Epilogue

2.5K 36 2
                                    


(After 5 years)

Icy

Tinititigan ko ang repleksyon ko sa full body mirror. 5 years na ang nakalipas, at marami na'ng nagbago. At nagbago na rin ako. Pero ako pa rin yung Icy na mahilig magsuot ng dark colored dresses or gown sa mga party. And here I am, wearing my dark blue gown. Hindi ako naglagay ng maraming make-up dito sa mukha ko, simple lang. Naka-ayos na rin ang buhok ko. It means.. Ready na ako sa Party.

Kakabalik lang namin nung isang araw galing sa Canada, at pagkatapos ng 2 days ay nagpa-party agad si Papa. Yep.. Magaling na siya. At masayang-masaya ako dahil magaling na siya.

Dito si Papa nagpa-party sa bago naming mansion. Wala na kaming planong bumalik sa dati naming lugar. Kasi.. Alam niyo na..

Kahit na okay na ang lahat.. Parang may kulang pa rin. Parang hindi pa ako kompleto. May kulang ehh..

Napatingin naman ako sa isang picture na nasa taas ng studying table ko, larawan ng isang lalaking palagi kong iniiyakan. Sa picture, nakangiti siya kasama ang mga kaibigan namin. Ang saya-saya nila.. Picture iyon ng kaarawan niya..

Napabuntong-hininga naman ako nang naisip ko ulit ang tanong na dati pang hindi nasasagot... Wala na ba ako sa kaniya?-I mean, hindi niya ba ako naaalala o binabanggit sa kanila? Talaga bang nakalimutan na niya ako?..

Muli akong tumingin sa repleksyon ko, sa totoo lang.. Naaawa na ako sa sarili ko, pero hindi ko kailangan ng awa... Kung ayon talaga ang nakatadhana, wala akong magagawa. Nangyari na ehh, ang dapat ko lang gawin ay ang tanggapin ang nangyari..

"Icy.. Ready ka na?"Tanong ni Kate sa akin. Oo nga pala, may party pa akong dadaluhan... Since ready na ako, lumabas na ako ng kwarto.

" Wow.. You're so beautiful."Papuri ni Kate sa akin. Maganda din naman siya, nakasuot siya ng red long fitted gown. At naka-braids pa ang buhok niya.

"Ang ganda mo din.." Papuri ko rin sa kaniya. Nag-thank you siya at sabay na kaming naglakad papunta sa labas ng bahay.. Yep, sa labas.. Malaki ang space sa labas at perfect na perfect para sa bunggang party.

Nang nakalabas na kami sa mansion, tumambad sa amin ang mga bisitang masayang nagku-kwentuhan at nagiinuman ng wine. Ang iba naman ay may kausap sa telepono at ang iba ay mag-isang ini-enjoy ang pagkain at wine na kinuha nila.

"Icy.. Diyan ka muna ha? May kakausapin muna ako." Paalam sa akin ni Kate at pinakita niya sa akin ang Phone niya. Naka-flash ang pangalan ni Rare sa screen niya... Alam niyo bang sila na ni Rare? gulat kayo noh?

Naaalala niyo pa ba si Mica, kahapon ko lang nalaman sa ispiya ng gang ko. Buhay pa si Mica, pero hindi siya tumagal sa puder ni Violet. Kalauna'y pinatay din siya ni Violet dahil wala daw siyang silbi.

'Yan ang huling pagkakataong naka-usap ko ang isa sa mga member ko, 'cause I already leaved the gangster world. Binigay ko na sa karapat-dapat ang trono na matagal kong iningatan. Hindi ko na sasabihin sa inyo kung sino ang bagong nagmamayari.

Biglang nag-vibrate ang phone ko, pagtingin ko sa screen ay naka-flash ang number ni Papa. Kaya agad ko itong sinagot. Pagsagot ko, magsasalita na sana ako nang inunahan ako ni Dad.

"Pumunta ka dito sa roof top, bilisan mo." At agad niya akong binabaan. Mukhang seryoso si Dad, kaya mukhang seryoso din ang topic namin... Hindi na ako tumunganga pa, nagmadali na akong naglakad papunta sa roof top.
Pagkarating ko sa roof top, agad akong sinalubong ng malamig ng hangin.

Nagpatuloy lang ako sa pagakyat hanggang sa nakaabot na ako sa roof top.

Agad kong nilibot ang tingin ko, at agad kong nakita ang isang lalaking nakatalikod mula sa akin, naka-suot siya ng dark blue na toxido, nakapamulsa at parang nilalasap ang malamig ng hangin. Hindi ito si Dad, kilala ko ang tayo niya, ang body frame niya at ang buhok niya.

Hindi ito si Dad, sino ito?
Tumigil ang mundo ko nang humarap siya at nakita ko ang mukha niya.. Si... Si-James? Nandito siya?... Napako naman ako sa kinatatayuan ko at parang hindi ako makagalaw dahil sa gulat.

♪ I found a love ♪

Sakto namang tumugtog ang isang song na nanggagaling sa baba. I need to go now, kailangan ako doon sa baba.
Bababa na sana ako nang isang kamay ang biglang humila sa braso ko. At paglingon ko ay si James ang humila. Hindi ako nakakibo at nakagawa ng move. Hinayaan ko siyang hinahin ako papunta sa gitna ng roof top.

"Let's dance." Aya niya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nagdalawang-isip pa ako kung papayag ba ako o hindi, pero ang katawan ko na mismo ang kumilos-hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula na kaming sumayaw.

Wala ni isa sa amin ang kumibo, sumayaw lang kami habang patuloy sa pagtugtog sa song... Dahil sa miss na miss ko na siya at nagsisisi pa rin ako dahil ilang years akong nawala sa tabi niya, hindi ko naiwasang maluha habang sumasayaw kami... Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.

"Sorry.." Sabi ko. Napayuko naman ako dahil ayaw kong ipakita ang mga luha ko sa kaniya.

"Shhh.. It's nothing, It's okay.. I understand." Sabi niya sa akin. Huminto siya kaya huminto na rin ako.

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap ito sa kaniya. Pinunasan naman niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

"Icy, ito ang tatandaan mo. Mahal na mahal kita at hinding-hindi ka maaalis sa isipan ko at sa puso ko. Kahit na nagka-amnesia man ako,maaalala at maaalala pa rin kita..I love you." Sabi niya sa akin. Napapikit ako nang hinalikan niya ako sa noo.
Hindi ako nakapagsalita... I'm speechless, kasi nagulat ako. At hindi din ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Pero kahit na ganun. Nangibabaw pa rin sa akin ang saya. Kompleto na ako, dahil nasa harapan ko na ang lalaking matagal kong hinintay at ang matagal ko nang iniiyakan.Lalaking dahilan ng pagbabago ko, siya ang dahilan kung bakit ko iniwan ang gangster business ko at mga gulong sinalihan ko.

And I, Icy Natalie Montefalco. Isang babaeng may tatlong personality. Isang babaeng hindi inaakalang magkakagusto sa lalaking dati niyang kinaiinisan. At hindi ko rin inaakalang aabot ako sa ganito. Ang akala ko, habang buhay na akong nasa gitna ng kadiliman, yun lang pala, may hihila sa akin palabas.. Hinding-hindi ko makakalimutan ang parteng ito ng buhay ko.

THE END

***

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon