Chapter 57: The Thief

1.1K 27 0
                                    


Icy's Pov:

Tahimik lang siyang nagda-drive at ako naman ay tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Matagal na akong hindi pumupunta ng arena. Okay lang kaya sila doon? Wala bang problema?

Biglang pumasok sa isip ko si Violet at Harry. Ang akala naming lahat ay patay na sila. Yun lang pala, buhay pa. Subukan lang nilang banggain ako ulit. Hindi ako magdadalawang isip na ilibing sila nang buhay.

Nang mapansin kong iba ang dinadaanan namin, agad kong tinanong si Andrew.

"Hey. Saan ba tayo pupunta?"Tanong ko.

"Sa isang Coffee Shop."Sagot niya. Chineck ko ulit ang time at 7:45 na. Baka magalala si James pag hindi pa ako umuwi.

"Andrew. Kailangan ko nang-"Agad naman akong napatilig sa pagsasalita nang bigla kaming huminto sa harapan ng isang Coffee shop. Seriously?

"We're Here."Masiglang sabi niya. Hindi pa rin tumitigil ang pagulan. Haist! Bakit pa kasi umulan?!

Kinuha niya ang payong sa likod at agad na bumaba. Pagbaba niya, agad naman niyang binuksan ang payong. Hinintay ko lang muna siyang buksan ang pinto. Nang nabuksan na niya ang pinto, agad akong bumaba.

Third person's Pov:

Bago sila pumasok sa loob ng coffee shop. Pinasuot muna ni Andrew si Icy ng Kalo at mask para hindi siya makilala. Pagpasok nila, agad silang dumiretso sa isang table na nasa sulok ng coffee shop. Umupo agad si Icy sa upuan at si Andrew ay sandaling umalis para bumili ng coffee.

"Hindi na sana ako pumayag."Sabi ni Icy sa kaniyang sarili. Nagaalala pa rin siya kay James. Baka hanapin siya nito or baka magalala siya kay Icy.

Pinasok ni Icy ang Kamay niya sa bulsa niya para kunin ang cellphone niya pero laking gulat niya nang wala siyang nahawakang cellphone sa bulsa niya.

"Oh shoot!"Bulong niya. Agad niyang inisip kung saan niya iyon nilapag. Sa table ba ng office niya, sa Canteen, Sa book shelf. Pero wala, sa bulsa lamang niya ito nilalagay.

"Patay ako nito!"

Nagpanic agad si Icy sa inuupuan niya. Biglang dumating si Andrew na may bitbit na kape. Agad naman niyang napansin na hindi mapakali si Icy kaya agad niya itong tinanong.

"Okay ka lang?"Tanong ni Andrew. Agad niyang nilapag ang dalawang kape sa harapan ni Icy. Pagkatapos niyang gawin iyon, agad siyang umupo.

"Pa'no ako magiging okay kung nawawala ang cellphone ko! Sabihin mo nga! Pa'no?!"Halos sumigaw si Icy sa harapan niya. Agad namang tumawa si Andrew. At dahil sa pagtawa ni Andrew, agad namang nainis si Icy sa kaniya.

"Anong nakakatawa? Mukha ba akong clown sa harapan mo?!"-Icy. Mas lalong tumawa si Andrew.

Tinignan ni Icy si Andrew ng masama. Para bang gusto na niya itong patayin sa tingin lang.

"Hahahaha.. Kalma lang, nandito sa akin ang cellphone mo."Sabi niya at agad naman niyang nilabas ang cellphone sa bulsa niya. Agad namang nakahinga ng maluwag si Icy.

"Goodness! Pa'no mo nakuha 'yan sa bulsa ko?"tanong ni Icy.

"Secret."Sabi ni Andrew sabay ngiti kay Icy.

"So.. Akin na iyan."Sabi ni Icy at kukunin na sana ang cellphone sa kamay ni Andrew nang agad itong binawi ni Andrew.

"No.." Ibinalik naman niya ito sa bulsa niya. Tinitigan ng masama ni Icy si Andrew Ulit. Tinawanan lang ito ni Andrew.

"Ibabalik ko ito sa iyo pag binalik na kita kay James."Sabi nito at ngumiti. Umiwas lang ng tingin si Icy at nagsisisi ito dahil sumama siya kay Andrew. Napamura si Icy ng mahina nang naisip niya ang pwedeng maging reaction ni James pag nalaman niyang kasama niya pala si Andrew.

"Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko kayong magkasama at masaya dahil kapiling niyo ang isat-isa."Biglang natigilan si Icy sa sinabi ni Andrew. Sumeryoso naman agad si Icy dahil sa narinig niya.

"Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko kayong naglalambingan."Seryoso at malungkot na sabi ni Andrew. Biglang naalala ni Icy na may gusto si Andrew sa kaniya dati pa. Alam niya na mahal na mahal siya nito. Pero hindi niya lang man magawang suklian ang pagmamahal ni Andrew dahil kaibigan lang ang turing niya sa kaniya.

"Hindi ko matanggap na hanggang tingin lang ako. At mas lalo kong hindi matanggap na kaibigan lang ang turing mo sa akin."

"Kaya gumawa ako ng paraan. Nanakawin muna kita kay James, at heto ka ngayon. Nasa harapan ko na."

Mas lalong tumahimik si Icy dahil sa sinabi ni Andrew sa kaniya. Nagsisimula na siyang mainis.

"Andrew, hindi ako laruan na basta-basta mo lang nanakawin kay James. Kung ano man ang balak mo sa akin, wag mo nang ituloy."Sabi ni Icy na parang nagbabanta lang. Pero parang walang narinig si Andrew.

"Icy. Pwedeng tayo na naman. Kahit ngayon lang. Please.. "Pagmamakaawa ni Andrew kay Icy.

"Ipapasyal lang kita. At maguusap tayo. Baka malay mo, pagkatapos-"Agad namang napatigil si Andrew sa pagsasalita nang biglang hinampas ni Icy ang table. Lahat ng tao na nasa loob ng coffee shop ay agad na napatingin sa direksyon nila, hindi ito pinansin ni Icy.

"Bibigyan kita ng chance, pero ngayon lang ito."Sabi ni Icy kay Andrew. Agad namang nabuhayan si Andrew..

"Thank you."-Andrew

Icy's Pov:

Nang tumigil ang ulan, agad kaming lumabas sa coffee shop. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta.

"Sa Park. Malapit lang iyon dito."Sabi niya. Hindi ko na hinintay na siya pa ang magbukas ng pinto. Pagbukas ko, agad akong pumasok.

James's Pov:

Kanina ko pang tinatawagan si Icy pero walang sumasagot. Chineck ko ang time. 9:15 PM. Kanina pa akong nagaabang dito sa sala at kanina pa akong nagaalala sa kaniya.

Pinuntahan ko siya sa office kanina pero wala siya. Tinanong ko kay Manong Guard kung nakita niya bang umalis si Icy sa school. Ang sabi niya ay wala, hindi niya nakitang umalis ito pero masasabi niyang nakaalis na si Icy dahil nasa table na niya ang susi ng office.

"Icy... Nasaan ka na?!"

Natutulog na ngayon si Tita sa Kwarto. Kasama ko siya dito kanina, tinanong niya ako kung nasaan si Icy. Sinabi kong Hindi ko alam. Pero, imbis na magpanic si Tita ay kalmado pa rin ito at sinabing wag daw akong magalala, okay lang si Icy. Papatayin niya ang mga taong may masasamang balak sa kaniya. Nagtaka ako sa huling sinabi ni Tita. Joke ba iyon? Seryoso kasi si Tita.

Agad akong napatingin sa pintuan nang may bumukas nito. Agad kong nakita si Icy. Hindi niya ako nakita, dire-diretso lang ang paglakad niya papunta sa kusina pero agad itong tumigil nang nagsalita ako.

"Saan ka galing?"Tanong ko. Tumayo ako at Lumakad papunta sa kaniya. Nanatili lang siya sa kinatatayuan niya. Humanda ka sa akin.
------------

Ms. Angel is the Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon