Dear Reader:

4.8K 69 9
                                    

Dear You, 

There's about 7 billion people in the world, at hindi lahat, makikilala mo.


Maaring ang estrangherong katabi mo ngayon ay isang beses mo lang makikita sa buong buhay mo. O di kaya sa ayaw at sa gusto mo, pinaglalapit pa rin kayo ng tadhana. Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong mo, siya lang ang hinangad mong makita paggising sa umaga. Sa pitong bilyong tao sa mundo, siya lang hinintay mong mahulog sa 'yo.


Bukod sa magising at mabigyan ng panibagong pagkakataon para ma-enjoy ang buhay, walang kasingsaya ang malaman kung para kanino ka talaga nabubuhay—na out of 7 billion people, you've finally found the One.


Inihahandog  ang nobelang Kung Magkikita Tayong Muli—binubuo ng limang kabanata ng tatlong taong naghahangad na ibigin.

Ito ang nobelang bubusugin ka ng love quotes, terminong hindi maipaliwanag ng dictionary at mga katanungang kahit wala kang lovelife ay kailangan mong sagutin—Kung Magkikita Tayong Muli. 


Nagmamahal, 

CHICHAY :) 


Kung Magkikita Tayong Muli 

Chichay Bonifacio 

All Rights Reserved| 2014

Kung Magkikita Tayong MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon