Chapter 92: Three Bullets

912 17 1
                                    


Icy's Pov:

Nang naka-balik na ako sa factory, tumambad sa akin ang mga katawan ng kalaban. Lahat sila ay naliligo na sa sarili nilang dugo, so.. Tapos na pala.. Pero, nasaan na sila? ako nalang ba ang nandito?

Pumunta ako sa likod ng factory, at wala akong nakita kundi ang mga katawan ng mga kalaban. Wala naman akong nakitang patay na hell chaserians, kaya wala na akong dapat alalahanin—wait—si James! Yung mga kasama ko.. Sila Ella, nasaan na sila?

"Icy!!!!"

Agad akong napatingin sa bandang kanan kung saan nanggaling ang boses na 'yon. At nakita ko si James na papunta sa kinaroroonan ko, hindi ko na siya hinintay—patakbo akong lumapit sa kaniya at isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kaniya nang nakalapit na ako sa kaniya.

"Buti naman, ligtas ka.." Sabi ko.

Napapikit naman ako at isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Kung may nangyaring masama sa kaniya, baka mamatay ako sa kakaalala sa kaniya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at humarap ako sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang ngiti na matagal ko nang hindi pinapakita sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Icy, tapos na.. Pwede na tayong magsaya.." Sabi niya. Parang ano mang sandali, iiyak na ako sa sobrang saya.. Hindi ko inaakalang magtatagal sa tabi ko si James, matagal akong naging magnet ng danger, pero kahit na ganun.. Nagtagal pa rin siya sa akin..

"Oh, ba't parang iiyak ka na diyan?" Tanong niya sa akin na parang natatawa siya sa akin, napakurap ako ng ilang beses at doon ko lang namalayang tutulo na pala ang luha ko. Gosh... Ganito pala ako ka-saya.

"Wala.. Masaya lang ako.. Kasi tapos na ang war, wala na tayong poproblemahin.." Sabi ko. Agad naman niya akong niyakap matapos kong sabihin 'yon sa kaniya, dahil sa masarap sa pakiramdam ang niyayakap niya ako,napapikit ako ulit.Parang tatalon na ako sa sobrang saya, grabe.. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang kasiyahan.

"Hihintayin ko yung explaination mo sa akin.." Bulong niya sa akin. Yung explaination na tinutukoy niya ay yung tungkol kanina. Yung ni-reveal na nila Violet kung sino ako kay James. Hindi lang 'yan ang i-e-explain ko sa kaniya, marami pa akong i-e-explain.. Kaya i-handa niya yung ears niya sa pakikinig.

"Wag kang magalala... I-e-explain ko sa'yo ang lahat—"

*Bang... *Bang..  *Bang..

Agad akong napadilat nang marinig ko ang tatlong putok ng baril na 'yon. Hinanap ko agad ang taong nagpaputok nun, at sa di kalayuan, nakita ko ang isang lalaking duguan— may hawak na baril—at nakatutok mismo sa amin ang baril niya.

Biglang tumigil ang mundo ko nang na-realize ko kung sino ang natamaan.. Agad akong nakaramdam ng lamig sa bandang balikat ko... Inisip ko na hindi si James ang natamaan, pero nang makita ko ang tatlong tama sa likod niya—doon na naggunaw ang mundo ko.

"Jaaaaaaames!!!!"

Agad na tumulo ang mga luha ko matapos ko siyang saluin. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa lupa, at doon ko na nakita ang dugong lumalabas sa bunganga niya. Shiiiiit!!!

Habang bumubuhos ang luha ko, kinuha ko ang baril na hawak niya at agad kong hinanap ang taong may gawa nun.
Nakita kong siyang mabagal na lumalakad palayo, hindi ko na siya pinatakas pa. Pinaulanan ko siya agad ng bala. Ibinuhos ko ang galit ko sa baril, kaya agad na naubos ang bala ng baril na hawak ko. Tinapon ko ang baril at agad kong nilapitan si James.

"J-James.. Wag na w-wag kang pu-pumikit.. Please.. H-hihingi ako ng tulong." Kahit na nanginginig ang kamay ko ay hinawakan ko pa rin ang mukha niya. Kahit na naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob, pinilit ko pa ring makasigaw nang malakas.

"Tulooooooong!!! Tuloooooong!! Ellaaaa! Joshuaaaa!! Tuloooong!!" With all my strength, binuhat ko si James. Nilagay ko ang kamay niya sa balikat ko at itinayo ko siya. Naninikip man ang dibdib ko, at halos mawalan na ako ng hangin ay pinilit ko pa ring magsalita.

"J-James... Please, don't close your eyes.. Or else..." Hindi ko na natuloy dahil sa inunahan ako ng sama ng loob. Habang binubuhat ko si James, humahagulgol ako. Konting tiis nalang, para ito kay James. Kung hindi ko siya mailalabas sa lugar na ito, baka... A-ayaw ko nang ituloy... Ayaw ko siyang mamatay!

"Icy!"

Agad akong nilapitan ni Ella at Joshua. At sila na ang nagbuhat kay James.

"Anong nangyari?!" Nagpapanic na tanong ni Ella sa akin.

"Bi-binaril siya ng i-isa sa mga kalaban natin.."Luhaan na sabi ko sa kaniya.

" James.. Wag kang pumikit.. Please.. I'm Begging you.."Sabi ko kay James. Nang hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ni Joshua at tiningnan ko siya, parang mas lalong nanikip ang dibdib ko. Hindi.. Kung hindi dahil sa bwisit na 'yon! hindi sana ito nangyayari kay James!!

James.. Don't give up, I know you're strong.. So, don't give up!! Ikaw lang ang buhay ko, kung mawala ka sa akin, hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala ka.. Please... Don't give up..

***

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon