siyang tinawagan.
"Ms. K, napatawag ka?" tanong niya.
"Magdala ka ng 20 members, nasa panganib ngayon ang leader natin." Sabi ko.
"A-ano?! Nasa panganib si Night Demon?!" Gulat na tanong niya.
"Yes.. Pumunta kayo sa isang abandonadong chocolate factory na malapit sa Forbidden lake. Mauna na kayo, hintayin niyo lang ako. At make sure na hindi nila kayo mahuhuli. Magtago kayo." Sabi ko kay Destroyer.
"M-may tanong pa po ako."
"Ano 'yon?"
"Sila Violet po ba ang makakalaban natin doon?" Tanong niya. Halata na rin ang pagaalala niya kay Icy. Masasabi mong totoo nga siya kay Icy.
"Yes.Bye.. " At agad ko siyang binabaan. Tumayo na ako at aalis na sana nang pigilan ako ni Rare.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Ililigtas ko si Icy. Wag na kayong sumama, delikado ang kalaban." Sabi ko kay Rare. Lalakad na sana ako ulit nang bigla niyang hinila ang braso ko.
"Sasama ako. Kaya ko namang lumaban." Sabi niya.
"Sasama din kami. " Napatingin naman ako kay Joshua. Tumayo siya sa kaniyang inuupuan at pumunta siya sa akin. Nagsitayuan din silang lahat.
"Guys, Gangsters 'yung makakalaban niyo." Sabi ko.
Medyong nagulat naman sila maliban nalang kay Ella. Alam na alam niya talaga kung sino ang pinaka-kalaban ni Icy pagdating sa gangster business.
"What do you mean?- connected ba si Icy sa mga gangster business??" Tanong ni John. Oo nga pala, siya nalang pala ang hindi nakakaalam kung sino si Icy.
"Yes, sorry guys kung ngayon ko lang sinabi sa inyo-pero dati pang may mahigpit na kalaban si Icy sa trono niya-at kilala niyo na 'yun." Sabi ko.
"Si Violet at Harry ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Anthony. Medyong hininaan lang namin ang boses namin kasi baka marinig kami ng ibang costumers dito.
"Yes." Sagot ko. Natahimik naman ang lima sa sagot ko.
"John, ikaw nalang ang hindi nakakaalam kung sino talaga si Icy. " Sabi ko. Napatingin naman si John sa akin.
"There's no time... Kung kaya niyong ipagtanggol ang sarili niyo-sumama na kayo." Sabi ko at nauna na akong lumakad palabas ng restaurant.
Umaasa akong hindi pa huli ang lahat. Sana hindi pa patay si Icy or something. Kung nasaan man siya ngayon, I hope na hindi pa niya sinimulan ang party doon.
***
BINABASA MO ANG
Ms. Angel is the Gangster Queen
Teen FictionShe's Icy Natalie Montefalco and her fake name is Angelina Marie Genova. Bakit may Fake name? The only answer for that question is she ONLY wants to hide her true Identity. She have one-Two-But Three Personalities. Remove her Disguise that makes h...